VOLUME 2
Isang propesiya ng "Great Depression" ang nakasaad sa libro ng Oeconomica. Tinangka itong pigilan ng mga muling nabuhay na mga ekonomista kasama ng mga itinakdang indibidwal para sa kanila.
Si Elinor ay isa sa mga itinakda, kasama ang mga ekonomistang sina Adam Smith at John Maynard Keynes, hindi sila nagtagumpay sa kanilang layunin. Ang kanilang mga buhay ang naging kabayaran ng kanilang kabiguan. Sa kanyang mga huling hininga, iniabot ni Elinor kay John ang isang pananda at sinabi ang mga katagang, "Ang lahat ay uulit muli mula sa umpisa."
Nabalot ng nakasisilaw na liwanag mula sa pananda ang buong paligid. Muling nagbalik ang oras sa araw kung saan nag-umpisa ang lahat.
Bilang siya lamang ang tanging nakakaalala sa mga mangyayari sa hinaharap, kayanin kaya ni John baguhin ang masaklap na kapalarang naghihintay sa kanila at magawa kaya nilang pigilan sa ikalawang pagkakataon ang nakatakdang propesiya?
BINABASA MO ANG
Oeconomica
FantasyMinsan nang nakaranas ng taghirap ang mga bansa sa buong mundo dahil sa tinaguriang "The Great Depression". Isang napakalagim na bangungot para sa ekonomiya ng bawat bansang dumanas nito. Sa taong 2040, isang propesiya ang nagbabadyang maganap. Maaa...