Chapter X: I'm Terrified

90 2 0
                                    

Ms. Eli was happy with what Yvan did to our house. Pumunta pa nga sya kinagabihan sa bahay nila, yun nga lang, hindi ako kasama, which disappoints me. Gusto ko sana magpasalamat ulit kay Yvan sa ginawa nyang pagtulong samin. Kaso ayaw talaga kong isama ni Ms. Eli.

We did our laundry on Sunday. Na- enjoy ko naman yung mga palabas sa TV. Madami na palang artistang bago ngayon. Hindi kaya sila over populated? Masyado na yatang crowded ang TV industry. We nearly finished gardening sa likod ng bahay namin ngayon. Monday kasi kaya gardening kami. Kahit medyo nagsisimula na akong mabored dahil konti na lang ang ginagawa namin. Pero tuwing nakikita ko ang mga bagong tubong mga bulaklak, feeling ko nae- energize ako. I think that was plants' role and purpose on Earth to energize people and be a company whenever they feel very bored and alone. Nagbasa nadin ako ng mga librong binabasa ni Ms. Eli, I found it interesting pero nakakaantok paminsan- minsan.

"Better go to bed early, Maria. We have morning walk tomorrow." Sabi ni Ms. Eli nung nagsusuklay nako ng buhok ko. Napangiti naman ako at nilingon sya na nakahiga na sa kama at handa ng matulog.

"Uh- ah- yes, Ms. Eli." Sabi ko na pinipigilan tumili. Yes! Makakabalas kami bukas! Ms. Eli lay totally on the bed, covered herself with the blanket and closed her eyes. I raised both of my hands. YES! YES! Makakalabas na kami sa wakas! Sana lang hindi bawiin ni Ms. Eli ang sinabi nya. Umupo ako sa sahig malapit kay Joseph. Minulat nya ang mata nya, "Joseph.. lalabas tayo bukas. Excited ka na?" sabi ko. He looked straight into my eyes. I rubbed his head, he found it relaxing then he closed his eyes to sleep, "sweet dreams, Joseph. You better get ready for tomorrow, okay?" I kissed his temple and stood up. Sana lang makatulog ako ngayon gabi.

***

Mas maaga ako nagising kay Ms. Eli. Naghihilik pa sya, ako naman nagready na para sa morning walk namin. Ang saya ko talaga! I've done my routines, bumaba nadin ako para i- ready yung mga iluluto ni Ms. Eli. Maya maya, I can hear Ms. Eli's steps down the stairs. Binuksan ko nadin yung TV para manuod ng morning shows.

"Maaga ka ba nagising, Maria?" Tanong ni Ms. Eli.

"Opo, med- medyo excited lang po ako." Sagot ko.

"Nasa taas pa si Joseph. Gisingin mo na sya." Agad akong tumakbo, nadali ko si Ms. Eli sa balikat nung paakyat nako.

"Sorry, Ms. Eli."

"Hindi ganyan gumalaw ang isang dalaga, Maria. Straightened your back and walk slowly." Instructed Ms. Eli. Nakayuko ako habang nababa sya ng hagdan. Nung nakapasok na si Ms. Eli sa kusina, binatukan ko ang sarili ko. Nadala kasi ako sa pagkagusto kong makalabas ng bahay. Yan tuloy, mukhang nagdadalawang isip na si Ms. Eli. Pagakyat ko, naghihilik pa ang magaling kong alaga.

"Joseph.. wakey wakey!" sabi ko habang ini-scrath ang ulo nya. Minulat nya ang mata nya, "we have morning walk today." I said smiling at him. Pinikit na naman nya yung mata nya at natulog ulit. "Joseph naman! Please naman! Gusto ko ng lumabas!" sabi ko. "Please, Joseph.." Hee looked at me, "please.. for me.." I pleaded. Dahan dahan syang tumayo at lumabas ng kwarto. Humabol naman agad ako at sabay kaming bumaba at nanuod ng TV.

After ng breakfast, ready nako. Pati din yata si Joseph. I saw him yawn, I stomped my foot on the floor kaya nagising na naman sya. Hinihintay namin si Ms. Eli, nagpapalit lang ng damit.

"Maria, can we cancel our walk today?" Tanong ni Ms. Eli habang pababa ng hagdan.

"Bakit po?" I said suddenly disappointed. Ngayon na nga lang ako lalabas e.

"Hindi maganda ang pakiramdam ko." sabi nya na nakahawak sa dibdib. Gusto kong magwala, gusto kong magdabog! Ang malas ko naman! Dapat pala hindi ako naexcite masyado, yan tuloy di natuloy. "Ihm.. sige. Dyan na lang tayo sa unang block umikot, ayos lang ba yun?" Nabuhayan ulit ako sa narinig ko.

The Diamond BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon