Chapter 35

1.4K 82 76
                                    

"Dito ka muna ate May at tyaka yung mga gamit mo ilagay mo nalang sa cabinet" paliwanag ko kay ate May nang makapasok na kami sa isang kwartong bakante nang bahay ko.

Hindi ko narinig na umimik si Ate May nang tingnan ko ito nag-alinlangan pa itong pumasok.

Alam ko na kung anu ang iniisip nito.


"Ate May, hindi na kayo iba sakin. Wag na po kayo mahiya. " Dugtong ko pa dahil ganun pa rin yung mukha ni ate May.

"Eh Dok... alam ko naman po yun. Pero si Tanch..." halatang binitin pa sa ere ni ate may yung sasabihin nya.




Napabuntong hininga ako nang malalim at biglang kamot sa kilay ko.


Hindi pa kami nag-uusap ni tanch after nung nangyari kanina.


Hiyang-hiya ako kay Davi nang makita nya kaming hinalikan ako nang Mommy Tanch nya. Buti nalang napayag ko din si Tanch na dito na muna mag stay sa bahay dahil na rin sa hiya.

Pero yung totoo ayaw nyang patagalin pa yung pagpapaliwanag nya sa anak nya.


Kasalukuyan nasa kabilang kwarto nga ang Mag-ina.Para ipaliwanag sa anak ang nakita nito. Gusto ko sanang samahan syang magpaliwanag but she declined.Kaya na daw nya.


Hindi ko alam kung nagalit ba sakin si Davi at hindi ko alam kung after ba nito matatanggap ba ako nang anak nya. Wala na kami ni tanch pero yung panahon na nagsinungaling kami kay davi ay sana man lang maintindihan ni Davi yun.


pero kahit na wag na ngayon, kahit na hindi nya pa kami maintindihan sa ngayon pero sana naman wala syang galit sakin dahil hindi ko na alam kung anung gagawin ko. Gayong alam ko na ang totoo sa buhay nang mag-ina . At hindi ko hahayaang mawala sila ulit sa buhay ko.



Hindi ako papayag.


At kapag nagalit sakin si Davi , hindi pa rin ako susuko.

"I won't let them go that easily ate May.I assure you that, hindi ko po sila pababayaan" sagot ko kay ate may matapos ang mahabang tahimik.


Maliban na anak pala ni lloyd si Davi ay hindi ko pa rin hahayaan na aalis sila sa buhay ko.

Dahil baka hindi ko na kakayanin pa.

"salamat Dok. Salamat sa pagmamahal mo kay tanch at Davi" narinig ko yung pag-iba nang boses ni Ate May, dahil tumutulo na pala yung luha nya. "Mahal na mahal ko yang mag-ina na yan Dok lalo na si Davi, ako kasama nyan hanggang sa lumaki. Kaya masakit din sakin na umabot sila sa ganito. Kung hindi na sana si Daniel pa eh. "

Iyak na iyak pa rin si Ate may sa harapan ko at first time ko syang makita nang ganito ang alam ko lang kasi sobrang masiyahin tao si ate May. Kitang-kita ko yung pagmamahal nya sa mag-ina pero dahil sa sitwasyon nila ngayon alam kong nag-aalala din ito.



pero alam din kaya ni ate May kung anu yung totoo?Kung sino yung totoong ama ni Davi?


Gusto ko syang tanungin pero natatakot ako.

Imbes na damayan ko si Ate May ako tuloy itong napaluha bigla.

What sense of destiny is these?Bakit pa unti-unti?bakit hindi straight to the point?


Anu ba talaga ang purpose ko sa buhay nila Tanch?

"Malaki na din si Davi pag hindi na nila ako kailangan, Ipangako mo sakin na hindi mo sila ibabalik kay Daniel. Kahit anung mangyari wag mong hayaan yun." Ate May give me a furious look.

It's Not Easy Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon