Chapter 55

1.7K 60 70
                                    

Chapter 55

Tanch POV

Napakapit agad ako sa doorknob pagka-alis ni Sarah sa kwarto.  Parang nang-gagalaiti ako sa sakit at galit.

Sunod-sunod ang mga luha ko hanggang hindi ko na kaya at napaupo na ako sa sahig habang mahinang humihikbi. Ayaw kong makagawa ng ingay dahil tulog pa si Baby pero wala na bang ibang paraan para mailabas ko tong sakit?

Kasi all my life nasasanay akong tinatago ko yung mga luha at paghikbi ko. Pero parang ngayon ang hindi ko na kaya. Gusto ko ng sumigaw sa sakit habang paulit-ulit sa isipan ko ang sinabi sakin ni Sarah. 'Nandito ka sa bahay dahil may anak tayo Tanch, yun lang ang usapan natin'.


sobrang baba na ng tingin ko sa sarili ko. Parang tumutusok sa puso ko ang bawat letrang yun.




Halos hindi na ako makapaniwala  na nangyayari sa'min to lahat ni Sarah. Hindi ako makapaniwalang  wala na talaga.

Bakit kasi umaasa pa ako sa mga pangako nya dati? Bakit ako umaasa matapos nya akong iwan ay ako pa rin ang gusto nya? Bakit nya ako nakayang saktan ng ganito?Wala akong ibang ginawa kundi mahalin lang sya!



Tanggap naman ng puso ko matapos mo kong saktan at iwan. How could you hurt  me this way, sarah? YUng parang nakalimutan mo lahat ng mga masasayang araw natin.




Napakuyom na lang ang mga daliri ko habang humahagolhol ako ng iyak. Sinisikap kong wag gumawa ng ingay pero pisteng yawaaaa!  "Ayokooo naaa!Ayoko naaaa!."



"Tanch!Open the door please.!"


Dinig kong kumakatok si Sam sa labas pero dahil sa galit ko at gusto ko pang umiyak ng todo ay hindi ko ito pinagbuksan. Ang sakit ng puso ko na parang gusto ng sumabog nito ay hindi kayang maibsan nang kahit sino man. Bakit ka pa kasi bumalik, Sarah!Ayoko ng makita ka! Ayoko na. Tama na.


At dahil sa mahinang sigaw ko ay nagising ko yung anak ko. Dali-dali ko itong nilapitan sa kama at masuyo ko itong kinarga at niyakap. Dito ko nalang binuhos ulit ang mga luha ko habang yakap ko yung anak namin ni Sarah. Parang literal na mabigat ang puso ko. Na kapag hindi ako iiyak ay sasabog ito sa sakit.





Sumasabay din sa humming ko na walang ingay ang mga luha ko habang hinahagod ko sa likod ang anak ko. Walang humpay sa pagbagsak ng mga luha ko, Sige lang iiyak mo lang lahat Tanch, ilabas mo lang ang lahat. Balang araw, mapapagod ka rin na mahalin sya.



"Pasynsya ka na Anak kung hindi ko na magawang ipaglaban ulit si Mama S-sarah mo huh? Pinilit ni Mey-mey na ipaglaban s-sya a-anak. P-pinilit ko. Pero hindi ko na k-kaya."  patuloy pa rin ako sa paghikbi habang kinakausap ko yung anak ko na feeling ko nakikinig rin sa mahinang pag-iyak ko. Nasasaktan ako para sa anak ko.



nararamdaman ko pa rin ang pa-unti-unti kong mga luha ng nakapasok na si Sam sa kwarto gamit ang spare keys.



Agad akong umiwas ng tingin kay Sam at patuloy pa rin na sinasayaw ang anak ko. Ito kasi ang pampatulog talaga ng anak ko. Kaya hindi na ako nagtaka ng nakatulog ito sa bisig kanina ni Sarah.

Piste!Sarah na naman!Nakakainis!

Marahas akong nagpunas sa mga luha ko. As usual ayokong nakikita ng iba na umiiyak ako.

"Anung nangyari?"  nag-aalalang tanong agad sakin ni Sam.

Gusto ko munang umalis ito sa harapan ko at dahil gusto ko pang umiyak ng todo. Pero walang mangyayari kung iiyak lang ako at hindi na lalaban. May dalawa akong anak na umaasa sakin. So, I have to make a decision for myself.



It's Not Easy Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon