8

5.9K 131 18
                                    

CHAPTER EIGHT

"Nakakaloka!" Nasambit ko. Eh paano naman kasi itong si Matteo sinabihan ba naman ako na pakainin ko raw siya?

Kung nakakatunaw lang ang titig, kanina ko pa nilusaw itong si Matteo. Ngumingisi pa talaga ang loko loko! Grrr!

Padabog kong kinuha ang serving spoon ng beef tapa pero pinigilan niya ang kamay ko.

"I mean feed me from your plate..." sabi niya.

Hindi ako nakakibo na para bang hindi ko na-absorb ang sinabi niya. Siya na ang kumuha ng knife at fork ko sa mga kamay ko at sinubo niya ang beef strip sa bibig niya gamit ang aking tinidor. Nginuya niya ang beef at mukhang nasarapan sa kinakain ang damuho.

"Baba, it tastes good. What do you call this food?" nakangiti niyang ibinalik ang knife at fork ko.

"It's called beef tapa." Sagot ko na lang, saka kumuha ng beef at egg, tapos pasimple kong sinungalganl sa bibig niya, para manahimik na siya.

Hindi ko sigurado kung nakakahalata siya, pero deadma lang siya sa pananadya ko. Nang matapos siyang kumain, ay mabilis na rin kaming umalis sa lamesa dahil nakakahalata si Shayla na may pinag-uusapan kaming lahat through text messages.

Bumalik muna kami ni Matteo sa sarili naming mga kuwarto para magpalit ng damit at mag-toothbrush na rin.

Paglabas ko ng kuwarto ay nakita ko na siyang naghihintay sa hallway. Nginitian niya ako nang makita niya ako na para bang nakalimutan niyang inaasar niya ako kanina lamang at parang in good terms kami.

I didn't return his smile. I just continued to walk at bumaba na sa ground floor. Nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko at sinabing titingnan ko na yung supplier ng decorations para sa venue. Sumakay na ako sa kotse that Gerard provided with driver. Sumakay din si Matteo at tumabi sa'ken. As he sat beside me, agad niyang kinuha ang isang kamay ko at nakipag-holding hands sa aken, na ikinagulat ko naman.

"Why are you doing this?" asar kong tanong sa kanya.

"Doing what?" taka naman niyang tanong na nakatitig lang sa'ken.

"Why are you flirting with me?" tahasan kong tanong.

Hindi siya kaagad sumagot. Nakatingin lang siya sa'ken, nang biglang tumunog ang kanyang mobile phone. Kinuha niya ang kanyang phone sa bulsa at nakita ko ang rumehistrong pangalan sa mobile phone niya.

'Isabella'

I noticed na nagbago ang expression ng mukha ni Matteo. Kung kanina ay may light at playful ang mga mata nito, ngayon naman ay parang seryoso, na para bang may ikinukubli itong sikreto, lalo pa nang binitiwan niya ang kamay ko at bahagyang tumalikod at humarap sa bintana.

Hindi kaagad ako naka-reak sa nangyari. Saglit ko siyang pinagmasdan nang tumunog din ang mobile phone ko. It was Stacy, the events organizer, referred by Percival and Rori. Sinabi nito kung saan pupunta para makita ko ang mga decorations na pinagawa niya base sa color motif para bukas sa proposal ni Gerard, at para sa kasal.

I gave instruction to the driver of the rented car where we were going at saka kami umalis.

Kahit hindi ko maintindihan ang pakikipag-usap ni Matteo sa mobile phone dahil nagpo-Portuguese ito, bakas sa mukha ni Matteo ang pagkabalisa.

Sa buong oras na magkasama kami, ay naging tahimik lang si Matteo, pero nakahawak siya sa kamay ko the whole time na nasa kotse kami. Hindi na ako nakatiis kaya't nagtanong na ako sa kanya.

"Are you ok?"

Pabalik na kami ng mansion at alam kong hindi na ako magkakaroon ulit ng pagkakataon na matanong siya ng ganito.

"Yeah," aniya at hinalikan ang kamay ko habang nakatingin siya sa labas ng bintana ng sasakyan.

Hindi na siya umimik hangang sa makarating ng mansion at naging busy na ito sa pakikipag-usap sa mobile phone. Para siyang may inuutusan na asikasuhin ang kahit anong pangangailangnan ng Isabella na iyon.

Naiinis ako, pero hindi ko alam kung baket. Pag dating nga namin sa mansion, iniwanan ko na siya na nakikipag-usap sa mobile phone niya. Ako naman dumirecho na ako sa kuwarto naming mga babae. Magpapahinga sana ako pero tumawag sa'ken si Jackie. Pinapakisuyo niyang puntahan ko ang venue ng proposal ni Gerard kay Shayla, dahil hindi pa raw napipirmahan ang contract at hindi pa nakakapag-downpayment. Kahit inaantok ako ay tumayo na ako sa kama at tamad na tamad na kinuha ang bag ko, tapos bumaba sa ground floor. Naroon pa rin si Matteo sa patio facing the beach, at may kausap sa mobile phone.

Napaisip ako. Busy si Matteo! Which means hindi niya ako mapapansin kung tatakasan ko siya. Hahaha!

Kaya naman dahan dahan akong lumakad sa hallway going to the door para makapunta sa harapan ng mansion which was facing the road naman.

Mabilis akong tumakbo papunta sa rented car. "Manong! Manong! Este... Sir, sir..." sabi ko at papalapit sa driver ng rented car. "Let's go!" Nagmamadaling kong hangos at inintay na buksan ang lock ng door. Pagbukas nito ay agad akong sumakay, pero hindi pa rin umaalis ang driver.

"I will give you direction to the restaurant, but please start the engine, and let's go." Instruction ko at napatingin sa bintana.

"Mr. Pontes said to wait for him if ever we will go somewhere, Ma'am." Paliwanag ng driver.

"What? I will give you extra $50 if we leave now." Inis kong sabi.

"He gave $500, Ma'am." Sagot ng driver na para bang gusto ng driver na tapatan ko ang ibinigay ni Matteo dito.

"$500! That's too much!" Gulat kong reklamo.

Napalingon ako ulit sa bintana. Napansin na pala ni Matteo na may lumabas ng mansion dahil naiwan kong nakabukas ang pintuan. Haist! Shunga shunga din ako minsan! Arggh!

Lumakad si Matteo papunta sa glass door para isarado sana ito, pero napansin niyang naka-start ang engine ng rented car, at nasa loob ako. He ended the call, and paced towards the car.

Ako naman, sumandal na lang sa upuan ko in resignation, as he opened the other side of the car at sumakay.

"Going somewhere without me, love?"

I crossed my arms and sulked in defeat. "You were on the phone, that's why I decided that I will just go by myself to the restaurant where Gerard's proposal will be held tomorrow." I sneered at him.

Tinanong niya ako kung saan ang venue at binigyan ang instruction ang driver. Tumingin na lang ako sa bintana sa sobrang frustration dahil hindi ako nakatakas sa kanya. Ngunit kahit tahimik lamang kaming dalawa sa sarili naming sulok ay naramdaman ko na nakatingin siya sa akin. Pakiramdam ko pinagmamasdan niya ang kabuuan ko at nailang ako sa kanya.

"You know, I wouldn't be where I am now, if I don't think ahead..." Sabi niya.

I gave him a sullen glance. I could not believe this guy!

"Ang yabang talaga!" I mumbled and turned away to face my window.

Narinig ko siyang napatawa kaya mabilis ko siyang sinulyapan para irapan, pero bumaling na pala siya sa sarili niyang bintana.



Falling Like A FoolWhere stories live. Discover now