Chapter 30

1.1K 67 33
                                    

"Kailan pa ?"

Pati kalamnan ko kinakabahan  nang magsalita na si kuya.

Naramdaman kong nanglalamig din si Tanch. Walang kusang nagsalita samin na parang walang lalabas na salita mula sa bibig ko.

"Mag-uusap tayo"  diin na boses nang kuya ko halatang galit na sya sa boses nya. Umalis ito nang clinic at pumasok nang bahay ko.

"Just stay here. I will talk to him"  I tried to  cheer up my self. Pinilit kong maging malakas para kay Tanch.

"Pero babe, sama ako"  nag-alalang tugon sakin ni Tanch alam ko din na natatakot din sya sa kuya ko.



"No. ako na. Kaya kong paki-usapan si kuya. Dito kalang kay James."  Sabi ko with my stronger voice dahil ito yung dapat kailangan kong maging matapang sa harap ni kuya.

Nadatnan ko si Kuya na nasa kusina at kumuha nang maiinum. So , he tried na puntahan ako dito nung binigyan ko sya dito nang address nang bahay. Meaning kaya na akong kausapin nang kuya ko sana pero sa nasaksihan nya ngayon hindi ko alam kong matatanggap nya ba ako.

Kahit sya na lang sana...

"May relasyon kayo?"  with his husker voice na hindi man lang  tumitingin sakin.

Ako naman kahit takot pinipilit kong maging matapang sa harap nang kuya.

"K--kuya----"

"Answer me Sarah Joy! May relasyon ba kayo sa Ex ni Lloyd?! Just answer me!" napatakip pa ako nang bibig nang sumigaw na sakin si Kuya.

Pero hindi ako nagulat sa boses nya dahil sanay na ako sa boses noon ni kuya pag nagagalit sya. Mas nagulat lang ako na alam nya kung sino si Tanch.


Kilala nya si tanch...







At Ex ni lloyd si Tanch????


Hindi ko alam kong anu yung uunahin kong ereact. Naghalo-halo na yung pakiramdam ko.

Yung kaninang pilit kong palakasin ang sarili ay mas lalong nanghina ako sa narinig mula kay Kuya.




"K-kuya... "



"Alam mo na diba? Sarah Joy! sagutin mo ko?!"  napatakip ko na yung dalawang kamay ko sa aking mukha dahil sa sigaw nang kuya. "may relasyon ba kayo?"

Pero bahala na... Mahal ko si tanch. Kailangan ko syang ipaglaban this time.

Time start now...

Andito na, kailangan kong panindigan ang lahat.


"Y-yes K-kuya. Girlfriend ko si T-Tanch."  kahit takot pero pinilit ko ang sarili na labanan ito. Yes, hindi madali pero kailangan.

Kahit nahihiya pero pinipilit kong tingnan yung reaction ni Kuya habang isa-isa nang bumabagsak ang mga luha ko sa pisngi.

Inasahan ko na yung reaction na ganito hindi na sya nagulat sa sagot ko pero nagsimula na yung galit  sa mukha nya.

Hindi sya agad nagsalita sa sagot ko pero nanatili pa din syang nakatitig sakin na parang anu mang oras kaya na akong sampalin nang kuya.




"Bakit ? Anu bang gusto mong mangyari Sarah?" at last nagsimula na syang magsalita,   hindi na pasigaw pero nakikita ko yung pagtataka at galit sa mga mata ni kuya. "Ex ni Lloyd si Tanch. Impossibleng hindi mo alam yun"



Hindi ko sya maintindihan sa sinasabi nya.

I feel more hopeless sa sagot nya. Alam kong sobrang disappointed sa kin si Kuya.






It's Not Easy Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon