-Chapter 19-Jelous

2.3K 86 36
                                    

"Ahm, anu kasi B-babe sa Clinic ako n-natulog-"  nauutal kong paliwanag. Ang totoo gusto kong makahanap nang  good sentence nang hindi sya nagagalit.

"Doc. Ako na po magluluto nang Breakfast. Para makabawi po ako sa inyo" narinig kong boses ni Dianne na nasa likuran ko.

Napapikit ako sa kaba nang nilingon ni Tanch kong sino yung nasa likuran ko.

I bite my lips nang tiningnan ulit ako ni Tanch. Nakataas na yung kilay nya pero hindi nya ako tinanong . Tinititigan nya lang ako na parang hinihintay yung paliwanag ko.

Pero ako yung halos hindi na makahinga. Hindi ako makapagsalita sa sobrang kaba.

Gusto ko lang sabihing wala kaming ginagawang masama, Babe.

Speak up Sarah!

"Ahm"  wala na, kinakabahan na talaga ako.  "Nilagnat kasi si Catty, dito na natulog si Dianne kaya sinamahan ko na"  paliwanag ko na hindi ko hiniwalay yung mata ko kay Tanch. I just want to proved her that Im telling the truth.

Tumatango-tango sya na parang ayaw pa atang maniwala.

"It's ok. Sa bahay na kayo mag-breakfast nagluto na ako"  sabi nya habang nakangiti na kay Dianne kaya nawala na yung kaba ko. "Hinahanap ka na ni Davi" Baling sakin ni Tanch na sobrang cold na boses. At tyka na sya umalis hindi man lang pumasok sa bahay.

Naibuga ko agad yung kaba ko. Ito na nga sinasabi ko. Ayoko pa namang nagagalit yun.

"Doc, galit po ba si Miss Tanch?" Tanong sakin ni Dianne na ngayoy nakalapit na pala sakin.

"No. Ganun talaga yun. Nagsusungit kapag Miss ako." Pagsisinungaling ko pero yung totoo, nag-iisip na ako kong paano ko yun lalambingin.

"Si Doc talaga. Always naman kayo nami-miss nun eh."

Napangiti ako sa sinabi ni Dianne. Ok yan dianne, yung minomotivate mo ko para mawala tong kaba ko.

Before ako na ligo nilagay ko muna sa washing yung uniform ni Dianne tyaka d-dryer. Kawawa naman kasi hindi talaga umuwi para kay catty.

Alam na siguro ni Dianne na Bisexual ako , chismoso kasi si James kaya hindi na ako magtataka pa.

Nasa bahay na kami ni Tanch kasama si Dianne. Nang makita ako ni Davi agad itong tumakbo sakin at tyaka yumakap sa kin. 

"wow! Ang sarap naman nang Gluehug ni Baby pogi ko" sabi ko na napatawa si Davi sa ginamit kong term.

"How about" nag isip pa sya anu yung idudugtong nya. "How about MightyBond kiss tita Doc?"

Natawa ako. Ang talinong bata kaya hinalikan ko agad ito sa pisngi na animoy hindi na nga matanggal yung halik ko. Kaya tawang tawa sya alam ko kasing nakikiliti ito.

"Tama na yan,let's eat nakakahiya kay  Dianne." tawag sa min ni Tanch na nasa kitchen kasama si Dianne and ate May.

Huminto ako kasi naalala ko si Dianne. Pumunta na kami ni Davi sa Dinning na nagkukulitan pa rin. Ang sarap lang kulitin.

Pinakilala ko kay Davi at ate May si  Dianne kaya agad naman nag hello si Davi.

"Pasynsya na po kayo ate May huh. Nakikikain na naman po ako" sabi ko na may pakamot pa nang kilay ko. Kunwari nahihiya ang totoo wala na akong hiya.

Natawa si ate May sakin pero si Tanch hindi ko na talaga nakitang ngumiti.

"Kahit dito ka pa tumira Doc. Walang problema po" Sagot na man sakin ni ate May. Kaya napatingin ako bigla kay Tanch.I like the Idea.

Pero ngumiti lang talaga sya nang pilit. Ayoko pa namang nagsusungit yan. Haist!

Tinabihan ko si Dianne baka kasi mahiya. Sobrang mahiyain pa naman nang babaeng to, yung sasagutin ka lang kapag may tinatanong ka the rest wala na.

It's Not Easy Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon