Vol. 2 Chapter 4

44 2 28
                                    

Nagtungo sina Elinor sa maliit na nayon ng Firle sa bayan ng Lewes. Nandito ang tirahan ni John ngunit  hindi na ito ang bayan na kilala niya. Napakarami nang nagbago mula sa mga imprastraktura hanggang sa pamumuhay ng mga taong nakatira rito. Marami na ring mga biyak at mga lubak ang mga kalsadang napabayaan na ng gobyerno.

"Kinakabahan ako para kay Adam na naiwan sa apartment mo." ang biro ni John na mayroong mababa at mahinang boses. Puno ng lumbay ang kanyang boses habang nakatitig sa mga tanawin ng dating bayan na nagsilbing tirahan niya sa loob ng mahabang panahon.

Mahinang tinapik ni Elinor ang likod ng nalulungkot na ekonomista. "Hayaan mo si Adam, matanda na siya." ang pabirong sagot ni Elinor.

Isang malawak na ngiti ang biglang naipinta sa labi ni John, dahil naalala niya bigla ang lahat ng kamalasan ni Adam na mangyayari sa hinaharap.

"Sa tingin ko nga rin ay matanda na siya," ang sabi ni John na natatawa.

"Anong gusto mong unahin natin na pag-usapan. Ang mga sikretong itinatago mo sa akin o gusto mo malaman ang naging buhay ng minamahal mong si Lydia, pagkatapos mo mamatay?"

Bahagyang napabuka ang bibig ni John nang marinig niya ang tanong ni Elinor at napangiti. "Mukhang mahirap talaga magtago ng sikreto mula sa iyo, Elinor."

Ngumiti lamang pabalik sa kanya si Elinor.

"Maaari bang ituloy natin ang ating pag-uusap sa Firle Beacon." ang paalam ni John kay Elinor.

"Kung iyon ang gusto mo."

Dinala ni Elinor si John sa tuktok ng Firle Beacon, isang burol sa bayan Lewes kung saan matatanaw ang buong nayon ng Firle. Matatanaw rin mula rito ang napakagandang tanawin ng dagat mula sa malayo. Napakalawak ang maberdeng damuhan nito at sa itaas naman ay ang walang kasing ganda na bughaw na kalangitan. Kahit saan ibaling ni John ang kanyang mata, purong kagandahan ang kanyang nakikita. Ito ang lugar na masasabi niyang hindi nagbago makalipas ang napakahabang panahon.

"Alam mo ba na dito isinaboy ang mga abo ni Lydia at ganun na rin ang sa iyo?" ang sabi ni Elinor na nakatingin sa nayon ng Firle sa ibaba.

"Alam ko." sagot ni John habang nakatingin sa malayo. Ikinagulat ni Elinor ang naging sagot ni John. Wala nang balak itago pa ni John ang sikretong kanyang iniingatan dahil sa tingin niya ay alam na ito ni Elinor.

"Talaga?" ang natatawang sagot ni Elinor. "Nabasa kong hindi raw kasi alam ng kapatid mo ang tungkol sa kahilingan mo na ilibing sa chapel ng King's College, kaya ipina-cremate niya ang katawan mo at isinaboy dito."

Ngumiti lang muli ng malungkot si John. Nagdesisyon si Elinor na ibigay na kay John ang inakala niyang hinahanap-hanap na sagot ng puso't isipan ni John. Ngunit hindi niya alam na nalaman na ito ni John noong unang beses nilang mag-usap sa parehas na pagkakataon.

"Wala akong nalalaman tungkol sa kanya kundi ang nabasa ko sa mga libro. Pagkatapos mong mamatay nanatili siya sa bahay ninyo hanggang sa tumanda na siya at tumira sa Threeways Nursing Home. Doon niya ginugol ang kanyang mga huling sandali. Hilig niya ang panoorin ang panahon mula sa labas ng pintuan habang nakaupo sa paborito niyang lumang kahoy na upuan." ang kwento ni Elinor.

Nakaramdam ng bigat sa kanyang puso ang nangungulilalang si John habang nakikinig kay Elinor. Hindi magawang sabihin ni John sa kanyang kausap na ang buhay na ikinukwento ni Elinor ay ang sarili niya mismong nakaraan.

"Ilabas mo na ang lahat ng luha na kaya mong ilabas, hindi ako titingin." ang saad ni Elinor habang nakatingin sa ibat-ibang korte ng ulap na bumabagtas sa bughaw na kalangitan.

Tumawa ng bahagya si John. "Tapos na akong gawin iyon. Tsaka wala na akong balak gawin ulit iyon sa harap mo."

"And now, I am so utterly alone without him. The light is gone. I grieve and weep." Binigkas ni John ang mga huling liham na isinulat ni Lydia bago siya mamatay. "Iyon ang mga huling bagay na isinulat niya hindi ba?"

OeconomicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon