Chapter 57

876 33 29
                                    


"saan?"  antok pa na tanong ko sa anak ko.

"Sa bayan, isasama daw sya ni Dianna." si Sarah na ang sumagot. Oo, nakatulog pala talaga ako. tapos na silang manood ng netflix at ako lang ata ang nakatulog sa aming apat.

"Si Lee?"  I asked. Habang pinipilit kong iinat ang katawan ko, inaantok pa ako.

"Kinuha ni Lomy. Nasa garden sila Love."  sagot ulit sakin ni Sarah habang nakatuon ang atensyon sa phone nito.

"Sige na Tanch, PLease. Babalik kami agad ni Davi."  si Dianna, kanina pa pala ito sa kwarto at hinihintay ang sagot ko.


"hm.. Okay balik agad."  alam kong di nito pababayaan si Davi.


"Yay!Thanks Tanch. Alam kong papayag ka rin kasi gusto mong masolo si ----"




"Hmp!Dianna..."  saway agad ni Sarah dito wala na naman kasing preno ang bibig nito, naririnig pa na man ni Davi.  Well, kanina ko nga pa talaga gustong masolo si Sara, nakatulog na nga lang ako eh.  "Wag mong ihiwalay si Davi. lagot ka sakin. Use my car." sabay abot ni Sarah dito ng susi."



nakita ko pa ang pagkagulat ni Dianna sa susi na hawak nito. "Yung raptor gagamitin ko?"  hindi ko alam kung nagugulat ba ito o natutuwa.



Kasi siguro kung ako matutuwa ako. Isang beses ko palang nakitang nagdrive si Sarah ng Raptor  F150  nya nung hinatid namin sila Raine at kristel sa bahay nila Gab malapit lang dito. Naalala ko pa kung gaano ako kamangha kay Sarah  nun habang nagdadrive. Ang hot at napa-angas nya tingnan.



"Walang gagamit nyan. kaya gamitin mo." medyo malungkot pa na dugtong ni Sarah.


Agad din akong napayuko sa lungkot nang maalala ko na naman kung bakit hindi na ito  pwedeng magdadrive. Pansin ko din yung pagkalungkot ni Dianna pero agad din nya itong binawi at lumapit kay Sarah para halikan ito sa pisngi.



"Thank you, hOneybunch! promise, aalagaan ko si baby raptor mo." buong ngiti pa ito habang inis akong naka pulupot ang mga kamay ko sa dibdib habang nakatingin sa kanila.



"Ahm. Y- yeah. Y-you s-should. pati na si Davi."  napakalmot naman ng kilay ni Sarah halatang ramdam nya yung matalas na pagtiitig ko sa kanila.



"Ah I mean.." Napansin agad ako ni Dianna na tumataas na naman yung mga kilay ko. "Im sorry---na carried away lang. Let's go Davi." lumapit din to sakin at humalik sa pisngi na kinagulat ko din. "Ako bahala kay Davi, mga anong oras ba kami babalik? I mean ilang oras ang kaya nyo ni Honeybunch?" nanunuksong  bulong pa nito sakin.



At dahil greenminded din ako ay agad kong na gets ang sinabi nya at hinampas ko ito nang hawak kong unan.



"Bruha!" nahihiyang sambit ko pero alam kong namumula ako.


"1 hour?"  tuksong tanong nya ulit.


"Make it 5." dugtong ko na syang pagtili namin pareho.

"Ay!grabe ka girl, Gigil?"

parehas kaming napahalakhak ni Dianna ng tingnan kami ni Sarah. Alam kong hindi nito narinig ang bulongan namin dahil busy itong kausap si Davi. Therefore, I conclude kung bakit dating confused si Sarah  kay Dianna dahil natural pala itong sweet, Alaskadora at pilya. Now I know.




Binigyan pa ng Cap ni Sarah si Davi  bago ito umalis. Haist miss na miss ko yung ganitong pag-aalaga samin ni Sarah. Hindi ko aakalain na nandidito kami ulit ngayon na mamahalin pa rin namin ang isat-isa.  Na akala kong dati ay wala na at hindi na maibabalik pa.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 22, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It's Not Easy Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon