Minsan nang nakaranas ng taghirap ang mga bansa sa buong mundo dahil sa tinaguriang "The Great Depression". Isang napakalagim na bangungot para sa ekonomiya ng bawat bansang dumanas nito.
Sa taong 2040, isang propesiya ang nagbabadyang maganap. Maaa...
Kaharap ang naghihingalong si Elinor, hindi maiwasan ni John ang makaramdam ng halu-halong emosyon. Takot, kalungkutan, poot, pagsisisi, pag-aalinlangan at pagmamahal, lahat nang iyon ay naghahalo-halo sa puso ni John.
Dahan-dahan nang lumalapit si Richard sa kanila para kunin ang libro ng Oeconomica nang biglang hinawakan ni Elinor ang pisngi ni John at bumulong.
"Ang lahat ay... uulit mula sa umpisa..." Gamit ang kanyang natitirang lakas ipinarating niya kay John ang kanyang mga huling mensahe. "Ikaw na ang bahala... sa lahat John..."
Iniabot ni Elinor kay John ang panandang ibinalik sa kanya ni Philip. Nagsimulang umilaw ng sobrang liwanag ang pananda, na kahit sina Joan at Richard ay nasilaw mula rito. Pinagmasdang mabuti ni John ang pagngiti ni Elinor sa huling pagkakataon bago tuluyang balutin ng liwanag ang buong paligid.
~*~
Sa pagkawala ng nakasisilaw na liwanag, nakita ko ang sarili kong nasa ika-21 ng Abril sa taong 1946, kasalukuyang binabalot ang buong Inglatera ng kararating lamang na simoy ng tagsibol. Malakas ang pag-ihip ng hangin, dala-dala ang halimuyak ng mga bulaklak na kasisibol pa lamang.
Patuloy lang sa kani-kanilang mga pang araw-araw na gawain ang mga mamamayan ng Inglatera. Lahat sila ay walang kaalam-alam na sa lahat ng pinagdaanan ko.
Nakahiga ako sa paborito kong pulang hammock na nakatali sa magkabilang puno sa maliit ngunit maaliwalas na hardin ng aking tahanan. Nakatayo sa tabi ko ang isang magandang binibining may natural na kulay blonde na buhok. Ang kanyang mga mata ay kulay asul na diamante na nakasisilaw sa ganda. Mangiyak-ngiyak siyang nakatitig sa akin. Siya ang mahal kong si Lydia.
"John magpakatatag ka! John pakiusap!" Ang pagsusumamo niya habang nanatili siya sa aking tabi. "Parating na ang ambulansya, konting tiis na lang John!"
Pasensya na Lydia pero ang Great Depression ay mag-uumpisa pa lamang muli...
Humawak siya ng mahigpit sa mga naninigas kong kamay. Pumikit siya at saka taimtim na nagdasal. Hinayaan ko siyang magdasal... sa tingin ko iyon ang kailangan ko...
"Tanggap kong oras ko na, Lydia." Ang sabi ko habang hirap na hirap na sa paghinga.
Sa pagdilat ng mga mata ni Lydia ay kaagad nag-umpisa sa pagtulo ang kanyang luha. Kahit na umiiyak siya, wala pa rin siyang kasing ganda.
"Huwag mo akong iiwan, John!"
Ngumiti na lamang ako sa kanya, hindi pa ito ang huling pagkakataon...
"W-wag kang mag-alala. H-hindi kita iiwan." Matapos ko itong sambitin ay dahan-dahan nang pumikit ang aking mga mata. "H-hintayin mo ako . . . sa kabilang buhay."
Tuluyan na ngang tumigil sa pagtibok ang aking puso. Sa kabila nito, naiwan sa aking labi ang isang matamis ngunit malungkot na ngiti. Kasabay ng aking kamatayan ay ang pamumukadkad ng mga puting lily sa palibot ng hardin.
~*~
"Ngayong araw na ito ginugunita ang ika-isang daang taon mula noong matagumpay na natapos ang tinaguriang worst economic downturn, ang Great Depression." Ang maririnig mula sa radyong pinakikinggan ni Elinor sa kanyang cellphone.
Itinali muna niya sa isang ponytail ang maputlang kulay kahel niyang buhok, bago siya nagsimulang mag-imis ng mga libro at ilang upuan. Naghahanda na siya para sa pagsasara ng pampublikong aklatan na kanyang pinagtatrabahuhan.
Tumunog ang bell sa aming pagdating ni Adam, noong una wala akong ideya kung nasaan ako ngunit ngayon malinaw na sa akin ang lahat. Sa kanyang paglingon ay muli kong natunghayan ang walang kapantay niyang kagandahan. Lumipas man ang maraming taon, wala pa ring nagbabago sa kanyang itsura.
Bahagyang nanlaki ang kanyang mata sa gulat noong nakita niya kami ni Adam pero agad naman siyang kumalma. Simula noong unang beses na natitigan ko si Elinor, nakilala ko na agad siya. Alam kong siya ang reinkarnasyon ni Lydia ngunit pinili kong manahimik tungkol dito.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Pasensya na po kayo mga sir pero sarado na ang library." Ngumiti lamang siya tulad ng ginagawa niya sa tuwing bumabati siya sa mga bisita ng aklatan araw-araw. Salungat naman dito ang mga gulat na gulat at hindi maipintang emosyon ng mukha ng katabi kong si Adam. Kalmado lang na nakatitig si Elinor sa aming dalawa.
"Sino kayo? Nasaan ako?" Ang tanong kaagad ng ni Adam kay Elinor. "Sabihin niyo nga kung ano ang nangyayari dito?"
"Ang pangalan niya ay Elinor, isang librarian." Ang sagot ko sa unang katanungan ng bugnuting si Adam.
"Nasa library tayo, ang kaso lang hindi na natin inabutan ang library hours. Sarado na sila sa mga oras na ito." paliwanag ko. Hindi alam ni Adam kung nakikipaglokohan lang ba ako sa kanya. Tila hindi naiintindihan ni Elinor kung paano ko nalaman ang mga sasabihin niya sa sitwasyong iyon.
"Nasa library tayo." paliwanag ko. "Ngunit kani-kanina lamang ay payapa akong namatay sa aking hardin."
Napatingin sa akin ang bugnuting si Adam at sinabing, "Namatay ka rin bago mapunta rito?"
Bahagyang bumuka ang bibig ni Elinor na napalitan kaagad ng isang matamis na ngiti. Nakangiti lang siya na nakikinig sa lahat ng sinasabi naming dalawa ni Adam sa kanyang harapan. Kami na nga ang nabanggit sa pulang libro...
"Base sa mga reaksyon niyo kanina mukhang totoo ang mga sinasabi niyo at mukhang hindi kayo magkakilala. Malaki rin ang posibilidad na hindi kayo taga rito kung titingnan ang inyong pananamit. Maaari ko bang malaman ang inyong pangalan?" ang tanong niya
Bubuka na sana ang bibig ko para magpakilala ngunit pinigilan ito ng kadaldalan ni Adam.
"Bakit ka naman namin pagkakatiwalaan?" Tanong niya kay Elinor. Nawala sa kanyang mga labi ang ngiti ni Elinor at saka huminga ng malalim.
"Una, nagpakilala na ako sa inyo at pangalawa hindi ba dapat ako ang naghihinala sa inyo. Dalawang lalaki, ang bigla na lamang sumulpot sa harap ko at sinasabing namatay na sila. Sa tingin niyo ba may mapapala ako sa mga pangalan ninyo. Yun lang naman." Ang paliwanag ni Elinor sabay ngiti muli na may halong pagkasarkastiko.
"May punto siya." Sagot ko. Syempre kakampihan ko si Elinor. "Ang pangalan ko ay John Maynard Keynes."
Pagkasabi ko ng aking pangalan, naghihintay ako ng gulat na ekspresyon mula kay Elinor pero wala man lamang akong nakuha kahit kaunti. Sa halip, tahimik lang ito na naghihintay sa pagpapakilala ni Adam na halatang pakipot lang. Hindi ko maiwasang mapasimangot.
Magpapakilala na rin sana si Adam ngunit inunahan ko na siya.
"Siya si Adam Smith." Ang pakilala ko para sa kanya.
Napakunot ang noo ni Adam habang nanlalaki ang kanyang mga mata, ngunit halatang namangha siya sa kanyang narinig. "Paano mo nalaman?"
Hinawakan ko ang kanyang balikat "Sa pagkakataong ito hindi na ulit tayo mabibigo."
Hindi ko na ulit hahayaang mangyari pang muli ang sinapit naming lahat sa hinaharap.
Hindi ko sasayangin ang pagkakataon at tiwalang ibinigay sa akin ni Elinor. Pipigilan ko ang Great Depression!
~*~
"Knowing yourself, is the beginning of all wisdom."