-Chapter 17-Tense

1.7K 86 41
                                    


"Stop na babe! Praa---mis! hin-diii na kiiiitaaa aasarin. Babe naman eh!"

tawang- tawa na din ako sa reaction nang Girlfriend ko na halos mabuwal na siya sa couch pero syempre hindi ko naman hahayaan yun.

"Anak, surprise!"

Natigilan kami pareho ni Tanch at napatingin kami sa kakapasok lang na bisita ko.

Well hindi ko pala sya bisita kasi Mommy ko sya.

Natigilan din yung Mommy ko nang makita kami sa posisyon namin ni Tanch.

"Mo-mommy" nataranta ko bigla.

Tinulungan ko muna si Tanch na tumayo.

"Bakit nandito po kayo? ahhh-- Mom, si T-tanch po pala ..." God hindi pa ako handang mag come out sa Mommy ko. Papatayin nya ako.

"h-hi po Tita. Tanch po, kapitbahay ni Sarah" sabi ni Tanch na inabot pa ang kamay nang Mommy ko para makipag shakehands.

Medyo nagulat pa ako kung bakit kapit-bahay lang yung pinakilala nya sa Mommy ko.

Natauhan na si Mommy matapos makipag-kamay kay Tanch.

Mabilis din akong kumilos para humalik kay Mommy Lomy para kasing nawala ako sa mundo saglit.

"M-mommy, bakit ginabi po kayo?S-sinong naghatid sa inyo?Why you didn't call so I can p-prepare?"halos sunod-sunod na tanong ko na natataranta pa din. Tinulungan ko muna si Mommy sa gamit nya para maupo sya. May mga dala pa syang mga fruits.

Napasulyap ako kay Tanch na ngayon ay nahihiyang umupo rin kaharap si Mom.

God. Hindi pa ako ready sa ganitong scene.

"May pinuntahan kasi ako dito anak si Mrs. Condy kaya dinalaw ko na dito yung Princess ko" narinig ko pang sabi ni Mommy habang papunta akong kitchen para ilagay ang sangka tirba nyang mga prutas.

Sure ko galing pa ito sa Farm namin. Napaka sweet talaga nang Mommy ko pero Mom please wag sana ngayon.

Hinatid daw sya nang driver namin si Mang Juan nasa labas pa daw sya nagpapahangin  saglit. Uuwi daw bukas si Mang Juan at babalikan lang si Mommy after 2 days. So mag s-stay pa dito nang 2days si Mommy. Juicekoomeeyo. Tulong!

Ang lapot na nang pawis ko.

"Wala pa ba dito si Joebert anak? Tinawagan ko sya na pupunta ako dito nang bahay mo" narinig kong sabi ni Mommy.

Jusmeeyo naman!Like nya talaga ang Joebert na yun!

Napasulyap ako kay Tanch na na parang wala lang naririnig.

"Ako yung Anak mo Mommy dapat ako tinawagan mo"  reklamo ko kay Mommy. Alam naman nyang wala talaga akong gusto dun sa tao pero pinipilit nya pa din.

Sinenyasan ko si Tanch na pumasok muna sa loob nang kwarto ko at susunod ako. Kasi alam kong na tetense din sya.

Ang hitsura talaga kasi nang Mommy Lomy ko ay parang masungit na dalagang Prinsipal na animoy takot sa kanya ang lahat nang mga estudyante kapag kaharap sya. But the truth is retired Principal talaga si Mommy pero hindi po sya dalaga. Yung Daddy ko po yung asawa nya na sobrang busy ngayon sa malaking Farm namin sa province.

Iniwan ko muna si Mommy sa kitchen kasama na si Mang Juan habang naghihintay kami nang order kong dinner. Magpapadeliver nalang ako wala na akong oras magluto. Para kasing aatikihin na ako kaya pupuntahan ko muna si Tanch sa kwarto.

Binigyan ko sya nang Tshirt ko para palitan nya yung sando nya. Very conservative kasi nung Mommy ko, ayaw nya yung babaeng halos kita na pati kaluluwa kahit ang totoo hindi naman talaga, ok naman talaga ang suot ni Tanch kaso pupunta daw si Joebert. Mahirap na.

It's Not Easy Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon