Chapter XIX: And It's Christmas

61 3 0
                                    

[A/N] Tapos na ang Christmas season nung sinulat ko ‘to. Let’s not bother the time space dito satin. Hihihi. So, hope you enjoy reading this story so far. Thank you!

       Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng kilig. Ganito pa yung feeling! Nakakabaliw at masarap sa pakiramdam. I was inspired for every day. Masasabi ko na ngayon lang naging makabuluhan uli ang buhay ko simula nung mawala si Mommy.

      Katulad nga nung sinabi sakin ni Yvan, i-suggest ko kay Ms. Eli na gawin uli namin yung ginagawa namin dati every Christmas nung nabubuhay pa si Mommy and with Yvan’s help, pumayag sya. Pinagkaabalahan namin yun nitong mga nakaraang araw, tumulong din ang buong pamilya ni Yvan sa gagawin namin.

Yung ipapamigay naming gifts sa mga mamasko, coin purse and small bags. Halos di na namin masunod ni Ms. Eli yung schedule namin dahil busy kami sa paggawa ng mga bagay. Sagot na ni Ms. Ellen yung Christmas Party dito samin. Ang bait talaga nya. Ang swerte ni Yvan sa Mommy nya.

“Kaya mo pa?” Natatawa kong tanong kay Yvan. Pang-apat na madaling araw pa lang namin uma-attend ng Simbang Gabi, halos pikit na sya. Madaling araw kasi kami nagsisimba dahil mas konti ang tao. Tsaka sabi ni Yvan, madami daw- ano bang term nya dun? Jejemon? Basta! Sabi nya sa gabi daw puro bata lang ang pumupunta sa Simbahan at kunwari nagsisimba pero hindi naman.

“Sampalin mo nga ako.” Sabi ni Yvan. “Para magising ako.”

“Hindi ako nananakit ng tao na walang namang ginagawang masama sakin.” Sabi ko.

“Hahalikan kita pag di mo ako sinampal.” Sabi ni Yvan. Lumaki ang mata ko sa sinabi nya kaya walang kaawa awa ko syang sinampal. Ramdam na ramdam ko ang malakas na pagsampal ko sa kanya kaya medyo tumilapon ang ulo nya sa gilid. “Aray naman! Ang lakas naman nun!” Reklamo ni Yvan.

“Para hindi ka na antukin. Halika ka na!” Sabi ko. Sakto namang tapos ng ikandado ni Ms Eli yung bahay kaya nagsimula na kaming maglakad papunta sa Simbahan.

       Gusto kong maging detailed sa panliligaw ni Yvan pero  kulang ang space para sa description. Yung ibang lang ang masasabi ko.

Katulad nung isang linggo, umiiyak na kumatok sa bahay namin sila Yssa at Yna, pinagalitan daw sila ni Yvan dahil in-upload daw yung pictures namin sa Facebook. Galit pa ako nun na pinagsabihan si Yvan dahil hindi naman nya kailangan pagalitan yung dalawa, pwede nyang kausapin ng ayos. Ang dahilan naman sakin ni Yvan, nagkagulo daw yung mga may friends dun sa dalawa at pati daw yung sa kanya. Nagulat daw sya dahil pinagpyestahan daw yung pictures ko, kaya binura na nya daw agad. Naintindihan ko naman sya, pero sabi ko kausapin nya ng ayos yung dalawa at mag sorry sya.

Isang beses na naglilinis kami ni Ms. Eli ng bahay, tumulong si Yvan samin. Habang nagaayos ako ng book shelf, nalaglagan ako ng mga libro sa ulo ko. Nagpapanic na lumapit si Yvan sakin at  hinalikan ang ulo ko, “Ano? Masakit ba?” Alalang alala sya nun. Pero ako kinabahan dahil ang sama ng tingin samin ni Ms. Eli.

Alam nyo nangyari sakin yung hindi nako makatulog kakaisip kay Yvan. Habang tumatagal, lalong lumalakas ang effect nya sakin. Hanggang sa isang araw, nasugatan ako. Nakita ko na naman yung sumpa ko. Bumalik lahat sa akin na hindi ako normal na tao. Dahil kay Yvan muntik ko nang makalimutan na may sumpa ako, akala ko nga normal na ang buhay ko eh. Pero nagkamali ako. Hindi ko matatakasan ang fact na dumadaloy sa dugo ko ang problema.

“Puto bumbong o bibingka?” Tanong ni Yvan. Tapos na yung Mass at nasa labas kami, bumibili ng kakanin. Kinakausap pa kasi ni Ms. Eli si Father.

“Both.” Nakangiti kong sabi.

“Takaw.” Bulong nya sakin. Nanindig ang balahibo ko sa ginawa nya at halos hindi ako huminga. Busy sya sa pakikipagunahan sa mga bumibili habang ako, tulala. Ano bang ginawa sakin ni Yvan? I felt butterflies in my stomach and my heart beat abnormally beats faster. Saktong pagkabili namin, tapos na makipagusap si Ms. Eli kaya umuwi na kami.

The Diamond BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon