Halos mabingi si Elinor sa walang sawang pagbabangayan nina Adam at John sa daan pauwi. Buti na lamang at hindi sila nagkakapisikalan.
Sa wakas!
Ito ang nasa isip ni Elinor ngayon. Ang tila bang habang buhay na pagtitiis niya sa away ng dalawa ay matatapos na rin sa wakas kahit papaano.
"Tigil!" biglang sabi ni Elinor. Natigil bigla sa pag-aaway at sa paglalakad ang dalawa.
"Nandito na tayo sa tapat ng bahay ko."
Napatingin sina John at Adam sa bahay na nasa tapat ng kinatatayuan nila. Malaki ito ngunit hindi kagandahan ang disenyo. Madumi na ang kulay puti nitong pintura at may kalumaan na ang mga pinto. Kinakalawang na rin ang hawakan ng mga pinto nito.
"May kalakihan naman ito kaya maaari nang pagtiisan, kahit halatang pinaglumaan na ng panahon," ang sabi ni Adam.
Nagtatakang nakatingin si Elinor habang nakikinig sa mga pinagsasasabi ng bugnuting si Adam.
"Isang apartment ang building na iyan. Isang kwarto lang niyan ang nirerentahan ko."
Binuksan ni Elinor ang pinto ng isa sa mga kwarto ng apartment, pangatlo mula sa kanan ng unang palapag. Pagkabukas na pagkabukas pa lamang ay sumalubong na ang hindi kagandahang amoy sa mga ilong nina Adam at John. Pakiramdam nila ay sinusuntok nito ang kanilang ilong.
"Anong amoy ba iyon?" sigaw ni Adam.
"Hindi ko alam," sabi ni Elinor.
Hindi lang iyon ang sumalubong sa kanila. Marami rin ang mga nagkalat na gamit at basura sa daanan papasok.
"Bakit naman nagkalat ang mga ito?" sabi ni John na akmang pupulutin ang mga blouse na nagkalat sa sahig ngunit napaatras siya sa kanyang nakita. Nasa ilalim ng blouse ay ang isang kulay itim na bra na mayroong kulay pulang ribbon. Namula ang mukha ni John sa nakita kaya ibinalik niya ang blouse sa pagkakatakip nito sa bra.
"Eli!" Isang babae ang sumalubong kayna Elinor, John, at Adam. Siya ang katrabaho at kaibigan ni Elinor na tumawag sa kanya kanina. Mayroon siyang mahabang kulay lilang buhok na abot sa balikat at mga matang kakulay ng asul na jade.
"Hazel, ano ba ang problema mo?" ang sabi ni Elinor sa kanyang kaibagan.
"May lalaking lumitaw bigla sa harap ko habang naliligo ako sa shower. Tinulak ko kaya nabagok yung ulo. Wala siyang malay sa ngayon," bulong ni Hazel sa kanyang kaibigan."Teka sino ba itong mga lalaking kasama mo?"
Inilapit ni Elinor ang kanyang mukha sa tenga ni Hazel tsaka bumulong. "Mukhang katulad sila nung lalaking lumitaw sa banyo mo."
"Sino iyang babaeng kausap mo?" pag-uusisa ni Adam kay Elinor.
"Siya si Hazel, kaibigan at kasamahan ko sa trabaho. Siya yung tumawag sa akin. Pagmamay-ari niya ang kwarto na ito," sabi ni Elinor.
Salamat sa Diyos!
Ang parehas na nasa isip nina Adam at John sa kanilang narinig. Malaki ang pasasalamat nila na hindi iyon ang kwartong pagmamay-ari ni Elinor.
Sa pagpasok nila sa pinakaloob lalong tumindi ang kalat at ang baho. Gusto sana magreklamo nina John at Adam ngunit hindi nila magawa dahil pinipigil nila ang kanilang mga hininga. Doon nila inabutan ang walang malay na lalaking nakahiga sa maliit na sofa. Meron siyang blonde at bahagyang kulot na buhok na natatakpan ang kalahati ng kanyang mukha. Matikas din ito tulad nina Adam at John at may katangkaran.
"Nahinga pa ba iyan?" sabi ni Elinor sa kanyang kaibigan.
"Syempre nahinga pa yan. Tiningnan ko na kanina ang kanyang pulso," ang sabi naman ni Hazel.

BINABASA MO ANG
Oeconomica
FantasyMinsan nang nakaranas ng taghirap ang mga bansa sa buong mundo dahil sa tinaguriang "The Great Depression". Isang napakalagim na bangungot para sa ekonomiya ng bawat bansang dumanas nito. Sa taong 2040, isang propesiya ang nagbabadyang maganap. Maaa...