-chapter 15- drunk

1.9K 73 18
                                    

"Gusto mo bang malaman the first time i saw you? Para akong isang hindi normal na babae nang makita kita. Para akong timang kapag hindi ka nakatingin sakin dun na ako magsasawang tingnan ka. Tanch... Did you know how it feels na pinipigilan ko yung naramdaman ko para sayo dahil natatakot akong baka joke lang ang lahat? baka trip mo lang ako!" buong tapang na sabi ko dahil na siguro to sa ininum ko nagiging matapang ako sa nararamdaman ko. Parang gusto ko lang ilabas lahat ngayon. "Natatakot akong isipin na Mahal kita dahil baka ako lang pala yung assuming! So don't  say it to me na duwag ako dahil kaya  kitang mahalin Tanch kahit ganito lang ako."  sunod-sunod na sabi ko tyaka ako napahampas sa tire nang kotse ko at tyaka na ako napahagulhol nang masabi ko na lahat kay Tanch.

At naramdaman ko na lang nang niyayakap na pala ako ni Tanch.

"Ako din sobrang Mahal na din kita Sarah" Narinig kong sabi sakin ni Tanch na pilit akong pinapatahan. Yung yakap nya ay sapat na para huminto na ko sa ka iiyak.  "Sorry na bhe. Ayoko lang talagang makitang may iba kang kasama"

I tried to compose myself. Pinunasan ko yung luha ko at tumingin ako sa kanya. Napangiti ako nang napansin kong umiiyak din pala ang babeng mahal ko.

"Anung  sabi mu ulit?"  tanong ko. Gusto ko lang naman marinig ulit habang nakatingin ako sa kanya. To make sure na hindi ko lang guni-guni yun.

"Sobrang mahal po kita Doc Sarah Joy Garcia." inulit nya talaga with her sincerity kitang-kita ko sa mga mata nya yung saya habang sinasabi nyang SOBRANG mahal nya ako. Nawala tuloy yung pagiging tipsy ko.

Kaya walang tigil na naman sa pagpatak  nang mga luha ko dahil sa saya. Ganito pala yung feeling  na mahal ka din nang taong mahal mo?Gusto kong tumalon sa saya!GOD. This is for real. Hindi na talaga to joke. Hindi ako lasing!promise!

Napa face-palm na talaga ako sa iyak. Matic na man nakakaiyak pala yung mamahalin ka?

"Bhe, anu ba?Why are you still crying? " Nag-aalalang tanong sakin ni Tanch na pilit kinukuha yung kamay ko sa mukha.

wala eh. Gusto ko lang talaga umiyak sa saya.

"Masaya lang ako"  I tried to say kahit naiiyak ako sa tuwa.

Narinig kong tinawanan lang ako ni tanch kaya niyakap nya ko nang mahigpit.

Natawa nalang ako sa sarili ko. Ang OA ko talaga , grabe!

"Hey guys! anung nangyari?"  biglang sulpot naman ni Gab sa kalagitnaan nang yakapan namin ni Tanch.

Sumunod naman si Kris at Raine na nag-aalala atang hinahanap kami.

Bigla kaming kumalas sa isat-isa ni Tanch. Pinunasan ko muna yung mga luha ko bago ko harapin yung mga nilalang kong mga kaibigan.

Yung mga kumag ang laki nang ngiti nang makita kaming nagyakapan  ni Tanch.

Ngiti lang yung sagot ni Tanch at tyaka nya ako malayang hinawakan sa kamay. Oh ede alams na hindi ko na kailangang mag-explain sa tatlo kong mga asungot na kaibigan. Abot hanggang tenga na kasi yung mga ngiti nila. Lalo na man ako abot hanggang likod yung ngiti ko.

"Akala pa naman namin binugbog mo na si Mike. Reresbak sana kami!"  Tanging sambit ni Tiks. Lumabas na naman yung pagiging alaskadora nya. "Pero since may holding hands at yakapan na. Congrats Pretz! sa wakas gumana yung gayuma natin kay Tanch!" and then she winked to me.

Loko-loko talaga.Halos lahat sila nagtawanan including Tanch. Hinampas ko si tiks sa braso dahil malapit lang sya sakin. Ngumisi lang ang Tikling napaka alaskador talaga.

"Pag yan naniniwala. E di-dissect talaga kita."  Banta ko kay Tiks habang hawak pa rin ni Tanch yung kamay ko.

"No effect yung Gayuma guys! Ang torpe! Kailangan mo pang pagselosin pero yung ending ako pa rin yung nagseselos" reklamo ni Tanch na syang pagtawa nang lahat.

It's Not Easy Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon