Chapter 48

846 50 30
                                    

Disclaimer: Ang mga pangalang nabanggit lugar at pang yayari ay puro kathang isip lamang at hindi angkop sa totoong buhay.



Chapter 48

After kanina sa breakfast ni Tanch ay hindi na kami nakapag-usap pa.

Nabigla ako sa sinabi nya, hindi agad ako makareact. Paano nga kung maghihiwalay na lang kami ulit? Kakayanin ko ba yun?Anu ang mangyayari kapag tatapusian na namin? Iniisip ko pa lang pero parang nadudurog na ako.


Tapos na kami sa part na nagsisinungaling kami sa isat-isa. Nagtago sya kasi gusto nyang maghiganti sakin, all of a sudden I have no idea who she is. Until she came into my life and make this fairytale feel like reality.



God knows how happy I am to be with her always.

Kaya pala nung birthday ni Tiks, Nag-Thank you sya sakin kahit kakilala ko palang nun sa kanya. Yung thank you nya parang matagal na nga nya kong kilala.





Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit magaan yung loob ko sa kanya nung una pa lang. Walang bahid na pagpapanggap mula kay Tanch. Nararamdaman ko na minahal nya ko kahit alam nyang ako yung taong umagaw sa ama ni Davi.



Kahit masakit sa part ko gusto ko pa rin malaman o itanong sa kanya kung sinasadya nya ba talagang saktan at durugin ako nung panahon na nagproposed sa kanya si Daniel. Kasi kahit ako yung pinili nya bakit ramdam ko pa rin yung sakit.


Well, hindi ko na man talaga masisisi si Tanch. masakit din yung pinagdadaanan nya. May mga rason si Tanch na hindi ko maintindihan pero pipilitin ko na tanggapin na lang yung lahat.

Pareho lang kaming biktima dito at alam ko mahal nya ako, yun na lang ang pinanghahawakan ko sa ngayon.

Napaluha na lang ako habang tinititigan ang mukha ni Tanch at Davi sa wallpaper ng Desktop ko.

I love them so much so I will take the risk.
Bulong ko pa sa sarili ko habang namalayan ko na lang na nag google search ako tungkol sa sakit ko.


Napakurap pa ako ng ilang beses sa nabasa ko, hindi pala biro yung sakit ko.


And Doctor Stephen Hawking was also Diagnosed with ALS. Sheet of pad paper sino ang hindi makakakilala kay Doctor Hawking.

Gusto kong maluha na lang at maiyak pero walang lumalabas sa mga mata ko. Kundi takot lang, buong buhay ko ngayon lang ako natakot hindi para sa sarili ko kundi sa mga taong mahal ko na maaring maiiwan ko.

Kahit sina Lomy at Dad na hindi pa ako kayang tanggapin hindi ko sila kayang nasasaktan.

Pero ayokong mahirapan sakin si Tanch. I want her to be happy all of her life. Yun lang naman ang tanging hiling ko.

Matapos kong makapag-isip ay lumabas na ako ng Clinic. Alas dose na pala ng hating-gabi , ganun ko ba talaga ginugol yung sarili ko sa trabaho sa mga nagdaang-araw?

Hindi pwedeng magpapa-apekto ako sa sakit ko. Lalabanan ko to.

Ni locked ko muna yung clinic at nagtungo na ako ng bahay pero napansin ko na agad si Manyang sa may pinto pa lang ng bahay ko.

"dok!dok!dok!dok"

mabuti naman marunong pang magsalita itong suplada kong parrot. kasi kahit mga alaga ko hindi ko na naaalagaan.

Gustohin ko man na pumasok sa kwarto namin ni Tanch ay hindi pa ako handang harapin si Tanch. Napabuntong-hininga akong nagtungo nalang sa kwarto ni Davi.

It's Not Easy Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon