Chapter VII: And It Was Introduced To Us

98 3 0
                                    

Ms. Eli and I are walking our way home. Kakagaling lang namin sa Church. Naalala ko tuloy yung matanda sa Simbahan na biglang humawak sakin for support. Medyo naitulak ko sya palayo. Pero hindi naman napansin nung matanda. Buti na lang.
Habang binubuksan ni Ms. Eli ang gate ng bahay namin, nakadungaw naman si Joseph na nakasampa sa gate. Tumahol sya na nakatingin sa katapat na bahay. Medyo nagaalala ako kay Yvan, kasi kahapon.. nung tinulungan nya ako ng muntik nakong malaglag sa van dahil kay Joseph, nahawakan nya ako sa balikat. Alam ko naman kung anong ginawa ko, OA lang ako magreact.

Ganito kasi yun, I’m not used being touched by other people. Komportable lang ako kay Ms. Eli at kay Joseph pag dumidikit at humahawak sakin. Siguro kaya ganito ako, ay dahil din sa kulang ako sa socialization. Minsan lang ako lumabas at makipagusap sa ibang tao. Almost yung mga taga- rito lang samin ang nakakausap ko e. Kaya pag humawak sakin, feeling ko lagi sasaktan nila ako tapos parang masama lagi.

Pumasok na kami ng gate. Agad naman akong tinalunan ni Joseph na napakabigat. Konti na lang talaga ay baka hindi ko na kayanin pa si Joseph pag  dumadampa sakin. Feeling baby kasi parin ‘tong si Joseph, laging gustong magpakarga.

“Joseph, you have to start a diet now.” I said. Tinahulan naman ako ni Joseph na parang ayaw pumayag na magdiet.

“Bayaan mo syang lumaki ng lumaki, Maria.” Sabi naman ni Ms. Eli na nasa pintuan na at pumasok na sa loob.

“Narinig mo yung sinabi ni Ms. Eli? Bayaan ka daw namin maging obese. Gusto mo ba yun? Yung tipong hindi ka na makakagalaw sa sobrang taba.” Natatawa kong sabi. Tumahol sya ng tumahol. “Oo, alam ko. Matipuno ka.” Sabi ko. Natawa ako sa sarili ko, naalala ko kasi si Yvan kahapon na kinakausap si Joseph at hinahamon. Napatingin ako sa kabilang bahay. May nakita akong gumalaw mula sa bintana. Hangin lang siguro yun. Tumahol naman si Joseph sa direction ng bahay. “Sshh. Joseph. Wag kang maingay. Maaga pa eh. Baka makabulabog ka.” Sabi ko. Nanahimik na si Joseph. Tumayo nako at pumasok sa loob.

After ng breakfast, umakyat nako para magpalit ng damit. General cleaning kasi namin ngayon. Every other week namin nililinis ang buong bahay. Pero daily naman kami nagwawalis, nagpupunas at nagaayos. Nagsuot ako ng midnight blue na jogging pants at white t- shirt. Inumpisahan namin sa mga labahin.. sa mga kwarto.. sa kusina huli sa sala.

“Ms. Eli, basag na po pala yung bintana natin dito.” Sabi ko habang pinupunasan yung  mga upuan.

“Nasaan?” Tanong ni  Ms. Eli. Tinuro ko sa kanya yung basag, “Wag mo munang galawin dahil baka mabubog ka. Bukas, magpapatawag ako ng gagawa dyan.” Sabi nya. Tinuloy ko lang ang ginagawa ko. Nagwawalis ako ng aksidente kong nadali yung basag na bintana.

“Aww.” Napatingin si Ms. Eli sakin na sa mga oras na yun ay nagaayos ng mga libro sa shelf.

“Bakit, Maria?” Tanong nya. Sinilip ko yung  siko ko, tapos lumapit si Ms. Eli.

“Panginoon ko!” She said in shock.

May tumutulong dugo pero saan napupunta? May naririnig kaming parang mga malilit na batong bumabagsak sa sahig. We looked down. Nanlaki ang mga mata ko sa nakitang kumikislap na malilit na bato sa sahig. Napaupo si Ms. Eli para kunin ang mga bumabagsak.

“Ano ‘to? Diamond?” Sabi ni Ms. Eli na sinusuri ang makislap na bagay. Napatingin ako sa siko kong patuloy ang agos ng dugo. Sinahod ko tapos nalaglag sa kamay ko ang isang maliit na diamond.

“Ms. Eli!?” I said in fright. “Tingnan mo!” Napalingon sya sa sugat ko. Nakita nya ang pagtulo ng dugo at pagbagsak ng diamond sa nanginginig kong palad.

Biglang parang may nagflash mula kung saan. Napapikit ako sa sobrang lakas nung ilaw. Pagmulat ko, naging black and white ang buong paligid. Kinusot ko ang mata ko para matanggal ang after shock nung flash. Tapos ganun padin, black  and white pa din. I looked at Ms. Eli and she looked more scared than I was.

The Diamond BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon