-Chapter 16-The Past

1.8K 76 19
                                    

"at si Dianne---Bagong vet nurse mo  daw?"

Napasulyap ako kay Tanch dahil sa tono nya.

"Ah, yes Babe. Ni recommend nang friend ko na meet mo na ba sya?" tanong ko habang kumuha ako nang Juice.

"yeah. Maganda sya.Infairness"  wala sa mood na pag-appreciate nya kay Dianne.

"Maganda nga" Appreciate ko din.

Ininum ko agad yung Juice dahil feeling ko uhaw na uhaw ako dahil siguro sa ininum ko kagabi. Di ko namalayang nakalapit na pala sakin si Tanch at halos mabuga ko na yung ininum kong Juice dahil sa bulong nya...

"Crush mo?" Tanch whispered.

"T-Tanch!porket maganda crush agad?" Nagulat talaga ako sa tinuran nya.

"Malay natin. Sabi mo kasi maganda"  wala sa mood syang umupo katabi ko. "Kain na tayo Babe" dagdag nya pa na hindi na tumitingin sakin.

Aisus yun na man pala. Talagang sasayanin ko na si self na may selosa akong Girlfriend.

"Babe, don't worry ikaw lang yung maganda sa paningin ko' My sexy waitress in the sky." I sincerely said while putting rice on her plate.

Hindi sya kumibo sa sinabi ko. Nang tingnan ko ay namumula na pala yung pisngi sya sa kilig.

"Kilig ka na man?" Asar ko sa kanya.

"Sama na kita babe, ipasok kita sa bag ko." Malungkot na tugon nya.

Awww. Na touched ako. Ako na naman ata yung namumula sa kilig.

"Gustohin ko man hindi pwede kasi hindi ako kasya sa Bag mo, Babe."  Sabi ko na lang para mawala na yung lungkot nya.

And then she pinched me. Nagreklamo pa ako sa sakit pero nawala nalang bigla nang halikan nya ito.

Wala na inlove na inlove na talaga ako sa babaeng to.

Minahal ko ang babaeng to kahit hindi pwede.Minahal ko sya kahit may anak na sya. And I don't know how it grows for the next days and months. Basta yung alam ko lang masaya ako ngayon at hanggang nandito pa sya sa buhay ko walang masama kong maging masaya naman ako kahit ngayon lang.

-----
Gusto ko lang titigan yung pangalang 'Jan Lloyd L. Sebastian. Died November 17,2013' na nakaukit sa lapida.

"Ngayon lang kita nadalaw lloyde pasynsya kana." Halos mangiyak kong tugon sa puntod ni Lloyd.

Ilang years na ba?5 years? Pero nandito pa rin yung guilt. Naiiyak pa rin ako kapag naalala kita lloyde. Paano kong  buhay ka pa? Siguro hindi magagalit sakin family mo at... Si kuya, hindi sya siguro aalis at kamuhian ako.

Napabuntong hininga ako sa naisip ko.

How can we changed the past? I just want to let go this guilt.

Hindi ko na napigilan at tumulo na yung luha ko. Haist, kailan pa ba to matatapos.

"Anung ginagawa mo dito?"

Napalingon ako.

"T-Tita?" Gulat na sambit ko. "Ahh--d-dinadalaw ko lang po si Lloyd". Nakayukong paliwanag ko kay Tita Lara na Mommy ni Lloyd. Kasama nya ang kapatid ni Lloyd na si Laica na ngayoy umaawat na sa Mommy nya baka susugurin na naman ako.

"Dinadalaw? Nakalimutan mo ba bakit namatay si Lloyd? Dahil sayo yun! Ang kapal naman nang mukha mo para dalawin sya ulit dito?"  Halos pasigaw na sambit ni Tita Lara.

Bumuhos na talaga ang mga luha ko. Kapag naalala ko na naman ang lahat.

"Ma,stop na po please. Walang kinalaman dito si ate Doc sa pagkamatay ni kuya."  Singit ni  Laica para lang awatin yung Mama nya.

It's Not Easy Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon