Yvan's POV
Bumalik na kami sa pagpipintura. Bumabagal kami kumilos dahil tawanan ng tawanan. Daldalan ng daldalan at kung anu ano pang ginagawa. Yung iba nagbreak muna.. ayun sa damuhan at nagtatawanan. Ako naman, pinipinturahan ko na yung terrace. Si Maria, nakatungtong sa hagdan dahil gusto daw nyang sya ang magpintura nung bintana sa may sala.
"Maria! Kwentuhan muna tayo!" sigaw ni Juvy.
"Oo nga! Mamaya na yan." Habol naman ni Eliaza, "Minsan ka na nga lang namin makasama e."
"Sige. Saglit lang." sabi ni Maria na nakangiti. She's really enjoying this. I have to congratulate myself for making her happy.
Bigla syang napatingin sakin. I tensed. She smiled again. She looked very pretty under the sun. An angel in disguised. She must be an angel. Suddenly, my heart beating so fast and I don't know how my blood rises into my head. Uminit bigla ang tenga ko. I forced to smile back.
Umingay ang paligid. Naghahabulan sila pati si Joseph. Buti naman at may pagkakaabalahan ang asong yun, pag wala kasi lagi akong minamata. Para ako laging binabantayan sa lahat ng kilos ko, lalo na pag malapit sakin si Maria. Feeling ko lagi masama akong tao dahil sa asong yun.
"Joseph!" sigaw nung mga babae. Tahol naman ng tahol at takbo ng takbo ang matabang aso. Bumalik na ako sa pagpaint para matapos na'to.
The cheering and joyful laughing was replaced by screams. Napatayo ako bigla. Yung tali ni Joseph sumabit sa hagdan na tinutungtungan ni Maria, nahigit yung tali kaya umuga yung hagdan. Napatili si Maria. Tumakbo na ako para saluhin sya. Sumigaw ang lahat. Everything happened in slow motion.
Aabot ako..
Masasambot ko sya..
Bilisan mo Yvan!!
The scene changed back to normal speed. Nakahinga na lang ako ng malalim ng makita kong nasambot ni Dave si Maria. Sunud- sunod na silang tumakbo papalapit kay Maria. Hinawakan ko ang dibdib ko, muntik na akong atakihin. Paano kung hindi nasambot ni Dave si Maria? Aabot kaya ako sa kanya? Maliligtas ko kaya si Maria?
Dahan dahan akong lumapit. Narinig kong kino- congrats nila si Dave. Nakita kong tinayo ni Maria at Dave yung hagdan na natumba.
"Maria, ayos ka---" naputol yung sasabihin ko nung biglang tumakbo si Maria.
"Excuse me lang!" sigaw ni Maria at pumasok na sa bahay nila. Malakas na sumara ang pinto.
"Anong nangyari dun?" Tanong ni Dennis. Hindi na sila nag- abala pang habulin si Maria.
"Ang galing mo Dave! Dagdag points ka na naman kay Maria!" Sabi ni Paul at inakbayan si Dave. Ako naman, naglakad ako papunta sa likod ng bahay. Binuksan ko ang pinto.
Hindi yata ako napansin ni Maria. Nandun sya sa may lababo at naghuhugas ng kamay. May binubulong sya na hindi ko maintindihan.
*Plunk! Plunk! Plunk!*
Parang may bumabagsak na maliliit na bato sa metal sink nila.
*Plunk! Plunk! Plunk! Plunk! Plunk!*
Padami ng padami. Dahan dahan akong lumapit.
"Wag ka ng lumabas, please." Maria whispered terrified. "Sumara ka na please. Wag ka ng lumabas." She said again.
"M- Maria?" Natigilan sya, halatang nagulat, ge slowly turned her face to me. Even if she's chalky white, I can still say that she turned very pale when she saw me. Nanlaki ang mga mata nya. Kaya kitang kita ko ang reddish color of her eyes. Lumapit pa ako, "Ayos ka lang ba?"
"A- anong gina- ginawa mo dito?" Tanong ni Maria. Paglapit ko, napatingin ako sa lababo, the water from the faucet is still running and there are hundreds of small diamonds in the sink. "I was-I was just cleaning the sink." Sabi ni Maria habang nagmamadali nyang inilulusot sa butas ng sink yung mga diamonds.
"Saan galing yun?" Tanong ko.
"Ah-hindi ko din alam. Bigla na lang napadpad." Pansin ko sa boses nya na kinakabahan sya. May pawis din na tumutulo sa side ng ulo nya. Kaya yung mga nakatikwas na hibla ng buhok ay basa na ng pawis nya. Hinawakan ko sya sa braso. She gasped. Hindi na sya nagugulat pag hinahawakan ko sya. Hindi na katulad ng dati na iba sya kung makatingin. She slowly looked at me. I saw pleading in her eyes. She's pleading for what?
"Hindi ka ba nasugatan o nasaktan kanina?" Yun na lang ang tinanong ko.
"H- hindi na- man." Sagot nya.
"Buti nasambot ka ni Dave." I said. Tumango sya. She made her way to the table and sat on one of the chairs. I reached for a cup. Binuksan ko ang ref nila at nilagyan ng tubig. Nilapag ko sa harap ni Maria ang baso na may tubig.
"Thank you." She said silently at uminom. May napansin akong maliit na diamond sa table. Kinuha ko at nilagay sa bulsa ko hangga't hindi nakatingin si Maria.
"Ayos ka na talaga?" I asked. She nodded, "Sure ka?"
"Yes, I am."
"Balik na tayo sa labas." Yaya ko.
"Mauna ka na. Kakausapin ko lang si Ms. Eli.." Tumayo na sya and she made her way out of the kitchen. Hindi sya ayos. Nararamdaman ko.