Chapter XXVII: Upside Down

33 3 0
                                    

Ganito pala kahirap maghintay. Yung tipong bawat sedundong lumilipas parang nararamdaman mo ang pagbagal at pagtagal ng panahon. Being paranoid is one. I'm overthinking, at lalong nakakapanghina ang pag-iisip. Di lang physically at emotionally ako drained, pati mentally. Feeling ko konti na lang mababaliw nako.

Ang hirap maghintay na gumising at maging maayos si Ms Eli, ang hirap na tinititigan ko lang sya sa lahat sa oras. Parang nawawasak ang puso ko. Ayokong makita but I can't look away.

"We need money," Yvan whispered. "Daang libo, Maria, para sa surgery." I looked at him. Guilt possessed me immediately. Mukhang pagod na pagod na sya, halos walang tulog at laging nalilipasan ng gutom. Nung isang araw nga, tumaas ang blood pressure nya dahil sa away nila ni Ms Ellen. Pinakakalat ni Ms Ellen na anak daw ako ng.. ng.. evil. Pinanganak daw ako sa impyerno. Malamang, lahat ng tao samin ay naniniwala sa kanya.

Syempre, hindi alam ni Yvan na alam ko ang tungkol dun. Silang dalawa lang ang naguusap nun, sa may likod ng hospital. Rinig na rinig ko ang lahat ng sinabi ni Ms Ellen tungkol samin ni Ms Eli. Pinagbantaan nya pa si Yvan na uuwi ang daddy nya para ilayo sya sakin. Gusto kong burahin ang mga narinig ko, pero maya't maya bumaalik ang mga salita ni Ms Ellen. I can't control them.

"Humingin kaya tayo ng tulong sa mga kapitbahay natin. Sa mga kaibigan mo." Sabi ni Yvan.

"Do you think tutulong sila?" I asked. He held my shoulders.

"Oo naman! Maria, puro kabutihan lang ang pinakita nyo ni Ms Eli sa kanilang lahat. Wala kayong ginagawang masama. Tutulungan nila tayo, maniwala ka sakin." He smiled. Nadagdag ako ng konting lakas dahil sa mga sinabi ni Yvan.

"Sige. Subukan natin."

*****

Sinundo ni Yvan sila Juvy, Elaiza at Dennis. Tinext namin sila ni Yvan at handa naman silang tumulong. Nang may kumatok sa pinto, agad ko silang pinagbuksan. Sinalubong ako ni Elaiza at Juvy ng mahigpit na yakap.

"Sorry, Maria kung ngayon lang kami nakadalaw." Sabi ni Dennis.

"Ayos lang." Sabi ko ng nakangiti.

"Kamusta si Ms Eli? Kamusta ka?" Tanong ni Juvy.

"Ayos naman ako. Pero si Ms Eli, kailangan nyang maoperahan." Bumagsak ang mga luha ko.

"Wag kang mag-alala, Maria. Tutulong kami." They said.

*****

"Gustuhin mang pumunta ni Anne, hindi sya pwede dahil simula nung.." Napatingin sakin si Juvy, "Nung aksidente mo, pinagbawalan na kami ng mga magulang namin na lumapit sa inyo dahil sa nakwento ng mommy ni Yvan."

"Nakatakas lang kaming tatlo dahil may mga pasok kami, pero mukhang malabong makabalik pa kami." Sabi ni Dennis.

"Thank you talaga sa mga tulong nyo. Naiintindihan ko naman na gusto lang kayong protektahan ng mga magulang nyo. Wag kayong mag-alala, tatanawin ko 'tong utang na loob. Babayaran ko kayo pagka nagkapera na ako."

"Wag na, Maria. Tulong na namin 'yan. Diba ang mga magkakaibigan, nagtutulungan?" Juvy said.

I cried and hugged them.

*****

Kumuha ako ng knife at tsaka maliit na box. Humingi naman si Yvan ng alcohol sa nurse's station. Nagpausapan na namin. We don't have a choice anymore. And this is the best way to have money. Pagpasok ni Yvan, nilock nya ang door at inabot sakin ang alcohol. Bunuhusan ko ang knife at pinunasan ng bulak. I placed the tip of the knife on my palm, I looked at Yvan. Nakatingin sya sa malayo.

1.. 2.. 3..

I made a small cut on my palm, drops of diamonds came out. It's not enough, I need a lot more diamonds. Hiniwa ko pa ng mas malalim, napasigaw ako sa sakit.

The Diamond BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon