Vol. 1 Chapter 8

101 9 77
                                        

"Huwag niyong pagkakatiwalaan si Hazel."

Ang mga salitang iyon ang narinig nina Adam at John mula mismo sa matalik na kaibigan ni Hazel.

"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ni John. Kahit si Adam ay iyon din ang gustong itanong kay Elinor ngunit naunahan lamang siya ni John.

"Simple lang. Hindi siya mapagkakatiwalaan."

"P-pero kanina lang yung sinabi mo sa kanya..."

"Ah iyon bang tutulungan ko siya," Inalis ni Elinor ang tingin niya sa labas ng bintana at tumitig ng diretso sa mga mata ni John. Walang emosyon ang mga bagay na sinasabi niya ganun rin ang mga titig niya. "Nagpapanggap lang ako."

Nanlaki ang mga mata ni John at hindi niya napigilan ang sarili na mapatayo ganun din ang ginawa ni Adam. Parehas silang nabigla sa mga kinakalabasan ng mga pangyayari.

"Ipaliwanag mo nga sa amin ang lahat para hindi kami naguguluhan sa mga sinasabi mo."

"Si Hazel ang nagpadala ng banta."

"Paano nangyari iyon?"

"Walang ibang nakakaalam na may pag-aari akong mansyon sa bansang ito kundi tayong tatlo, si Jean at si Hazel. Pangalawa, ang palasong tumama sayo Adam, ay nauna bago ang pag-atake kay Hazel. Hindi man lang din umabot kay Hazel ang palaso na parang basta lang bumagsak sa sahig. Ibig sabihin, may sapat na panahon si Hazel na makabalik sa kanyang kuwarto at pagmukhain na inatake rin siya."

"Bakit ngayon mo lang sinasabi sa amin ang bagay na ito!"

Hindi sumagot si Elinor sa tanong na iyon ni Adam at sinubukang iwasan na lamang ito.

"Sa naganap na pag-uusap namin ni Plato, nalaman kong magkakaroon ng labanan sa pagkapinuno ng Oeconomica. May dahilan kung bakit paglalabanan ng mga kandidato ang posisyon na iyon."

"Sa mga ekonomistang muling nabuhay, isa lamang ang maipapayo ko sa inyo. Alagaan niyo ng mabuti ang taong una ninyong nakita matapos kayong mabuhay muli. Sila ang susi para makuha ang hinahangad ng mga puso ninyo."

"Ang magiging pinuno ng Oeconomica ay magkakaroon ng kahit na anong kahilingan na matutupad. Isinikreto iyon ni Plato upang maiwasan ang labanan sa pagitan ng mga kandidato. Sa ngayon tatlong kandidato pa lamang ang nakakaalam nito, ako, si Hazel at isa pang hindi nakikilalang kandidato." paliwanag ni Elinor. "Tulad ng sinabi ko, wala akong interes sa pagiging pinuno ng Oeconomica. Pero kung may nais kayong matupad lalaban ako."

"May kahilingan ako." saad ni Adam.

"Ganoon din ako." sagot naman ni John.

"Kung ganoon, lalaban tayo."

"Sinubukan niyo na ang mga kapangyarihan ninyo?"

"Oo." ang parehas na sagot nina Adam at John.

"Mabuti."

"Hindi mo man lang ba itatanong sa amin kung ano ang mga kapangyarihan namin."

"Hindi na." sagot ni Elinor.

Isang katok mula sa pinto ang pumutol sa pag-uusap nina Elinor sa loob ng kwarto. Binuksan ni Elinor ang pinto at nakita ang handang-handa nang umalis na si Jean at Hazel, dala-dala ang kanilang mga gamit.

"Eli, pigilan mo si Jean! Pinipilit niya akong kailangan na naming umalis."

"Elinor, maraming salamat sa lahat. Tulad mo, naiintindihan ko kung ano ang ibig sabihin ng mensahe ni Plato." Yumuko si Jean sa harap ni Elinor.

OeconomicaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon