Chapter 53

1.2K 48 48
                                    

Chapter 53

Sarah POV

"Dok Sarah!Dito po.!"

"Kain po tayo."

Bungad sakin ng mga taohan ng Farm/ hacienda na halos lahat ay kilala ko na. Ang iba naman na bagohan ay hindi ko pa masyadong nakikilala.

Sabi ni ate Ivy ay may simpleng handaan daw si Dad para sa mga taohan
para ipakilala yung nag-iisang apo at Princesa ko.



Hindi ako aware tungkol dito kaya nabigla pa ako nang naabutan ko silang kumakain nga sa malawak na bakante ng Garden ni Lomy.

Bihira lang gamitin ni Lomy ang malawak nyang Garden dito maliban na lang pag may malaking okasyon. As what I saw ay malaking handaan nga ito dahil halos lahat nang taohan ni Dad sa Farm ay nandito.

Sa dami ng bisita ay pansin pa rin ng mga mata ko ang mag-Ina ko.

Si Tanch na katabi si Kuya habang sinusubuan ni Tanch yung anak ko. Ang sakit na naman sa pakiramdam kaya ng napansin kong sa akin na nakatingin si Tanch ay umiwas na ako. Naiinis ako.
Pero hindi ko na man pinapahalata yung inis ko, bagkos ay tiningnan ko lang sila ng walang expresyon.


Pero ang totoo, inis na inis na ang buong kalamnan ko pag nakikita ko sila ni kuya na magkatabi. Binabalewala ko na lang pero napahigpit tuloy ang kapit ko sa braso ni Miguel dahilan para ma gets na naman ako ni Miguel bakit bigla akong naging bad mood.


"May birthday po ba dito?" masiglang bati ko kahit ang totoo na offend ako sa parents ko. Bakit hindi ko to alam? Ako yung Ina ng bata, bakit hindi nila ako sinabihan na may ganito palang pa party.



Agad namn lumapit sakin ang Daddy matapos kung ngitian ang lahat. Actually, my fake smile. Hindi na man ako ganito dati pero hindi ko alam kung bakit unti-unti akong nagbabago. Pakiramdam ko kasi kapag may kaharap akong kakilala ko ay kailangan ko magseryoso at itago na yung dating ako. Para bang nilalayo ko ang sarili ko sa kanila.


Maybe because I never true to myself.

"Anak , simpleng handaan lang para sa nag-iisa kong apo. Nakakatuwang bata, parang ikaw kaibigan ang lahat ng mga tao na nandito." nakangiting kwento sakin ni Dad.



Napa-angat ang gilid ng labi ko. Nakakatawa. Dati naman halos kamuhian ako ng mga magulang ko dahil isang babae lang ang minahal ko. Tapos ngayon without my consent ipapakilala nila ang anak ko sa harap ng maraming tao. Wow!Magaling.



"Sana naman po Dad , tinanong nyo po ako. Dahil ayoko eexpose ang anak ko." seryosong sagot ko kay Dad habang katabi ko pa rin si Miguel. Nakita kong nagulat pa si Dad sa naging tugon ko.


Hindi sa kinahihiya ko yung anak ko dahil isa itong product ng 'Test-tube baby'. But my child is special. Gusto ko sana special din ito para sa kanya. Para sakin ... at--syempre para samin ni Tanch.


Ni hindi ko nga alam kung paano pinaliwanag ng pamilya ko kung paano nagkaroon ako ng anak kay Tanch. Ni hindi nga alam ng mga tao dito na may relasyon kami dati ni Tanch.



Pero, Oo nga pala... HIndi parin pala magiging espesyal ang lahat kung mawawala na din ako sa mundo. Kung ako mismo ang sarili ko hindi ko maalagaan.


"No. Just never mind me Dad. Just enjoy. I have to take a rest." naninikip na yung lalamunan ko dito. Pero pilit kong pinapakalma. Gusto kong maintindihan nila ako pero kahit mga magulang ko hindi alam yung sakit ko. Masakit. Hindi pala madali.

It's Not Easy Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon