Chapter 38

1.7K 85 34
                                    

I've been tired for past few days because of our medical mission but apparently still have time for my love life.

Yun nga lang pagod tapos makakatulog na lang ako sa Sofa nang apartment nila ni Tanch. In short hindi na kami makapag-usap nang matagal kasi gigisingin na lang nya ako para umuwi. Kasi I'm not able to sleepover sa kanila hindi kami magkasya sa bed nila Tanch.

Pagod pero kaya naman.

Last Day of medical mission and usual na hinahatid ko pa si Dianne sa bahay nila . Sya kasi ang kasama kong mag-assist sakin at naiwan sa clinic si James.Pass 9 na kasi nagdinner na lang kami sa labas with my senior Doc.

At dahil sa pagod derechu bahay nalang ako at nag message na lang ako kay Tanch na hindi ako makakapunta sa apartment sa gabing yun dahil sa sobrang drain na talaga nang katawan ko. Gusto ko na nang derechung pahinga.

Nag ok naman si Tanch without bothering asking me why. Kaya sa gabing yun maganda yung tulog ko kahit mag-isa pa rin sa bahay.

I woke up early dahil wala naman akong gagawin this morning hanggang wala pa si James ay sa apartment na lang ako mag be-breakfast at ihahatid ko na lang si Davi sa school. Na miss ko sila eh.

Pagdating ko kitang-kita ko na agad yung magandang ngiti nang Baby pogi ko habang kumakain na at nakasuot na nang uniform nya.

Gotcha!Goodtiming ako, kainan na.

Agad naman akong nagkiss nang pa smack kay tanch sa pisngi na katabi lang ni Davi, wala sa mood ata kasi di man lang nag kiss back sakin or ni hindi man lang ako pinansin.

"Good morning ate may!" bati ko kay ate may with my sweetiest smile , Good mood kasi ako today.

"Dok, ang ganda mo ngayon. Ang fresh! parang fresh lumpia lang yung aura" nakangiti pang sabi sakin ni ate may.

Napansin kong tumayo si tanch at kinuhaan ako nang plato at nilagay sa harap ko. Talagang wala syang planong pansinin ako.

"really ate May? tingin mo po? Magkakalovelife na ba ako nito?" tanong sabay kong tawa. At napakindat na lang sakin si ate sabay tingin kami kay Tanch na nakasimangot pa rin.

Kaya napasideview tuloy ako para hindi masyadong makita ni tanch na matatawa na ako.

Magagalit kasi ito pag alam nyang pinagtatawanan sya kapag badmood ito. Baka may dragon na naman ngayon kaya masungit.

Si Tanch na rin ang naglagay nang fried rice and 2 piece of sausage sa plate ko na hindi pa rin umiimik. Ganyan yan, ang sweet pa rin kahit hindi ako pinapansin.

Nag-usap nalang kami ni Davi na ako na maghahatid sa kanya, sobrang saya naman nang bata pero ang Nanay?magkasalubong pa rin yung mga kilay.

Hindi ko na man alam kung anu na naman yung nagawa kong kasalanan dito. Ang sarap pa naman nang gising ko.

Nahatid ko nga si Davi sa school kasama si Tanch na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako iniimik.

Pauwi na kami nang apartment at nag mistulang Library pa rin yung kotse ko sa sobrang tahimik nya.

Im asking her small stuff pero oo at hindi lang yung mga sagot nya.

Sarah Joy anu na naman nagawa mo? pagtatanong ko pa sa sarili. Manghuhula na naman ba ako?

Until may tumawag sa phone ko... si Dianne. At dahil nagdadrive ako ay hindi ko ito sinagot at hinayaan ko lang ito na mag-ring . Dahil hindi talaga ako tumatanggap nang Calls habang nagdadrive dahil may trauma pa rin ako.

Kung sasagutin ko man ay kailangan ko huminto sa pagdrive pero ngayon wala ako sa mood na sagutin ito.

Napansin kong naiirita na si Tanch dahil sa tunog nang Phone ko kaya napangiti na lang ako sa isip ko. Siguro na naman dito nya na ako papansinin.

It's Not Easy Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon