-Chapter13-Doubtful

1.7K 63 29
                                    

Walang label...ganito yung meron kami ngayon ni Tanch.
After that kissed I never bothered to asked her kung bakit nya ginawa yun. Just go with the flow and feel the kilig everytime na kasama ko sya. Kung meron mang mas malaking definition nang salitang 'Masaya' yun yung gagamitin ko to express my happiness.

Sa bahay ko na natulog si Tanch. Knowing na ilang beses na ba kaming katabi matulog pero ito yung 'da best'.

Gumising ako na hindi na nagugulat na may magandang kapit-bahay akong katabi. Tapos gigising din sya na bigla-bigla na lang nya akong halikan. Smack lang naman pero infairness maganda pala sa feeling.

Pagkatapos nya sa banyo sumunod na man ako. Pero may mga damit na akong binigay para sa kanya. Pero nabigla ako nang parang kakagamit lang nang toothbrush ko!

"Tanch!"  Sigaw ko sa kanya galing banyo. Naka robe pa naman ako kaya pwede pa syang pumasok. "Ginamit mo ba yung toothbrush ko?" Inis na tanong ko nang makapasok na sya.

"Oo ,bakit bhe?ang arte-arte nag kiss na kaya tayo gumanti ka pa nga eh!"  Natatawa nyang tugon.

Bigla tuloy akong nahiya sa sarili. Ganyan si Tanchelie,walang preno kong magsalita.

"Gamitin mo na yan,nahiya ka pa. Gusto mo kiss kita ulit,bhe?" She winked and kissed me on my neck.

"Tanchelie,anu ba. Parang timang na man eh! Dun ka na nga." Kunwari umiilag ako. Pero gustong-gusto naman.

Life with Tanchelie is full of surprising. Ma susurprise nalang ako na may mga attitude pala akong ka sweetan kapag kasama ko sya. Kasi ang alam ko hindi talaga ako showy.

Ma susurprise na lang ako na kapag tatawa na ako nang malakas hindi ko na tinatakpan ang bibig ko. Dahil ang sabi ni Tanch 'feel free to laugh'.

Ma susurprise nalang ako sa sarili dahil sobrang concern ko na pala sa kanya. Yung tipong ang OA ko na pala.

Like nagjogging kami at nakita ko yung sentas nya na natatanggal. Ako yung kusa na luluhod para di na sya mahirapan. Sa laki nya kasi parang di nya kaya pero syempre joke lang yun. Sobrang sexy kaya nya ayaw ko lang aminin baka mas lalo akong mainlove.

Pero never kong nakitang nagbago si Tanch kahit sa maraming tao pa o kahit kaharap nya si James o mga kaibigan ko. Kapag gusto nya akong pakiligin,sasabihin nya talaga yung gusto nyang sabihin.

Pero I never had a chance to asked her 'why,why its all about?anu ba tayo?' . Actually madami pala akong chance na tanungin sya pero di ko magawa dahil natatakot ako sa sagot nya. Hanggang ngayon kasi meron pa kasi akong doubt. May Davi sya at ama ni Davi. Paano pag bumalik yun at ma realized nya na pinagtripan nya pala ako?

Kaya kong maari at kung pwede. Ayoko syang tanungin. Oo, sige duwag na ako. Pero anu bang ilalaban ko dito?We all know walang magseseryoso sa mga katulad ko. Ngayon pa na first time kong ilabas kong sino ako. Sa kanya pa baka commited pa saiba. Anung experience ko dito? wala.

Kapag nasaktan ako dito, sigurado iiyak lang ako sa tago. Kaya di bale nalang na di ko malaman yung totoong nararamdaman para sakin ni Tanch. Masaya na akong nilabas nya yung tunay na ako.

Nasa BKC kami ngayon nang barkada. Himala nga hindi sila busy. Kaya nagkayayaan kaming magkape. Pero ako panay lang yung tingin ko sa phone ko kong may chat o txt na ba si Tanch. 4days nya na ngayon sa Japan, araw-araw nagtetext o call yun walang palya. Sya pa nga yung nagagalit pag hindi agad ako nakapagreply.

Pero ngayun halos buong araw wala man lang paramdam? Hindi ko alam kong mag-aalala ba ako o maiinis.

"Pakasalan mo na kasi bunso nang hindi kana mag-alala" narinig kong sabi ni Kris.

Umayos ako nang upo at tyaka ako napahawak sa sintido ko. Gawain ko kapag nahihiya ako.

"Si James hinihintay ko baka may emergency"  patay malisyang paliwanag ko. Pero ang mga nilalang inismidan lang ako. Oh,ede sila na yung magaling magbasa nang iniisip.

"Mahal mo na ba Pretz?" This time seryosong tanong ni Gab. Minsan lang to nagseryoso kaya medyo kinabahan ako.

Tumingin ako sa expression nilang tatlo. Lahat sila seryosong nakatingin at naghihintay nang sagot ko.

"I don't know." Nagtaas pa ako nang kamay. Hindi ko naman talaga kasi alam.

"Go for it,bunso" matipid na saad ni Raine.

Si Raine yung tahimik lang sa aming apat kaya kapag nagsalita na ito mapapatingin ka talaga.
Bakit pala bunso kasi parehas lang namang year kami pinanganak pero mas nauna silang tatlo sakin nang ilang buwan.

I chuckled. " Tama ba to,guys?" I paused then tiningnan ko sila na parang sinasabi ko ' I need a moral support'

"Walang mali sa pagmamahal,bunso. Ilang lalaki na ba na reto namin sayo? Hindi na mabilang. Pero ngayon kalang namin nakitang masaya." Nakangiting tugon sakin ni Kris.

Napatingin ako kay tiks. Sinabi nya kaya kina Raine at kris na Bisexual ako? Hindi sya makatingin sakin kaya halata nang alam na nang dalawa yung sekreto ko.

"Tandaan mo, wala sa sexual preference yan. Follow your heart. Kapag nasaktan ka, nandito kami. Ok lang yan." Dagdag pa ni Raine.

At dun kami natawa pareho. Grabe! Nakakapositive yung 'kapag nasaktan ka nandito kami' . Saktan agad?Di pwedeng magsaya muna tayo?

----
Magdadalawang araw na nang wala pa rin akong natanggap na txt o call galing kay Tanch. Nag-aalala na talaga ako sa kanya. Nandito ako ngayon sa clinic pero di ako magawang kausapin nila James at Dianne. Talagang wala ako sa mood.

Kaya nagbukas nalang ako nang IG ko.

Sa unang scroll pa lang parang gusto ko nang maiyak sa nakita ko.

Post ni Tanch, 10 hrs ago kasama yung ex nya sa isang restaurant sa Japan. Galing!

Yun naman pala eh. Bakit pala ako mag-alala?

Padabog kong  hinubad yung Labgown ko sinabit ko sa lalagyan. Tyaka ko dinampot ang bag at Phone ko.

"Call me if may emergency James. Kaw na bahala kapag natagalan ako."  seryoso at kunot noo kong bilin kay James na hindi ko na hinintay pa ang sagot nya.

Sa kotse tinawagan ko muna si Joebert bago ko pinaandar ang kotse. Kanina pa kasi sya nagyaya sa kin na mag date kami pero wala akong sagot kasi alam ko kapag nalaman yun ni Tanch maiinis yun sakin.

Wala kaming label oo! Pero ayoko syang nakikitang naiinis o nasasaktan pero anung ginagawa nya?

Pag sya pwede?ako hindi?Anu to, laruan nang feelings?Put----hindi nga ako nagmumura!pero ang sarap lang talaga magmura at umiyak. Pero hindi ko ginawa.

Wala nga kaming label.

-------
Past 9pm  na ako nahatid ni Joebert. It was fun. Masaya pala talaga syang kasama lalo na kapag tinitingnan ko lang yung good sides nya. Hindi malayong baka mabigyan ko na talaga sya nang chance.

Nasa loob pa ako nang kotse nang makita ko yung bukas yung ilaw nang buong bahay ko. Binilin ko kay James na patayin yung ilaw sa loob ah. Ah, baka nakalimutan nya lang.

Naunang lumabas si Joebert at pinagbuksan nya ako. How sweet. Dapat ganun lang para hindi ko na maisip si Tanch.

"May tao yata sa loob?". Tanong sakin ni Joebert.

"Ai, baka nakalimutan lang ni James. Sige na para hindi ka na gabihin. Ingat sa pagdrive. "  Sabi ko. Normal lang naman para sakin yun pero ang kumag halatang kinikilig. Kaya hinampas ko sya sa balikat. "Alis na!"

"Eto na po. I love you Sarah." Nakakalokong hirit nya.

Honestly? Wala akong naramdaman. Ibang-iba kapag babanggitin yun sakin ni Tanch. Haist. Tanch na naman.

Ngumiti lang ako kay Joebert bilang tugon para makaalis na sya.

Nagtaka ako na hindi din locked yung gate nang bahay ko. Kaya nagsimula na akong kabahan. Mabilis akong pumasok at laking gulat ko na lang nang may matanaw akong nakaupo sa may garden.

"Tanch?"

It's Not Easy Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon