Chapter XXX: The Tradition

75 3 0
                                    

Bigla akong nagising dahil may narinig akong basag sa kung saan man. Napatayo ako ng kama at natapakan ko si Yvan na natutulog sa sahig. Isa pang parang may nabasag at sigawan ng mga tao. Nagising nadin si Yvan.

"Ano yun?" Lumabas ako ng kwarto at tumakbo sa may kwarto ni Ms Eli. Sa kwarto pala nya may nabasag na bintana, pag silip ko. Ang daming tao sa tapat ng bahay namin. Lahat sila ay may binabato sa bahay namin. Narinig ko na lang na may tumatakbo pababa ng hagdan. Biglang lumabas si Yvan ng bahay at pinatigil ang mga tao. Bumaba din agad ako at sumilip ulit sa bintana. Lalo lang magkakagulo pag nagpakita pa ako

Niyakap ni Ms Ellen si Yvan. Hindi ko marinig ang sinasabi nya. Pumalag si Yvan at sumigaw.

"Wala naman kaming ginagawang masama sa inyo. Nananahimik kami dito!"

"Hindi ikaw ang may kasalanan, anak. Si Maria ang lahat ng mga kasalanan nito." Sabi ni Ms Ellen.

"Oo nga! Nagkakandalugi-lugi ang mga negosyo namin, nagkakasakit kami! At isa lang ang may sala, si Maria!" Sigaw ng isa.

"Naririnig nyo ba ang sinasabi nyo? Ang tagal tagal nang nakatira nila Maria dito, may nangyari bang masama sa inyo? Hindi naman yata tama na isisi nyo sa kanya ang kamalasan nyo sa buhay!"

"Kahit noon pa lang wirdo na ang pamilyang yan! Lahi sila ng mangkukulam!" Sigaw na isa at dahil dun, sabay sabay ng sumigaw ang mga tao at iba ibang paratang ang ibinato sakin.

I cried. For it hurts me that people will betray or accused you for things you didn't do. Lahat na ng kabaitan ginawa mo, lahat ng kailangan nila at paghingi nila ng tulong di ka nagdalawang isip tumulong, tapos ganito nila igaganti lahat!? Bakit ganun?

"Maria Agustin! Lumabas ka dyan! Patunayan mong hindi ka anak ng demonyo! Patunayan mong tao ka!" Sigaw ng isa sa mga tao. Lalo akong naiyak. Nagtago ako sa gilid at nagiiyak. Biglang kumalampag ang pinto. Pag nakapasok sila ng bahay, wala na. Baka patayin nila ako. I closed my eyes and ears.

Moments passed, walang nangyari. Nanahimik ang paligid. Nanginginig akong sumilip ng konti sa bintana. Nakapause lahat ng tao. Walang gumagalaw, walang humihinga. Tapos mula sa dilim, may lumabas na mga taong nakablack robe. Nakatakip ang kanilang mga mukha, parami sila ng parami. Natakot ako bigla, baka Valkyries na'tong mga 'to.

Maria Christina Agustin, nandito kami para sunduin ka. Said a familiar voice. Please come out.

Dahil familiar ang boses, at babae naman. Alam kong ang tradition na'to. At dahil dala yata ni Veronica ang lahat ng members ng tradition, wala akong magagawa. Hindi ako makakatakas. I slowly opened the door. Two ladies approached me, making their way in the middle of these angry people. Veronica revealed herself. And the second lady, removed her hood. Seline. Hindi ako pwedeng magkamali.

"We're here to rescue you." Seline said.

"The Valkyries planted bad things about your family to these people. Nung nasa hospital pa kayo, namatyagan sila ni Joseph at kinakausap nila lahat ng tao dito sa lugar nyo. And tonight, they're planning to get you. See those?" Sabi ni Veronica na nakaturo sa langit. May helicopter na may nababang mga tao gamit ang lubid.

"It's time, Maria." Seline said, "Pag sumama ka na samin ngayon, niligtas mo ang sarili mo mula sa kalaban. At ang sarili mo mula sa kaparusahang ipapataw sa'yo sa pagsuway mo sa unang rule natin." She looked at Yvan.

"I don't have any choice. I will come with you." I said because that was my heart wanted to say. "Please let me say goodbye first." Both of them nodded. Lumapit ako kay Yvan. He looked so angry and tired. "I'm sorry, Yvan. Hindi ako bumibitaw, kailangan ko lang talagang gawin 'to. No one can protect me from everyone except them. I took your life away from you. You have a bright future ahead, Yvan. Just remember, I love you so much. We will meet again, maybe someday, when everything's different.. I will never stop loving you for all of my life.." I kissed his lips and tears run down my face.

Joseph appeared beside me. I tapped his head. Veronica handed me a black robe. Dahan dahan kong binalot sakin ang robe, I never felt this feeling before. It's like I belong to the rest of them. When we approached the other ladies, they've removed their robes. Some smiling to me and others eyeing me like i'm a criminal. From the dark, different beasts came out. Tumabi sila sa kani-kanilang mga amo.

"Mistresses of the Diamond Blood, we have gained another sister to our family, Maria. Let's give her our gratitude for continuing our tradition." Said Seline. They all bowed in front of me, including Seline.

"And now, the Ceremony of Burning." Sabi naman ni Veronica. What!? Susunugin nila ako? "Don't worry, hindi ka naman ilelechon." Bulong ni Veronica.

A lady stood beside Seline, she waved her hands in the air like conducting a choir. Then in fast speed, parang bumalik ang oras. Nawala ang mga tao. Then tumigil ulit nung tumigil kumumpas ang babae.

"Thank you, Carol." Said Seline. Then, the other lady beside Seline, pointed her fingers towards the house. Violet fire come out of her fingers, she shot the house. I watched my world got burned in front of me. "Thank you, Lou."

"The Ceremony of Burning will erase all of your records in this world. Lahat ng taong nakakakilala sa'yo, lahat ng nakakita sa'yo. Every single information about you. It's like you don't exist anymore." Veronica explained. Naisip ko agad si Yvan.

"Including him.." I looked at Seline. She can read minds..? And speak to my mind..?? "Yes, I can." Nagulat ako. So, i'm right.

Mabilis na namatay ang violet na apoy, walang natirang kahit isang abo sa paligid. Bakanteng lote lang talaga ang natira.
"The Ceremony of Burning is completed." Seline announced, "Let's go home, Maria."
Home.

When I turned around, lahat sila nakasakay sa kanilang mga guardians. Joseph expanded his wings and smirked at me. For the first time, I felt like a new person. Rebirth happened to me. Together with the my new family, we flew into the dark sky.

I didn't dare to look back.

[A/N] I hope naenjoy nyo ang story ni Maria. This is the end but, there's still more to know about the Tradition. Your comments and reviews are welcome to my dashboard. Just follow me for updates. Thanks you guys! You're the best! God bless :))))

The Diamond BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon