CHAPTER FOURTEEN
Sabi nila, ang isda ay nahuhuli sa sarili nilang bibig! Huhuhu! Buwiset lang! Pramis! Hindi ako nakakibo sa huli kong nasabi. Kakaasar! Me and my big mouth talaga! Hindi tuloy ako makatingin ng direcho kay Matteo ngayon.
Hindi na nga ako makatingin pababa dahil nakikita ko ang naka-flag ceremony niyang dingdong, hindi rin ako makatingin pataas sa mukha niya dahil parang matutunaw ako sa titig niya! Bakit ba kasi parang demi-god ang kaguwapuhan ng lalaking ito? Kung makatitig lang eh parang kusang bumubuka ang mga hita ko! Para lang pintuan! Basta lang dumingdong, bubukas kaagad? Chos!
Ah ewan! Basata, gusto ko ng lamunin ng lupa sa kahihiyan dahil sa mga pinaga-gawa ko! Huhu!
"Tanya," sambit niya at hinawakan ako sa baba. "I'm sorry..."
Tama ba ang narinig ko?
"I'm sorry that I am forcing myself on you." Nagsosorry siya sa kamanyakan niya?
"You're really a beautiful woman, and I'm very attracted to you. I'm sorry I wanted to be physical with you... to have you. But I realized you are right. We don't have a relationship and I have no right to seduce you and take your virtue." Pag-amin niya.
Dapat okay para sa'ken na nag-sorry siya. Dapat matuwa ako na nag-sorry siya at sinasabi niyang nireregret niya na nilalandi niya ako nadadala naman ako sa panlalandi niya.
Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit may lungkot at panghihinayang akong nararamdaman dahil titigilan na raw niya ang panlalandi sa'ken? Does it mean gusto ko rin na landiin niya ako? Does it mean na gusto ko rin matuloy ang pagkuha niya ang virtue ko? Naguguluhan ako.
"I almost forgot my promise to Gerard..." dagdag pa niya at may namumuong ngiti sa labi. "But what do I do, Tanya? You are a very attractive woman!" Sabi pa niya.
Na-flatter naman ako. Sino bang hinde, lalo na kung galing sa guwapong katulad ni Matteo? At hindi basta basta si Matteo, in fairness. Hmp! Ako pa talaga ang pumupuri sa gunggong na'to?
Naputol ang pag-iisip ko dahil lumapit si Matteo sa'ken.
"What do you want?" pasinghal kong atras.
"I want you." Sabi niya sabay kindat sa'ken habang papalapit para halikan ako.
Madadala na sana ako ng paghalik niya sa'ken pero rumehistro ang sinabi niya. At ang sabi niya ay gusto niya ako. Gusto niya lang ako, pero hindi ibig sabihin non ay mahal niya ako, diba?
"Matteo, stop." Pinigilan ko ang paghalik niya at muling pagpasok ng kamay niya sa pagitan ng mga hita ko. "I cant do this!" I said with conviction. "I want to give myself to the right man, and that man is the one that I will marry." Sabi ko at mabilis na hinakot ang kumot para tumayo sa kama, papalayo sa kanya.
Biglang may kumatok. Sabi ng kumatok ay sa laundry service daw ito. Nagkatinginan kami ni Matteo at nagkusa na siyang tumayo. At sa pagtayo niya ay naiwan ang tuwalya sa kama dahil hindi ito naka-buhol sa beywang ni Matteo. Kaya naman nakita ko ang dingdong niya na naka-flag ceremony pa rin. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya, lalo na sa direksyon ng dingdong niya at hindi ko napigilang mainis.
"I can't believe you! You're such an exhibitionist!" Komento ko at narinig ko siyang natawa sa sinabi ko.
Kinuha niya ang tuwalya sa kama at ibinalot sa kanyang beywang bago pumunta sa pintuan para buksan ito. Ako naman ay bumaba sa kama para maka-iwas sa awang ng pintuan at para hindi ako makita ng laundry staff.
Pagsara ni Matteo ng pintuan ay ini-lock niya ito at ibinigay sa aken ang mga gamit ko. Kinuha na rin niya ang mga damit niya sa laundry bag, at saka tumalikod sa'ken upang magbihis.
"First to dress up gets a wish from the other." Sabi niya kaya naman nagmadali ako magbihis. Halos matumba tumba ako sa pagsuot ng underwear ko, tapos sinuot ko ang bra ko at dress. "I win!" I triumphantly said. Pero pagharap ko sa kanya ay bihis na siya at nakasalampak na sa kama, kaya napasimangot ako. Sobrang pikon na ako dahil nanalo na naman siya. For sure, nag-cheat siya. Alam kong masama ang mangbintang pero kahit wala akong proof, basta para sa'ken nag-cheat siya!
"You're a cheater! I hate you! I really, really hate you!" Galit kong sabi sa kanya at nagmartsa papalabas ng kuwarto. Gusto ko ng mag-walk out sa pikon sa kanya. Paano naman kasi natalo na naman ako! Tapos madadagdagan na naman ang mga punishment niya sa'ken dahil nanalo na naman siya sa'ken this time!
Malas! Malas talaga! Siguro si Matteo ang malas sa buhay ko, dahil parati akong natatalo sa kanya! Grrr!
Paglabas ko ng kuwarto ay agad akong pumunta sa receptionist para makitawag sa telepono. I dialed the number of the car rental agency to follow up on the car rental that would pick us up. I was told though na narito na raw ang car rental sa venue kaya naman nagpaalam na ako sa kausap ko at hinarap ang receptionist. Kanina pa pala narito ang car rental pero hindi man lang ito kumatok o nagsabi man lang na naroon na ang car service!
"Miss, I was told by the car rental agency that the car service we were expecting was already here. Why didn't you tell us?" Pigil ang galit kong tinanong ang Amerikanang kausap ko.
"I'm sorry Ma'am but your husband told us to wait for him to go out of the room." Explain naman ng receptionist.
"Husband?" gulat kong nasambit. Sinong husband naman ang tinutukoy ng babaeng ito? Sa isip ko, hanggang sa napalingon ako sa direksyon ng kuwarto kung saan palabas na si Matteo na nakangisi na ngayon. Naningkit na talaga ang mga mata ko kay Matteo. "I told you I wouldn't be where I am now, if I don't think ahead..." he grinned in pleasure.
"May araw ka din sa'ken!" I hissed. "Hudas barabas!"
"English please." He continued to smile as he came closer.
"Ah ewan ko sa'yo! Galit kong sabi at lumabas ng inn to look for the car. It was in front of the inn with the driver outside waiting. Lumakad na ako papunta sa labas ng inn. Hindi ko talaga siya inintay sa inis ko sa kanya. Paano naman kanina pa pala nariyan ang rented car service, pero dahil sa bilin niya sa receptionist ay hindi kami kaagad nakaalis. Arggh! Nakakainis na talaga yan' si Matteo! Ano bang balak niyang gawin? Maka-score sa'ken? Tapos anong mangyayari? Ako ang uuwi ng Pilipinas na luhaan? At baka mabuntis pa ako ng loko lokong ito! Sira pala ulo nito eh? Porke't guwapo, matalino, makisig ang pangangatawan, at charming eh hahayaan ko na lang siya na maka-isa sa'ken? Ungas yon ah!
"You look at me as if you're gonna eat me alive..." komento niya. Nasa likod ko na siya. Sumunod pala siya sa'ken.
"Did you check out and pay for the room already?" halukipkip kong tanong sa kanya.
"Of course," he winked. "Even before we got in."
Iniripan ko na lang siya at sumakay sa loob ng sasakyan.
"May araw ka rin sa'ken..." nasambit ko habang naka-poker face na nakatingin sa akin si Matteo pero kitang kita ko sa mata niya na feeling triumphant siya sa nangyari ngayon araw na'to.
Naalala ko tuloy yung nangyari kanina. "Muntik na!" Napakagat labi kong sambit.
Di bale... makakaganti rin ako sa iyo sa araw ng bridal shower at stag party! "Hahaha!" Napatawa ako sa naisip ko.
"Never thought you could laugh like a witch." Komento niya.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Tse!" Sabay inirapan ko siya.
YOU ARE READING
Falling Like A Fool
Ficción GeneralDisclaimer: This story should not be mistaken for a fairy tale. This is not appropriate for kids. THIS IS SPG | STEAMY |RAUNCHY #lovestory #romance #whirlwind #truelove #sacrifice #trust