Vol. 2 Chapter 10

28 1 8
                                        

London, England..

Ligtas na nakarating ang grupo nila Elinor sa Inglatera, gamit pa rin ang parahas na parasyut na ginamit nila papunta sa Pilipinas noon.

"Paano ba iyan, kailangan ko na munang humilay sa inyo, Eli." ang sabi ni Philip.

Napatingin si Philip kay Adam. "Paalam na rin sa iyo," ang sabi niya."Teka, sino ka nga ulit?"

Medyo naiinis si Adam, hindi siya sanay na hindi agad nakikilala ng mga tao, lalo pa at nagpakilala na siya kay Philip. Pinili na lamang niyang intindihin ang kaibigan ni Elinor. "Adam Smith, isa sa mga ekonomistang naglilingkod kay Elinor." Kalmadong sagot niya.

Nanlaki ang mata ni Philip. "Paano ko nalimutan ang isang napakatanyag na ekonomista tulad mo. Pasensya ka na at medyo mapurol na ang aking memorya," biro niya kay Adam. "Alagaan mong mabuti si Eli habang wala ako."

"Hindi mo na kailangan sabihin iyon sa akin," sagot ni Adam.

Sumagot din naman si Elinor. "Hindi mo na rin naman kailangan gawin pa iyon. Kaya ko ang sarili ko. Sarili ninyo ang alagaan ninyo."

Nag-umpisa na maglakad palayo si Elinor. "Halika na Adam, wala na tayong oras na dapat sayangin."

Sumunod naman agad si Adam kay Elinor. Kumaway si Philip sa kanila kahit hindi na nila ito nakikita.

"Mag-iingat ka," ang sabi ni Elinor bago tuluyang makalayo.

Isang matamis na ngiti ang naipinta sa labi ni Philip. "Syempre naman, kailangan ko pang ibalik sa iyo ang mga natitirang alaala mo na hindi mo pa kinukuha sa akin." Ang sabi niya sa kanyang sarili.

Nagsimula nang hanapin ni Philip ang taong nakakaalam ng lahat hanggang dumating siya sa isang maliit na baryo. Kung saan may nakapagsabing may nakakita sa taong hinahanap niya. Ang nag-iisang nanatiling may alaala sa nangyarinh Great Recession.

Nagtanong si Philip sa mga taga-baryo kung may nakita ba silang isnag turistang lalaki na may kulay pulang buhok, kasing pula ng ruby. Bibihira lamang ang nagtataglay ng buhok na ito. Kaya umaangat sila sa karamihan.

May isang tagabaryo ang nakapagturo kay Philip na nakita niya ang turistang may kulay rubing buhok malapit sa isang bahay-tuluyan sa tuktok ng burol. Hindi na nagsayang pa ng oras at kaagad na nagtungo si Philip sa nasabing bahay-tuluyan.

Kumatok si Philip at kaagad na pinagbuksan ng taong mismong hinahanap niya.
"Inaasahan ko na ang iyong pagdating kaibigan. Natutuwa akong makita kang muli, Leon."

"Ganoon rin ako, John

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ganoon rin ako, John."

"Sinabi nang Locke na lamang ang itawag mo sa akin. Madami na kaming John sa mundo," biro niya kay Philip.

Tumawa na lamang si Philip sa pakiusap ng kaibigan. Pumasok sila sa loob upang doon na ipagpatuloy ang kanilang pag-uusap. Pinaupo ni Locke si Philip at ipinagtimpla ng tsaa sa kusina. Mula roon ay ipinagpatuloy na niya ang pangangamusta sa matagal nang di nakasamang kaibigan.

"Si Lin, kamusta na siya?" ang sabi ni Locke.

"Sa ngayon hindi na niya ginagamit ang palayaw na iyon, sapagkat may panibago na naman siyang katawan. Kinailangan niyang gamitin ang katawan ng kanyang apo."

"Kung ganoon, nawala na naman ang alaala niya sa paglipat niya ng katawan," ang sabi ni Locke."Hindi ko akalaing gagamitin niya ang katawan ng sarili niyang apo."

"Wala na siyang ibang pagpipilian noong mga oras na iyon. Wala ako sa kanyang tabi noong pinakakailangan niya ako." ang sagot ni Philip na hindi makatingin nang diretso kay Locke.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo, Leon." ang sabi ni Locke sabay tapik sa likod ng kaibigan niya.

"Maaari bang huwag mo na akong tawaging Leon. Hindi na ako sanay na marinig ang pangalan na iyan. Nabubuhay na ako ngayon bilang si Philip Medalla."

"Ikaw pa rin naman si Leon at si Lin ay mananatiling si Lin. Lalo na at iyan pa rin naman ang orihinal mong katawan. Nagpalit ka lamang ng pangalan." Nagsalin si Locke ng tsaa sa tasa. Maingat at dahan-dahan na ni isang patak ay walang natapon.

"Kamusta na ang iyong paningin?" ang tanong ni Philip ngunit hindi sumagot si Locke. Sa halip ay sinubukan niya lamang ibahin ang paksa ng usapan.

"Alam ko na kung ano ang sadya mo sa akin. Hindi mo na kailangan pang sabihin." ang sabi ni Locke. "Kailangan ni Lin ang lahat ng patlang sa kanyang alaala ngunit hindi niya nais na gamitin mo ang iyong pananda."

"Oo, tama ka."

~*~
Nang makalabas na sina John ng kuwarto ay tinanong ni Philip si Elinor kung ito ba talaga ang kanyang nais na mangyari. Tumango naman si Elinor.
"Gusto kong huwag mong ibalik ang lahat ng alaala ko. Siguraduhin mo na sapat lamang ang ibabalik mo nang hindi tuluyang mabubura ang lahat ng alaala mo."

"Nangangako ako." Pagkatapos nito ay inilabas na ni Philip ang kanyang pananda at nagsimula itong magliwanag. Hindi ito umilaw nang matagal.

Sa pagbabalik ng mga alaala ni Elinor ay kaagad niyang hinalikan si Philip. "Leon, patawarin mo ako dahil nagawa kong kalimutan ka, mahal ko."

Lubos na nagsisisi si Philip sa kanyang ginawa. "Patawarin mo rin ako, Lin."
~*~

"Hindi ko siya masisisi kung ayaw niyang gamitin mo ang iyong pananda. Malaki ang kapalit ng paggamit sa mga ito," ang sabi ni Locke. "Sa lahat si Elinor ang lubos na nakauunawa rito. Ang paulit-ulit na mawalan ng alaala at malimutan ang mahahalagang mga tao sa buhay niya. Handa akong punan ang mga nawawalang alaala na kinakailangan ninyo."

Biglang isang malakas na kalabog ang narinig ni Philip at Locke. Natumba ang pinto ng bahay sa lakas ng tumama rito. Napatayo kaagad ang dalawa para tingnan kung ano ang nangyari. Laking gulat nila nang makita nila kung sino ang nakatayo sa harap ng pintuan.

"Nahanap din kita sa wakas, Locke!"

Biglang pinagpawisan nang matindi si Locke at napangisi na lamang kay Philip

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Biglang pinagpawisan nang matindi si Locke at napangisi na lamang kay Philip. "Ipinakikilala ko sa iyo si Bernard Mandeville, ang aking ekonomista."

"H-huwag mong sabihin na . . ."

"Oo, kasama ako sa mga kandidato ng Oeconomica sa pagkakataong ito."

OeconomicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon