Chapter 25

1.6K 94 39
                                    

"Magaling na yan sa Scientific name yang Pogi ko. Ask him. Diba baby?"  proud na support ko kay Davi habang nasa likod pa rin sya at walang planong matulog. Excited makarating sa La Union.

"Oh really? Sige nga sample nga anak."  tanong na man agad ni Tanch na nakakunot pa ang noo. Ayaw maniwala, eh student ko yan.



"Ask me Mommy. What do you want to know?"

Napatawa kami pareho ni Tanch sa sobrang confident nito.

Sabi sayo babe eh.

"Yabang mo ah!ito, what is the Scientific name of Cat?"

"Felis catus"  nakangiting sagot agad ni Davi.


"aba, magaling" nakataas pa yung kilay ni Tanch. mukhang nag-iisip pa kung totoo ba yung sinagot nang anak nya.  "Anu yun, di ko alam yun  eh?Madali lang kasi yan ememorize anak. Pahirapan kita."  reklamo naman ni Tanch.


Ako na man itong nagdadrive ay super proud sa Pogi ko kasi hindi pala nakalimutan yung mga tinuro ko sa kanya.



"ito, Horse?"  nakataas pa rin yung kilay ni Tanch habang nagtatanong sa anak. Akala nya kasi hindi masasagot nang anak nya.




"Mommy... Equus caballus po"  sagot agad ni Davi na walang kahirap-hirap na ngayon ay nakahawak na sa Phone nito.

"Baka cheating yan"  tiningnan nya yung phone nang anak nya  pero nasa Game app pala ito.  "Tama ba yung pronunciation nya Babe?"  baling sakin ni Tanch na di makapaniwala sa anak.

Pero nakatango akong naka lip bite baka kasi narinig ni Davi yung pagtawag nya sakin nang Babe.



Napatakip naman nang bibig si Tanch dahil napansin nya nga yung sinabi nya buti na lang busy si Davi sa phone nito.




Ito talagang Girlfriend ko. Ang sarap paulanan nang halik.


Oh anu ka ngayon Tanch?



Natutuwa akong napasulyap kay Tanch. Kitang-kita ko yung proud din sya sa anak nya.

"Ok ito, ako magtatanong Pogi. What is the Scientific name of Cockcroach ?"  Magrereact agad yan.

"Babe? Bakit kailangang isali pa sila sa usapan?"  nandidiring sambit ni Tanch.

Kita nyo na?

Pangalan palang yan akala mo naman inaanu na.

"Blattodae Mamu!"  mabilis na sagot ni Davi.

kahit naka games pa yan, may sagot yan!

"La akong pake. Ang arte nya kahit sa Scientific name, huh?" maarte ding sagot ni Tanch.




"Mommy, bakit Babe yung tawag mo kay Mamu?"

Agad kaming nagkatinginan ni Tanch. Pareho naming hindi yun napansin. Shocks! walang nagsalita sa ming dalawa. Mismo ako hindi ko alam kong anu yung isasagot ko sa bata.

Kita ko din yung pagkabigla ni Tanch. Dahil alam kong hindi pa sya handa na malaman yun ni Davi.

Yung tungkol sa min.

Nang tingnan ko, seryoso pa rin itong nakakatotok sa nilalaro nito. Hindi nya nakita yung reaction namin ni tanch. Obviously Davi is a keen observer, so I stay calm.

"dapat Mamu din tawag mo, Mommy."  Biglang sabi ni Davi habang nakatotok pa rin sa laro nito. Dahil hindi man lang kami umimik sa tanong nya kanina.

It's Not Easy Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon