Chapter 52

1.1K 47 37
                                    

Chapter 52

Ang alam ko, lumipat daw ng kwarto si Sarah. Wala na daw ang dating kwarto nito sa taas at malay ko ba kung saan dito banda yung kwarto nila... ng Boyfriend nya.

Oh, di ba? Aasa pa ba ako na magkakabalikan kami ni Sarah? Eh ni hindi ko nga alam kung sa oras ba na to ay nagme-make love sila habang nandoon yung mga anak ko sa kwarto nila...arrrgh! kakainis! erase..erase!Anu bang sinasabi mo Tanch!

Napahigpit tuloy ang kapit ko sa mug na may lamang kape habang tinatahak ko yung hagdan sa sobrang inis . Kung hindi naman kasi ako tanga, bakit kasi iniisip ko ang mga ganitong bagay? Pero sana naman mali lang tong iniisip ko kasi kung hindi--- di ko alam kung anung magagawa ko kay Sarah. Kung maglalandian sila, wag sila sa harapan ng mga anak ko.

San na ba kasi ang baklang yun, kumuha lang ako ng kape ay pagbalik ko sa porch ay wala na ito doon.

Kaya babalik na lang ako sa guest room, hindi ko naman alam kung saan banda ang kwarto nila Sarah sa baba para makuha ko na yung mga anak ko. Baka anu pa kasi ang makita ng mga anak ko sa pinanggagawa nila. Jusko naman!Sta. Maria Bulacan. Ibalik nyo ang mga anak ko!

Medyo padabog ko pang binuksan yung guest room dahil sa inis. Nakalimutan kong gabi na pala at sa malamang ako na lang itong gising.

"Ay! bilat sa ering.!" nasapo ko pa yung bibig ko sa sobrang gulat.

"shocks!What happened?"

Nakita ko pang nagising sa gulat si Sarah dahil sa tili ko.

Nataranta lang naman ako nang may nakahiga na sa kama. Pati na si Lee ay mahimbing na rin na natutulog katabi si Sarah. magugulat ka talaga diba?

"Sorry!Bakit ka ba nandito? Hinanap ko pa yung kwarto nyo , akala ko wala pa dito yung mga anak ko." napansin kong may kulang sa paningin ko. Nilinga ko yung tingin ko sa paligid. "Si Davi?" kunot noong tanong ko.

"Nasa kwarto ko. Hindi ko kasi ginising, dun na muna sya matulog. Hmm. Na miss ko kasi yung bata." paliwanag ni Sarah na kitang-kita ko sa mata nya yung pagtaranta.

Pero naiinis ako...di pwede.

"No. katabi ko sya matulog. Hindi naman mahirap gisingin si Davi." casual na sagot ko tyaka ako lumapit sa kama para ilagay yung Kape ko sa side table. "You can leave now." sabi ko habang iniiwasan kong tingnan ito sa kabilang side ng kama.

Pero pansin kong hindi ito umimik kaya no choice ako at napasulyap ako dito.

Inosente lang itong nakatingin sakin at ngumiti ng mapakla. Dito ko na napansin kung bakit hindi man lang ito natinag sa pwesto nya dahil hawak ni baby Lee yung daliri nya.

 Dito ko na napansin kung bakit hindi man lang ito natinag sa pwesto nya dahil hawak ni baby Lee yung daliri nya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Seriously?!

Sobrang himbing na ng tulog ang anak ko habang hawak nito ang kamay ni Sarah.
halatang sa isang galaw lang ni Sarah ay
magigising si Baby.

It's Not Easy Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon