CHAPTER TWENTY THREE
Unti-unti akong nagising at nagmulat ng mata. Napansin kong nasa kama ako na may puting bed sheet. Definitely, hindi ko kama ito, dahil ang kulay ng bed sheet ko sa bahay ay Yellow. My favorite color. Napansin ko din na wala akong suot na damit under the blanket kaya nag-panic ako at napatili.
"My gahd!" Napatili ako sa panlulumo at kinapa ko ang sarili ko kung may masakit ba sa akin, lalo na yung vagina ko. "Masakit ka ba?" Kapa ko under the bed sheet. Pero hindi masakit, kaya naman sinilip ko sa ilalim ng kumot. Nagtaka ako kasi wala namang dugo. "Ano bang klaseng rape 'to? Parang walang nangyari?" nasambit ko.
"Don't worry, love. As I've told you before, I'd like to love you when you are sober." Sabi ng pamilyar na boses kaya mabilis kong inalis ang kumot sa ulo ko.
Nakita ko si Matteo na nagsasara ng pintuan. Galing pala siya sa labas ng kuwarto. Siguro narinig niya ang pagtili ko kaya pinuntahan niya ako.
"What did you do to me?" galit kong tanong, nang bigla umuga ang kama. Saka ko lang napansin na umuga din ang buong paligid. "Waah! Earthquake!" Tili ko at tumayo ng kama yapos ang kumot.
"Sit, love." Sabi ni Matteo pero dahil sa panic ko ay hindi ko na siya inintindi kaya naman si Matteo ay mabilis na pumunta sa akin kahit na umuuga ang paligid, at hinawakan ako. Pareho kaming natumba sa kama.
"Oh my gahd! Ayokong mamatay ng nakahubad sa kama, katabi mo! Nakakahiyang matagpuan ng ganito! Huhu!"
"Calm down, love. It's just turbulence." Sabi ni Matteo.
"Turbulence? As in unstable flow of a liquid or gas, or instability in the atmosphere? You mean we're in an airplane?"
"Yes," sagot naman niya na natatawa sa akin.
"Ah, I thought there's an earthquake eh..." relieved kong sagot. "Nasa airplane lang pala..." I nodded, until nagpanic ang utak ko. "Airplane? Bakit ako nasa airplane?"Nanlaki ang mata ko at saka ko lang naalala na sinabi ni Matteo na dadalin niya ako sa Brazil.
He started to stand up from bed, at dahang dahang naglakad patungo sa pintuan habang may turbulence. "And just where do you think you're going? Come back here!" Galit kong sabi.
Napatingin siya sa akin at napatawa na naman. Nainis tuloy ako lalo dahil parang hindi siya natitinag sa galit ko.
"I'm just going to check what's happening." Aniya. "I'll be back, now that you are sober." Poker face pa ito.
Hindi kaagad nag-sink in ang sinabi niya sa akin pero dahil sinabi niyang sober ako ay saka ko lang naalala ang sinabi niya sa akin noon na he prefers to love me when I'm sober.
Napakagat ako sa mga kuko ko at mabilis na tumayo ng kama. Dahan dahan akong lumakad patungo sa malapit na sofa na may naka-fold na wheel chair. Napansin ko din ang knapsack sa sofa na may katabing hospital dress, bote ng dextrose na hindi pa nakabukas at ang plastic tube nito na may nakakumpol na medical tape. Naroon din ang isang folder ng medical record at certificate stating na ang isang Tatania Pontes ay pinapayagan na mag-travel patungo sa homeland ng kanyang asawa na si Matteo Pontes. Binuksan ko ang knapsack at nakita sa loob ang dalawang passport. Passport ni Matteo at isa pang passport na may photo ko, pero nakasaad doon na married ako at ang surname ko ay Pontes.
Narinig ko ang pag-click ng pintuan. Nagpanic ako at agad na ibinalik ang mga passport sa loob ng bag, pero sa pagpanic ako ay nabangga ko ang bote ng dextrose at sinalo ko ito dahil pahulog na ito sa sofa. Napaluhod ako sa sahig at ako mismo ay napagulong sa ginawa kong pagsalo sa dextrose. Natanggal tuloy ang kumot sa katawan ko at nahigaan ko, habang akap ko ang dextrose.
YOU ARE READING
Falling Like A Fool
Ficção GeralDisclaimer: This story should not be mistaken for a fairy tale. This is not appropriate for kids. THIS IS SPG | STEAMY |RAUNCHY #lovestory #romance #whirlwind #truelove #sacrifice #trust