-Chapter12-Bespren

1.5K 72 8
                                    

"Ngayon ang first day ni Dianne, ikaw na bahala mag trained sa kanya, James. Whole day class ako ngayon eh."  Bilin ko kay James habang inaamo ko muna si 'Sopia' na Little Kitten ni Mrs. Reyes. Masyadong suplada daw ang pusang ito kay inaamo muna bago vaccine.Karga-karga ko muna si sopia habang hinihimas baka kasi susungitan nya si James, wala pa naman sa mood ang bakla.

Sinagot lang naman nya ako nang "Yes Doc" na walang ka buhay-buhay. Tiningnan ko sya habang busy sya sa harapan nang monitor.

Kahit hindi sya nakatingin sakin. Alam ko agad problema nya. LALAKI.

"Nakakapangit pala Sopia magka-boyfriend noh?Buti na lang wala akong Boyfriend." Kunwari kausap ko si Sopia.

"Kasi Girlfriend yung bet mo?"  Suplado nyang tanong sakin kaya napatawa ako na takip bibig kasi pinigilan kong matawa nang sobra.

"Mag-girlfriend ka na kasi"  matinding advice ko sa kanya.

"Kahilas gyud Doc oy!"  Bisaya nyang tugon na ang ibig sabihin ay 'yabang ko daw' akala nya siguro di ko alam yun. Kaya natawa na talaga ako sa kanya.

But speaking of Girlfriend. Tumatawag si Tanch!mygaad.nung gagawin ko?yung hormones ko nagliliparan na sa kilig!Bigla kong naibigay kay James si Sopia.

Jusmeyo!Doctor ako,sa kanya lang ako nataranta nang ganito.

"Hi! G-good morning!" Sabi ko nalang habang nakatingin sa kisame.

Sa kisame tingin ko, baka sakaling bumalik yung kaluluwa ko na nawala nalang bigla.

"Good morning bhe. Im sorry kagigising ko lang. Nakaalis ka na ba?" Malambing nyang tanong. Bigla tuloy akong uminit sa boses nya.

Lord patawad.

"It's ok.N-nasa clinic pa ako." Pinipilit ko pang elambing yung boses ko nang napasulyap ako kay James. Mapang-asar kasi , asarin ko kaya nang asarin to nang maingit? "Kumain ka na dyan Bhe anung petsa na. Ayokong nagugutom ka."

Sheng!!!Sinabi ko yun???

Napatakip ako sa bibig sa sarili kong kilig! As in first time ko syang tinawag sa endearment na ginagamit nya.

Binato lang naman ako ni James nang maliit na cushion. Buti nalang sa paa ko yun tumama. Yung mukha nya naaasar na sa ingit.

Pero parang ang sarap ngayon asarin ni James. Lumalabas kasi yung mapagkunwaring  Sarah.

"Anung sabi mo?anu yun,ulit?" Hindi makapaniwalang tanong ni Tanch. Kahit ako naman talaga hindi din makapaniwala sa sarili.

Magsasalita pa sana ako kaya lang biglang dumating si Dianne.

Inasikaso naman agad ito ni James habang hindi ko pa binababa yung phone. Kinikilig pa kasi ako,bakit ba? Pero medyo nahiya naqoh nang nagkunwaring umubo itong si James.

Kaya nagpaalam na ako kay Tanch. Pero humirit pa talaga sya.

"I love you?Patanong na yan bhe,huh?Para sagutin mo na"  Tugon ni Tanch sa kabilang linya.

Napakagat labi at padyak sa paa ang nagawa ko dahil sa kilig. Hirap kayang itago yung kilig kapag may nanunuod.

Napasulyap ako ulit kay James na ngayoy umiirap na sa ingit. If I know hindi nya ako magawang asarin ngayon dahil nandyan si Dianne. Nag-aasaran lang kasi kami kapag kami lang dalawa o kasama ang barkada.

"Tyaka ko na sasagutin yung tanong mo kapag kaharap na kita. "  I paused. Ako ba talaga to?narinig ko pang tumatawa sa kilig si Tanch. "Sige na, bye na. Take care always Tanch. I'll call you later."  Tyaka ko na binaba ang phone.

It's Not Easy Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon