Vol. 1 Chapter 9

93 8 97
                                        

Sa tulong ni Philip na nagtatrabaho sa bilang economic advisor ng bise presidente nakarating kaagad ang mga napagtagumpayan nina Elinor sa loob lamang ng ilang buwan na pamamalagi sa mga paluging kumpanya.

"Elinor, bakit hindi na lang tayo humingi kaagad ng tulong sa kaibigan mo?"

"Manliligaw niya." ang pagtatama ni Philip kay Adam.

Nagsalubong ang mga kilay ni Adam at nagngitngit ang kanyang mga ngipin. Hindi niya maipaliwanag kung bakit napakainit ang dugo niya kay Philip. Tatahimik-tahimik lang si John ngunit tulad ni Adam, nag-iinit na rin ang dugo nila sa kaibigan ni Elinor.

"Hindi tayo kaagad pagtitiwalaan ng presidente kung ang maipapakita lamang natin ay ang pagiging librarian ko sa Inglatera." paliwanag ni Elinor. "Isa pa, malaki ang maitutulong ng pagkaligtas sa mga kumpanyang iyon para makabawi ang ekonomiya ng bansa. Mababawasan kahit papaano ang unemployment rate ng Pilipinas."

Mamaya-maya ay biglang nagsalita si Philip. Napahinto silang lahat sa paglalakad. "Nandito na tayo sa ipinagmamalaking palasyo ng Pilipinas, ang Malacañang."

Papasok na sana sila nang hinarang sila bigla ng mga bantay sa tarangkahan ng palasyo. Ipinakita ni Philip ang liham na may tatak ng pangulo at ipaliwanag na pinapupunta sila ng pangulo. Kinapkapan muna sila isa-isa bago sila pinaraan sa loob ng palasyo. Nilapitan sila ng isang guwardya habang naglalakad at inihatid papunta sa tanggapan ng panauhin. Doon naghihintay na din sa pagdating ng presidente, ang dalawang pamilyar na mukha.

"Eli! Kamusta na kayo ng mga alaga mo?" ang pagbati na agad sa kanila ni Hazel.

"Mabuti naman, ako ang nag-aalala para sa inyo ng alaga mo." ang sagot naman ni Elinor.

Sa unang tingin masasabing magkaibigan pa rin ang dalawa ngunit ramdam nina Adam at John ang tensyon sa pagitan ng pag-uusap ng dalawa. Tahimik lamang si Jean na nakaupo sa tabi ni Hazel. Napansin ni John na mayroong kakaiba sa kaibigang si Jean simula noong huli niyang nakita ito sa mansyon ilang buwan na ang nakakaraan. Mas seryoso ang mukha nito at tila ba wala sa sarili.

"Lumapit din sila sa akin. Nagpakilala silang mga kaibigan mo sila." ang paliwanag ni Philip.

"Hindi ko alam na magkaibigan pa pala tayo, Hazel." Nakangiting saad ni Elinor.

"Ah oo nga pala, hindi na pala tayo magkaibigan." Nakangiti ring sagot ni Hazel. "Pasensya na, nakalimutan ko."

"Hindi ka dapat nakikipag-usap sa mga taong hindi mo kilala, Philip." ang sabi ni Elinor sa walang malay na si Philip.

"Philip, sila ba ang mga taong sinasabi mo." ang tanong ng isang malalim na boses na nanggagaling mula sa kanilang likuran.

Paglingon nilang lahat ay nakita nila ang isang matandang lalaki na may mayroong masiglang pangangatawan. Nakabuto ng maayos ang kanyang suot na barong na gawa sa mamahaling tela. Halatang ipinasadya para lamang sa presidente.

"Ako si Ramon Lopez ang ika-20 presidente ng Republika ng Pilipinas. Ngayon ang huling taon ng aking panunungkulan bilang presidente." ang pagpapakilala ng presidente sa kanyang mga panauhin. "Simulan na natin pag-usapan ang ipinunta niyo rito."

Nakipagkamay silang lahat sa presidente at hinintay itong makaupo sa kanyang upuan bago sila naupo sa kanya-kanya nilang upuan na nakapalibot sa isang mahabang mesa.

"Nandito ako para ihain sa inyo ang aking plano upang mailigtas ang ekonomiya ng Pilipinas." panimula ni Hazel. "Hindi ka naman magagalit kung mauna na ako sayo Eli."

"Ituloy mo lang." sagot ni Elinor.

"Siguro naman nasabi na sa iyo ng mga ekonomista ng Pilipinas ang mangyayari kapag hindi nasolusyunan ang problema ng bansa sa supply ng pagkain, mataas na presyo ng mga bilihin, kahirapan, korapsyon, krimen at marami pang iba." paliwanag ni Hazel. "Maaring maranasan ng Pilipinas ang mga naranasan ng mga bansang matinding tinamaan noon ng Great Depression."

OeconomicaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon