Chapter 37

1.6K 68 35
                                    

Chapter 37

Dumaan ang mga ilang araw at linggo ay lage nga akong dumadalaw dito sa tinutuluyang apartment nila Tanch.

Kapag gabi na ako makakauwi sa mga pupuntahan ko ay lage akong dumerecho sa apartment at dito na rin magdi-dinner. Kahit pagod pero mahal ko yung ginagawa ko, mahal ko yung pupuntahan ko at gusto kong makita araw-araw ang mahal ko.


Alam ko rin na man na ganon sin si Tanch minsan nga sinusungitan na ko pag kailangan kong umuwi na sa bahay. Kasi diba may trabaho din akong naghihintay dun.


Hindi ko rin naman makuhang pilitin ulit si Tanch na tumira na sa bahay ko. Kasi ayokong himasukan yung mga desisyon nya at dahil mahal ko sya ay kaya kong maghintay.

Ang tunay na Pag-ibig ay kayang maghintay... Kahit gaano pa katagal yan. Ang gusto ko lang naman eh may maayos silang matitirhan.


Lage ko na lang sinasabi kay Tanch na nandito ako pag-kailangan nya ako.



Isang hapon nga yan gusto ko sanang umuwi at matulog sa bahay sa sobrang sakit nang ulo ko.

Galing ako nang City veterinary office dahil isa ako sa mga head doctors na magcoconduct nang free Medical service . At dahil sa pagod ko dumerecho pa rin ako sa apartment dahil alam kong walang flight ngayon si Tanch.

Nasa school si Davi at nasa palengke na man daw si ate May. Kaya dalawa lang kami dito ni Tanch sa apartment. Ay mali... nandito pala si tyro na nakipagkulitan pa sa kin habang nasa sofa kami.


"Babe, nakikinig ka ba?" iritang nakaharap na sakin


"Yes babe" nakangiti kong sagot sa kanya habang karga ko si Tyro.


"Anung sabi ko?" Tumataas na yung kilay nya.


"A---Ah...K-Kung kumain na ba ako?" parang hindi pa ako sigurado dito.


"good, nakikinig ka nga" iritang sagot pa rin ni Tanch . Pero lumapit pa rin sya sakin at tumabing umupo. "Kung nahihirapan kanang dumalaw dito , pwede mo naman sabihin." mahinang dugtong nya pero halatang nalulungkot na Tanchelie.


napangiti lang ako at pinakawalan ko muna si tyro sa mga bisig ko.

"Alin ba dun ang nakakapagod Tanchelie?" casual lang na tanong ko at hindi ko na pinansin yung pag eemote nya at humiga na ako sa sofa dahil nakaramdam na naman ako nang sakit sa ulo, uminom naman na ako nang gamot ah.



Nasa paanan ko lang sya at alam kong isang lambing ko lang dito ay hindi na ito maiinis sa kin pero talagang nakaramdam ako nang panghihina dahil sa sakit nang ulo ko kaya napapikit ako sa sakit.


"Yang ganyan mo. Nag-uusap tayo pero tutulugan mo lang ako." ramdam ko yung pagtaas nang boses ni tanch at kahit hindi ko matingnan yung mukha nya ngayon ay alam kong nakataas pa rin yung kilay nya. " Garcia tapatin mo nga ako, may iba ka na ba?"




Napangiti ako sa isip ko dahil hindi ko talaga kayang ibuka pa yung mga mata ko dahil sa sakit.Anu bang nangyayari sa kin?




"H-hindi pa nga kita napasagot may iba na ako?D-darating din tayo dyan babe. " pinilit ko pa rin magsalita at magbiro kay Tanch kahit naiimpit na ako sa sakit.


"Ah!so may plano ka Garcia!" hinampas nya ako sa may balikat ko nang very light lang. "Tingnan mo nga ako bakit hindi mo ko kayang tingnan! ulitin mo yung sinabi mo!"


Hindi ko alam kung bakit naiirita ako sa boses ni Tanch na halos pasigaw na sakin.

Siguro dahil masakit lang yung ulo ko kaya ang ginawa ko hinila ko na lang sa braso si Tanch at niyakap ko nang mahigpit nang maramdaman ko na yung ulo ni Tanch na nasa may dibdib ko.


It's Not Easy Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon