Chapter 24

1.5K 91 45
                                    

"Yes tama ka. May relasyon kami ni Tanch. I just don't know how it started... b-but one thing im sure" nakatitig lang ako kay joebert and he was quiet and still focused staring outside. "bisexual ako."

Walang kurap akong nakatitig lang kay Joebert dahil gusto kong makita even his single blink dahil sa pag amin ko sa tunay na ako.

Pero wala akong makitang ibang reaction nya maliban sa pagkuyom nang darili nyang nakapatong sa mesa.

Hindi ko alam pero parang gusto ko na lang maiyak.

For a minute na hindi pa rin sya kumibo ay kumilos na ako para umalis na lang.

Dahil parang sasabog na yung dibdib ko na parang sinasabi nyang hindi nya ako matanggap.

Gusto nang kumawala nang mga luha kong nagbabadya nang sasabog anu mang oras.

His silence speak it all.

Hindi ako katanggap-tanggap. At sapat na yung sinabi ko.

Hindi na ako dapat mag explain na kung paano or sino yung may gawa sakin bakit ako ganito.

Bakit ako kabilang nila?

well sorry naman.

Tao pa rin ako.

Kaya bago pa ako mapahiya sa harap nya at maluha nang may awa sa sarili ay...

Kailangan ko nang umalis.

Kinuha ko na yung bag ko at tumayo na habang pigil pa rin yung hininga kong pigilin yung anu mang emosyon na gusto ko nang ilabas.

Pero bago pa ako tuluyang makaalis sa pwesto namin ay napigilan na nya ako sa kamay na syang pagtigil ko rin sa kawalan kasabay nang taong hindi ko inaasahang masaksihan.


Halos ikasabog na nang dibdib ko at gusto ko na lang hilingin na mawala na lang bigla.


Yung luhang kanina ko pa pinipigilan ay hindi ko na mapigilan pa. Kusa na itong bumagsak habang tinitigan ko si Tanch na kasama si Daniel.

yes I know him. I know him well.

Kasabay nang pagpatak nang luha ko ay syang pagkagulat din ni Tanch nang makita nya kong hawak ni Joebert yung kamay ko.

Pero hindi importante yun.




Dahil walang makakatumbas nang sakit nang naramdaman ko ngayon.

Na yung sakit ay para nang apoy na unti-unti akong pinapatay.

Tanch?Bakit?Anung kasalanan ko?

kasabay nang apoy para akong binuhusan agad nang maligamgam na tubig nang napansin ko si Davi.

Nakangiting Davi boy ko.

They look a perfect family for me.

Paano ko yun pinagkait sa bata yung pamilyang gusto nya?

Napahigpit yung kapit ko sa kamay ni Joebert dahilan para mapansin nya yung panlalamig ko.


Buti na lang hawak pa rin ni nya yung kamay ko kasi pag nagkataon baka mabubuwal na ako sa sobrang sakit at kahihiyan.

Naramdaman ko na lang yung biglang pagyakap sakin ni Joebert.

"Ok lang yan. Nandito lang ako, Sarah" pag-alalang bulong sakin ni Joebert na lalong pagdaloy nang luha ko. "Hold back your tears, papalapit na sila"

Bakit nya alam na umiiyak ako?

Nakita din nya kaya si Tanch? Na may kasama?



Napataas ang tingin ko para pigilin yung patak-patak na mga luha ko.



It's Not Easy Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon