-Chapter 18-Catty

1.7K 89 24
                                    

Dali-dali akong umuwi galing school na may na received akong tawag kay James.

"May Minor fracture po si Catty on her Femur area Doc. Iniwan po muna sya ni Mrs. Cruz nagmamadali po kasi."  Narinig kong sabi ni Dianne pagkadating ko nang Clinic.

I approach this Cat calmly when I saw her face. She moans and cries ramdam ko yung sakit nya and weakness ko to ayoko nang may nasasaktang hayop talaga. Especially Cats, I feel the tears coming .

"she's 2 pounds in her 8 weeks Doc."  Dugtong ni Dianne.

I felt relief when I saw her thigh bone not completely broken.

"Ok. Good. Big girl na pala si Catty. " I tried to touched her para hindi sya magsungit.

Kahit wala itong fracture gusto kong makasiguro na ok lang si Catty. Dianne already perform the first aid measure kaya pinainum ko na lang ito nang Antibiotic.

Maya-maya din hindi na umiiyak si Catty. Napaka brave nya in her 8 weeks hindi sya nagagalit kapag hinahawakan ko.

Naalala ko tuloy yung mga panahon kong bakit gusto ko talaga maging Doctor. An animal's eyes have the power to speak a great language.

I heard her short meow like saying 'thank you or greeting to me'

Natuwa kami pareho ni Dianne nang marinig namin sya.

"wooow!ang cute nya Doc."  sabi ni Dianne.

At hindi na nga nawala yung tuwa namin kay Catty kahit may sugat ito ay sobrang bait pa din.

Narinig kong may kausap si James sa labas nasa loob kasi kami ni Dianne sa examine area na inaamo pa din namin si Catty.

Maya-maya narinig ko yung boses ni Tanch. Hinahanap nya ako, hindi pa ako lumabas dahil ini examine pa namin si Catty at tyaka Xray na din to make sure the condition of the injured area ni Catty.

Pero kahit nagtatrabaho ako hindi ko maiwasang isipin kong bakit hindi man lang nagpaalam sakin si Tanch na aalis sya kanina.

Kanina lang morning umalis si Mommy kaya dun ko napansin na umalis si Tanch dahil wala yung kotse nya sa garahe nila.

I text her sabi nya nag claim daw sya nang money from Daniel, yung tatay ni Davi.  Nag ok naman ako pero deep inside medyo nagseselos ako. Kailangan pa ba nila talaga mag communicate?I mean---ofcourse!May anak sila, singit naman nang utak ko.

See? simula nung nagmahal ako nagiging selfish na ako. Naggiging selosa na din, napaka suprising yun para sakin.

Meeeooowwrr!

" Ops sorry Catty. Sorry. Sorry"  Nasaktan ko tuloy yung sugat nya kaya nainis tuloy sakin.

Tinawanan naman ako ni dianne.

"Ang cute nya pa rin magsungit Doc." tuwang sabi sakin ni Dianne na nag agree na man ako.

"Tell Mrs. Cruz ako na mag-aalaga kay Catty" sabay biro ko pero nagulat kami nang sumagot si Catty halatang hindi nya gusto yung sinabi ko.

Kaya nagtawanan ulit kami ni Dianne nang sobra. Catty is so smart.

After 20 mins natapos na din kami ni Dianne nilagay muna namin sya sa cage, it's the best way to rest.

I saw Tanch waiting without any expression. Naghugas muna ako nang kamay, sanitize at hinubad ko yung lab Gown ko.

Binilin ko si Catty kay James at Dianne bago ako pumasok nang bahay para maligo.

Ewan, pero parang ayoko na munang pansinin si Tanch kahit na Miss na miss ko na sya. 2 days din kasi kaming hindi masyadong magkasama dahil nandito si Mommy. Pero yung hindi man lang sya nagpapaalam sakin kapag aalis sya, yun ang mas nakakainis.

It's Not Easy Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon