chapter 32

1.5K 79 51
                                    

"Tanch... will you be my Wife Forever?"




























Napapikit ako sa sakit  habang naririnig ko nang klarong-klaro yung sinabi ni Daniel dahil naka MIC ito.


































Tanch. No.


































Please say NO.



























Ngunit mas lalo akong nilamon nang mundo nang maghiyawan at nagpalakpakan yung mga tao sa loob.






























Kahit hindi ko nakikita, alam kong sumagot nang 'OO' si Tanch dahil dinig na dinig ko yung kasiyahan sa loob.
























Napatakip ako nang bibig ko dahil ayokong makagawa nang ingay. Dahil sa sakit na parang unti-unti akong nilalamon.
































Feeling ko gusto kong sumigaw sa sakit pero hindi ko magawa.

































Gusto kong sumigaw sa iyak pero bigla akong nanghina.








































Gusto kong tumakbo palayo at isipin na wala akong naririnig pero hindi ako makakilos sa sakit.

































please. Tama na ... ang sakit sakit na.



















Wala nang paglagyan yung sakit ngayong araw na  gusto ko nalang mawala na parang bula.







Parang may sariling isip yung mga paa ko at dali-dali akong pumunta sa Parking lot para makapasok agad sa kotse ko dahil hindi ko na kaya pang marinig yung kasiyahan sa loob. Parang mga masasayang bubuyog ang naroon at unti-unti akong kinakagat kaya damang-dama ko yung hapdi na nararamdaman sa kaloob-looban ko.

Nang makapasok ako nang kotse dito ko na nga binuhos agad yung lahat na kinikimkim kong sakit.







Bakiiiiit Tanch?Anung kasalanan ko?Anu baaaang nangyari satin?Bakit ang sakit-sakit naman.




Halos mangiyak-ngiyak kong hinampas yung manibela. Hindi ko alam kong saan ako magagalit.









Sa sarili ko ba bakit ang dali-dali kong sumugal agad o kay Tanch na noong una palang pina-mukha nya na pala akong tanga.









Sa sobrang sakit gusto kong mawala na lang bigla.











Pinahid ko yung natitira kong luha at agad kong pinaandar yung kotse ko . Sa bilis nang takbo nang pagdrive ko parang naibsan yung nararamdaman ko.











Dito ko binuhos lahat yung hapdi at sakit na nararamdaman ko . Wala akong paki-alam kong ilang sasakyan na ang na overtake ko basta gusto ko lang pigain yung manibela at panggigilan yung accelerator.












It's Not Easy Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon