-Chapter9- Confusion-

1.5K 57 11
                                    

Chapter-9

"Bunso, maganda ba talaga yung neighborhood mo? " .   Narinig ko pang tanong sakin ni Kris habang kumakain nang apple sa harapan ko. Ako na man itong busy sa pagluluto para sa kanila. Sila yung nanonood lang, kakain lang, pero ako pa yung laman nang asaran nila.
Triple kill to.

"Pag nakapasa sa kin ang beauty, bunso. Akin na lang. Handa ako maging protractor.".  Dagdag pa ni Raine na sumisigaw pa habang nasa sala. Protractor means, baliko. Napangiti ako dun.

Ang galing nila diba?
Kung hindi naman kasi dahil sa magaling na Tikling at baklang si James sa walang tigil sa pag-asar sakin hindi naman sasali ang dalawang yan sa kakaasar.

Dyan na man talaga sila champion for me. Mga judgemental.

Si Kristen ay isa ding Vet Doctor as in Wildlife Doc. Kaya minsan lang namin mahagilap dahil busy sa mga alaga nyang Gorilya at Buaya. Echetera.

Itong Raine Angel naman na opposite sa pangalan nya. Sya  yung anghel na kasama ni lucifer na itinapon dahil mga pasaway sa langit. Di joooke.. mabait na man si Raine kaso dominante din. Doctor sana kaso gusto maging wildlife photographer.  Minsan kasama nya si Tikling kasi mountaineer din yun. Ewan ko ba bakit ito yung mga napasukan naming buhay.

Sa ganda naming to... Lahat kami single.
Mga hayop lang kasi kinakausap namin.

Ma try nga yung attitude hayop, baka magclick kami.

And speaking of Gab?
Nandun sa bahay ni Tanch. Feeling close talaga. Kung sa bagay sila yung unang nagkakilala ni Tanch. Einvite nya daw ,pinigilan ko pa nung una kasi nakakahiya dun sa tao may anak tapos kami yung iniisip "Jamming-jamming" lang. Pero sa huli hindi din ako yung nanalo hanggang ngayon di pa nga nakabalik.

Pero panay yung silip ko sa glass window. Syempre nag eexpect din ako na hope pupunta dito si Tanch. Chaaar!Pigilin natin ang landi self!

Napangiti na ako. Naalala ko lang na man yung pag-uusap na min kagabi.

Para kaming mga teenager na  enjoy na enjoy ang isat-isa kahit kami lang? I've been used to have  late night talks before, ma pa phone call pa yan o personal. And even Joebert , I still remember nung nasa boracay kami. Usap lang kami ganun until dawn. Pero wala namang effect like this.

But... With her?

God.

Yung masabi ko nalang talaga. 'Sana habaan pa yung gabi' .

'sana sa susunod maraming meteors yung lalabas while im looking at her'

'sana hindi kami mauubusan nang pag-uusapan. Dahil hindi pa ako nagsasawa'

Then... can anybody explain to me why Im saying this way? Parang need ko na magpa psychologist.

"Told you, inlove yang si Sarah Garcia eh. Protractor na din yan hindi na ruler. Ngiting aso na din eh."  Narinig ko pang sabi ni james. Na hindi ko man lang sinagot sina kris at raine.

Ako inlove? Daaaah. Im straight kaya.

"Were here!!"

Sabay pa kaming napalingon kay tiks na kadadating lang. Hawak-hawak nito si Davi na pangiti-ngiti pa .

Agad na hinanap nang mga mata ko si Tanch na dismaya ako nang di ko man lang ito nakita.

Pero... Nabuhayan ako nang loob nang nasa likuran pala ito ni tiks.

God. My nerves.

"Baby ni Tanch guys! Diba ang gwapo?"

Agad naghello at nag kiss si Davi nila kris ,Raine at pati kay James na sobrang na cutetan kay Davi.
Tuwang-tuwa sila talaga dito at nang makita ako ni Davi ay agad itong tumakbo palapit sakin at yumakap. God. Super love ko ang batang to.

It's Not Easy Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon