[A/N] I dedicate this story to my beautiful best bud, Janine, who introduced Wattpad to me. Kung wala sya, I won’t even know that Wattpad exist. Edi sana wala kayong nababasa na pawang kalokohan na pinagsususulat ko. HAHAHA! Sya ang sisihin nyoooo. Hehehe. Deh. Love na love ko yan! End. So, ano pang hinihintay ko? Simulan na natin ‘to!
First of all, hindi po ito horror. Ganun lang talaga ang pinaka- fit na title dito. Haha.
PROLOGUE
Isang madilim at maulang gabi, mabilis na naglalakad si Mary kasama ang governess nyang si Ms. Eli. Ang sosyal, may governess. Back to the story. Si Mary ay 7 months ng buntis sa una nyang anak na huli din dahil namatay ang asawa nya ilang buwan lang matapos nyang malaman na sya ay nagdadalang tao.
“Kaya mo yan, Mary. Malapit na tayo.” Sabi ni Ms. Eli. They turned left into a dark alley. Lalong lumakas ang buhos ng ulan. “Konting tiis na lang, Mary. Kailangan nating makalayo agad.” Pagpapalakas ng loob ng matanda sa nanghihinang buntis.
Si Ms. Eli, or Elioda, ay governess na ni Mary simula bata pa lang ito. Hanggang sa namatay ang mga magulang ni Mary dahil sa isang car aciddent, sya na ang tumayong pangalawang magulang ni Mary. Nakilala ni Mary ang asawa nyang si Lt/ SSgt. Brenan Agustin na isang sundalo. Like I said earlier, namatay ang asawa ni Mary sa isang sagupaan ilang buwan pa lang ang nakakalipas. Hindi nila napagkasya ang maliit na military pension at konting ipon sa pang- araw araw nilang buhay. Dahil sa di natin alam, marangya ang buhay nila Mary bago pa namatay ang asawa nya. Lalo na’t nagdadalang tao si Mary ay lumaki lalo ang kanilang gastos. Hindi naman makapagtrabaho si Ms. Eli dahil walang magbabantay kay Mary.
Ngayon, tinatakbuhan nila ang may- ari ng bahay na kanilang tinutuluyan dahil sa dalawang buwan na silang hindi nakakapagbayad ng renta at puro pa sila utang. Hindi nila gustong takbuhan ang mga pinagkakautangan nila, pero wala silang choice. Ginigipit sila ng pagkakataon.
“Ms. Eli, hindi ko na po kayang magpatuloy pa. Iwan nyo na po ako dito.” Sabi ni Mary at napaupo sa basang sementadong kalsado sa sobang pagod.
“Mary, wag kang sumuko. Nandito na tayo. Tingnan mo.” sabay turo ni Ms. Eli sa isang kumbento na konting lakad na lang ay nandun na sila. “Hindi nila tayo hahanapin dyan. Halika na anak, konting konti na lang.” Sabi ni Ms. Eli at inalalayan si Mary makatayo.
Umupo muna si Mary sa hagdanan habang kumakatok si Ms. Eli sa malaking pintuan ng kumbento. Bumukas ang pinto at nagpakita ang dalawang madre. “Mahabaging Ama.” Nabulalas ng dalawang madre ng makita ang buntis na si Mary na basang basa at hindi na makatayo.
Pinatuloy agad ng mga madre sila Ms. Eli at a Mary, inasikaso, pinakain, binigyan ng damit at pinagpahinga si Mary sa isang kwarto dahil maselan ang kanyang pagbubuntis. She easily fell asleep because of the long run.
Mary woke up in the middle of the night. Humahapdi ang tyan nya. Napasigaw sya ng makitang madaming dugo sa kama nya. Halos naging kulay pula ang bedsheet ng kama sa dami ng dugong lumalabas mula sa kanya. “Ms. Eli!!” Sigaw nya. Pero hindi agad dumating si Ms. Eli kaya nilakasan nya ng nilakasan ang pagsigaw. Tumulo ang luha nya sa sobrang sakit.
Biglang parang may nagflash na ilaw na panandaliaang nambulag sa mga mata ni Mary. When she opened her eyes, she blinked many times to adjust her eyes. Nang maayos na ang kanyang paningin, naging black and white ang kapaligiran. Nagtaka sya at lalong natakot kaya sumigaw pa sya ng mas malakas. She stopped shouting when she saw a floating creature came out of the dark. Isang babaeng may mahabang buhok at nakatakip ang mukha ang lumapit sa kanya. Tanging ang maputlang labi lang ang kanyang nakikita mula sa mukha ng babae dahil nakatakip ng hood ang mukha nito.
Mas natakot si Mary at hindi nakapagsalita. Lalong sumakit ang kanyang tyan. Ang anak nya. Mamatay ang anak nya pag hindi nya naagpan.
"Tutulungan kitang isalba ang buhay ng anak mo..” said the Lady in Black in a husky voice, unti unting nawala ang sakit sa tyan ni Mary at nararamdaman nya ulit ang tibok ng maliit na puso ng kanyang anak.
“Maraming salamat.” Masayang sabi ni Mary.
“Wag kang magpasalamat.. humihingi ako ng kabayaran..” Sabi ng babae at biglang nawala. Ngunit hindi parin bumabalik ang kulay sa paligid. Muli namang natakot si Mary dahil umihip ang malakas na hangin. “Pagdating na kanyang ika- labing apat na taon, mabubuhay ang kabayarang aking hinihingi..” tinakpan ni Mary ang kanyang tenga pero naririnig parin nya ang boses ng babae, “.. ang sumpang sa aki’y nagpahirap ay mapapasakanya..” Tuloy ng babae.
“Demonyo! Inilipat ang sumpa mo sa anak ka! Bawiin mo na!” Sigaw ni Mary, “Bawiin mo ang sumpa!” sigaw ni Mary, “BAWIIN MO!” Pero unti- unti ng bumalik ang kulay sa kapaligiran at tumigil nadin ang malakas na hangin. Biglang bumukas ang pinto at nagmamadaling pumasok si Ms. Eli at ang mga madre.
Sinugod si Mary sa hospital, nalaman nilang maayos naman ang kalagayan ng bata. At lumipas ang dalawang buwan, naipanganak ni Mary ang isang malusog na batang babae. Pinangalanan nila syang, Maria Christina. Lumapas pa ang mahabang panahon, binigyan ng mga madre sila Ms. Eli, Mary at ang kanyang 3 taong gulang na anak na si Maria ng pera para makapagsimula ng buhay sa labas ng kumbento. Dinala ni Ms. Eli si Mary at Maria sa dating tirahan ng kanyang mga magulang. Isang malayo at tahimik na lugar para makapagsimula ng panibagong buhay.
10 years later..
Nakapagsettle- down na ang tatlo sa kanilang panibagong buhay. Maria is now thirteen years old. Isang taon na lang at.. alam nyo na. Lumaki syang malayo sa mga tao pero malapit sa kanyang ina at kay Ms. Eli. Pero nagtataka parin si Ms. Eli dahil sa itsura ni Maria, malayo kasi sa itsura ni Mary at ng kanyang ama. Mamula mula ang kanyang mga mabibilog na mata na parang may suot na contact lenses, maliit ang kanyang ilong at labi, kasing puti ng papel ang kanyang kulay na parang hindi nadadaluyan ng dugo. Pero hindi na nangahas pa si Ms. Eli na kwestyunin si Mary.
Naputol ang kaligayahan nila ng dapuan ng sakit si Mary, Ovarian Cancer, at mabilis itong kumalat sa iba pang parte ng katawan ni Mary. Nanatili sa hospital si Mary, isang araw kinausap ni Mary si Ms. Eli tungkol sa nangyari noon nung muntik na syang makunan. Lahat ng tungkol sa nangyari, the Lady in Black and the curse she gave to Maria that will be discovered on her 14th birthday. And to her last breath, her suffering ended and she died.
“Poprotektahan ko ang anak mo, Mary.” Sabi ni Ms. Eli sa puntod ni Maria. “Wag kang magalala, sisiguraduhin kong magiging maayos ang anak mo, hanggang sa huling hininga ko..”
[A/N] I know this is too much for a prologue. Haha. Nag enjoy lang ako sa malalim na tagalog. Enjoy. You will meet Maria up next. :D