Chapter 42

1.1K 53 16
                                    

Chapter 42

Tired but I'm still excited to get home and even somewhat late I still hope Davi is still awake. Makikipag-kwentuhan pa kasi sakin yun.

May meeting kasi ako with my Marketing planner regarding sa expansion ko sa Clinic. We are talking about whether I will continue or not because I still have my thesis. But since ka business plan ko na si Doc Raine at magtitino na sya sa career nya , siguro  naman makakaya na namin to. Sa  2 years business ko dito sa clinic kahit nasa isang Village lang yung pwesto ay masasabi kong may progress naman.


Kaya for now I'm planning to have my pet supply or accessories, some nutritional products that may help other fur parents if incase of emergency near them. Then a new equipment for my  laboratory. HIndi pa kasi masyadong malaki Clinic ko but hoping na step by step ay nag-iimprove ito.

Malaki ang village na to, and feeling ko parang lahat na nakatira ay may Fur Babies hindi ko tuloy maiwasan na di mamangha. 

Masaya akong nakita na tulad nang tao ay inaalagaan din nila nang maayos ang mga alaga nila. Nakakataba nang puso yun bilang isang Vet Doctor.



Kaya di na namin namalayan yung oras kaya late na ako nakauwi ngayon.

Last na txt sakin ni Tanch ay mauna na daw silang kumain.


Nagtataka nga ako bakit ngayon hindi nya ako nahintay na kumain . Kung sa bagay alas nuebe na rin nang gabi at baka gutom na rin ito.


Pagbaba ko nang kotse kahit excited na akong makita ang mahal ko at si Davi  ay napadaan muna ako nang clinic at chineck ko yung area,checklist  at yung report sakin ni James and Doc Raine.



Kinuha ko na lang yung mga reports at nagtungo na lang nang bahay dahil mula sa clinic dinig na dinig ko yung tahol ni chicki at Chocko isama pa si Tyro na akala mo naman may magandang magnanakaw na nakapasok kung makatahol.


"Magandang gabi Manyang." sa may pinto palang binabati na ako nang maldita kong parrot.

"Dok!Dok!Dok!Dok!"

"shhhss... Oo na, Manyang. Di mo naman kailangan sumigaw. " saway ko dito at nilagyan ko ito nang maiinum.

Nakapasok na ako nang bahay na agad naman naka-greeting stretch si Tyro and Chocko maliban kay Chicki na naka belly-rub pose pa sa harap ko. This is how she really greets me.

"Ok Chicki , you'll always be my Lovebug, don't worry. "  nakangiting saad ko sabay upo at lapag ko nang bag sa sofa. Then ni rub ko yung belly ni Chicki, alam kong gusto nya ito.

"Hi Love!Sorry, nag-shower kasi ako." nakangiting bungad sakin ni tanch na lumabas galing kwarto namin. kwarto namin, ang sarap lang isipin.

matamis akong napangiti nang masilayan ko na yung taong gusto kong makita pag-uwi nang bahay.

agad na  lumapit sakin si Tanch at nakayakap na nakakandong pa sakin.

ganito ba talaga feeling na kasama mo yung taong mahal mo sa isang bahay?

Yung parang may naglalarong mga paro-paro sa tyan mo.

Ang hirap e-explain eh.

O natural lang talaga to kasi we both inlove?haistt!sagot please.

At pinogpog na ako nang halik ni tanch.
Hindi  masyadong halata na namimiss nya rin pala ako.

"I've missed you Love." kitang-kita ko sa mga mata nya yung  pagka excite. "Sobra"

It's Not Easy Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon