Chapter 39

2.1K 59 26
                                    

Malamig at nanginginig ang mga kamay ko ngayon habang hinihintay namin yung sagot ni Tita Tes, ang Mommy ni Tanch.

Kung paano ako titigan ni Tita Tes mula ulo hanggang paa matapos akong pinakilala ni Tanch bilang Girlfriend ay parang gusto ko nang bumalik agad sa Manila.

Parang nasa Miss Universe stage yung kaba ko , yung alam mong masaya pero nakakatakot. Kumakabog yung dibdib ko dahil  ilang segundo ay hindi pa rin umiimik si Tita Tes. Ito na yata yung pinakamahabang segundo na naranasan ko sa buong buhay ko sa mundo.

Nanatili lang nakamasid samin si Tita Tes at halata nga sa mukha nya ang pagkabigla. HIndi ba masyado lang nagulat si Tita Tes sa sinabi ni Tanch.

Ito kasi ang gusto ni Tanch na sabihin agad sa Mommy nya yung relasyon naming dalawa. After that night na nangyari samin sa bahay ko, the next day ay nagdesisyon si Tanch na uuwi sya sa Cebu kasama ako.

Kaya nandito kami ngayon ni Tanch sa bahay nila na naghahabulan pa rin yung mga pulso ko na pinipilit ko namang pinapakalma. Sanay na ako sa mga nakakakabang nangyari sa buhay ko bilang isang Doctor Vet pero ito yung nakakatakot na kaba sa lahat... Yung ipapakilala akong Girlfriend nang taong mahal ko.

Hindi lang ito isang normal na love story . Na kapag pinakilala ka sa mga magulang ay ok na, tapos na, sa umpisa lang naman yung kaba. Pero hindi eh, ang hirap pa rin pala kapag gusto mong matanggap ka nila kahit na ito ay isang kamalian.

Aminin ko man o sa hindi ito yung nakakatakot sa lahat.


Ang daming takot...


Natatakot kang ma-judge.

Natatakot kang ayaw tanggapin.

Natatakot kang ma discriminate.

Natatakot kang aminin yung totoong kasiyahan sa puso mo.

At natatakot kang itama nalang yung mali kahit yung totoo gusto mo ang kamalian na yun.


"Maam---Im sorry."  I started to speak kasi pakiramdam ko hindi na kaya pang umimik ni Tita Tes.

Napayuko akong nagsorry kay Tita hindi lang dahil minahal ko ang anak nya kundi nagsosorry ako kasi BABAE LANG ako.

Dito na napahawak sa kamay ko si Tanch nagulat pa sya dahil sa sobrang lamig nang kamay ko. HIndi naman masyadong malakas yung aircon dito sa sala nila pero promise, lalamigin ka talaga sa takot.

Katabi ko lang si Tanch at nasa harapan namin nakaupo rin si Tita Tes na ngayon ay hindi pa rin namin naririnig ni 'ho or ha' nya sa sinabi kanina ni Tanch.

Hindi naman ako nag-expect nang sobra. At first yes, I was indecisive . Kung tama na ba yung panahon na to or nabigla lang ba kami ni Tanch pero hinayaan ko na atleast kung hindi man kami matanggap agad ay magaan na sa loob namin pareho.

Kitang-kita ko rin sa mga mata ni Tanch yung takot kahit na Mommy nya yung kaharap namin. Alam kong natatakot din sya sa reaction nang Mommy nya. Kaya hinawakan ko nang mahigpit yung kamay ni Tanch to remind her that whatever happens I still love her.

Ngunit nagulat pa kami na walang salita na tumayo si Tita at napadaku sya sa pwesto ko para...

Yakapin ako.


Another scene nang pagtigil nang mundo ko.

Yung mga yakap ni Tita ay maraming sinasabi . Kahit walang lumalabas sa bibig nya pero damang-dama ko yung walang pagkukunwari na pagyakap nya sakin.

It's Not Easy Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon