-Chapter 14-LOVE

1.9K 110 34
                                    

Nagtaka ako na hindi din locked yung gate nang bahay ko. Kaya nagsimula na akong kabahan. Mabilis akong pumasok at laking gulat ko na lang nang may matanaw akong nakaupo sa may garden.

"Tanch?" Gulat pang sambit ko. Pero hindi mn lang sya napatingin sakin kahit naka sideview sya sa paningin ko.

Naalala ko, may mga duplicate pala sya dito sa bahay , ako din sa bahay nya. Yes, ganito na namin pinagkatiwalaan ang isat-isa. Pero hindi ko alam kong anu ba talaga ang meron kami.

Nilapitan ko sya na nanatili pa ring nakaupo at naka cross arm na nakatanaw sa malayo. Alam kong narinig nya mula dito yung usapan namin ni Joebert sa labas. Pero who cares diba?naiinis pa rin ako sa kanya.

"Kailan ka pa dumating?Bakit di ka man lang nagtxt nang masundo kita?"  Sunod-sunod na tanong ko kahit hindi ko pa rin maiwasang mainis ay nag-aalala pa rin ako sa kanya.

"So,kayo na?"  Tanong nya na wala man lang ka buhay-buhay at hindi man lang ako makuhang tingnan. Hindi ko tuloy makita yung expresyon nang mukha nya.

"Anu naman ngayon kong kami?"  Wala sa loob kong tanong din sa kanya . Honestly hindi ko naman talaga kayang magsungit sa kanya.

Napasulyap sya sa sinabi ko. At dito ko naaninag yung mukha ni Tanch na halos hindi na maipinta sa galit. Hindi sya nagsalita pero ramdam ko pinipigilan nya yung emosyon nya. First time ko syang makitang ganito kaya nagsimula na akong kabahan.

Sa sobrang pigil nya sa galit nya padabog syang umalis sa harapan ko at pumasok sa loob.

Seriously?sya pa itong galit? Ako nga itong halos dalawang araw naghintay sa txt nya?

Pumasok na din ako nang bahay tyaka ko nilagay ang bag ko sa sofa at sinundan ko agad sya sa kitchen. Hindi pwedeng hindi kami mag-uusap ngayon. Nadatnan ko syang nakatalikod at umiinom nang tubig.

Sobrang miss ko na ang babaeng to, grabe! Hindi nya ba alam na sobrang nag-alala ako sa kanya nung wala man lang akong matanggap na mga msgs galing sa kanya? Tapos makita-kita ko nalang sya na kasama pala yung ex nya. Wow. Kong sa bagay sino ba na man ako?Walang kami. Period.

Napabuntong hininga ko yung inis ko. Wala ni isa samin ang nagsalita at nanatili pa rin syang nakatalikod sa kin. Usual na hindi ako sanay kay Tanch. Kasi sanay ako sa pagiging taklisa nya pero ngayon ni halos ayaw nya kong tingnan.

Kumilos na sya pero hindi para lapitan ako kundi para lampasan lang ako. Kaya bago sya makalampas nahawakan ko na ang braso nya buti nalang hindi sya pumalag.

"Can we talk,please?"  Pagsusumamo ko sa kanya. Parang pinagsisihan ko tuloy kung bakit ko sinamahan si Joebert nang maaninag ko na ang buong mukha nya. Nawala na yung galit sa mga mata nya pero ang sakit lang nang di nya ako makuhang kibuin o tingnan man lamang. "Bakit di ka nagtx nang masundo kita?" Mahinang tanong ko.

"Para anu?para maisturbo ko kayo?"  Sabi nya tyaka nya inalis yung kamay ko na nasa braso nya.

Nasaktan ako pero deserved ko ba to? Bakit ba ako ma gi-guilty wala naman kaming ginagawa ni Joebert. Tyaka bakit ako magiguilty walang tayo,Tanch.

"Ano bang problema mo sa kanya? Kaibigan ko lang yung tao"  paliwanag ko sa kanya pero sya hindi pa rin ako makuhang tingnan.

"Kaibigan?Diba sabi mo manliligaw mo sya?May pa flowers pa sayo. Ang lagkit kong makatingin sayo, may Iloveyou pa tapos Kaibigan lang sarah? " She chuckled. Halata na sa boses nya yung pagkairita nya nang banggitin nya na yung pangalan ko.

Gusto ko sanang edugtong yung 'we kissed and why still were friends?'

"Eh anu naman ngayon kong manliligaw ko yun,Tanch?"  Tanong ko dahil hanggang ngayon di ako naniniwalang nagseselos sya kay Joebert. Hanggat hindi malinaw sakin lahat.

It's Not Easy Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon