Muntikan na ako mahuli ni Ms. Eli na naligo sa ulan. Nung dumating sya kakatapos ko lang magbanlaw, kakabihis ko lang din. Ang palusot ko kung bakit ang aga ko naligo para mamayang gabi, kasi napawisan ako ng sobra sa ginawa namin ni Yvan sa room ko. Mukhang bumenta naman sa kanya. She was happy for what we’ve done to my new room.
“It’s very simple and beautiful, just right for you, Maria.” All she said.
Inayos ko na din yung mga pinabili ko kay Ms. Eli. You know what? I just can’t wear off the smile in my face. Another first time experience with Yvan. Yung mga ganung eksena sa ulan, nababasa ko lang yun sa mga libro tsaka napapanuod ko minsan sa TV. I never thought na mangyayari sakin. Hinawakan ko ang pisngi ko, ang init grabe! Hindi naman sa nilalagnat ako. Gosh. Kinikilig ako!
Natigilan ako, and my heart actually jumped when I heard his voice. Dali dali akong bumaba. Ang ingay pa nga ng pagbaba ko. Pero few more stairs, umayos nako ng pagbaba. With poise. Huminga ako ng malalim. I saw him sitting at the sofa, he smiled when he saw me.
I want him close to me again.
I want him to hug me again, just like what he did a while ago, under the rain.
Blood rushing through my veins. Ang init. Bakit ang init bigla?
Parang ang tagal naming hindi nagkita ha. Pero, ang totoo nyan, nung medyo humina yung ulan, sabi nya maligo daw muna ako kasi baka magkasakit ako. Tapos nun, umuwi din sya para maligo. Mga mag- iisang oras pa lang ang nakakalipas.
Namimiss ko na sya kahit saglit pa lang kaming di nagkikita.
Malala na yata ako.
“Hi.” All I can say at dahan dahang lumapit sa kanya, bigla namang dumating si Ms. Eli na may dalang juices.
“Tapos na ba talaga yung kwarto ni Maria? Is it safe already?” Usisa ni Ms. Eli.
“Opo. Naayos ko na po lahat lahat ng pwedeng ayusin.” Nakangiting sabi ni Yvan. “Wala na pong magiging problema si Maria sa bago nyang kwarto..” Sabi naman nya na nakatingin sakin. All I can hear is my heartbeat. And for your info, it’s so loud. All I can see is his face smiling at me. And for your info, he’s so handsome when he did that.
“Maria, may ipapatulong ka pa ba kay Yvan?” Tanong ni Ms. Eli. I inhaled, exhaled, inhaled, exhaled, until everything went back to normal. Kahit wala na talaga akong gustong ipagawa, gusto ko pa syang makasama. Gusto ko pang makasama si Yvan.
“W- wala na po, Ms. Eli..” Sabi ko, “Okay na po ang lahat. Salamat, Yvan ha?” Sabi ko sabay ngiti. Pero sa likod ng mga ngiting yun, nalulungkot ako sa sinabi ko. Naiisip ko kasi bigla yung tungkol sakin. Yung sumpa. Natakot ako bigla na pag hindi ko pinigilan ‘tong nararamdaman ko.. Ano nga ba? Hindi ko din alam. Nararamdaman ko lang na kailangan kong pigilan ‘to.
Ayokong masaktan pag hindi nya ako natanggap.
At ayoko din syang masaktan pag umalis ako. Hindi ko alam kung bakit ako aalis, pero feeling ko.. may isang lugar dito sa mundo na kung saan nararapat ako, at balang araw, mapupunta ako dun at iiwan ko sya.
***
Paakyat ako ng hagdanan ngayon. Uminom ako ng gatas sa baba. Hindi kasi ako makatulog. Ano bang ginagawa nyo pag hindi kayo nakakatulog sa gabi? Alam nyo ba kung anong oras na? 10:30PM na. Okay. Siguro, naagahan pa kayo sa oras na yun. Pero kasi, nakasanayan ko na before 9PM tulog na kami. Sunday pa naman bukas, magsisimba kami.
Humiga ako sa kama at tumitig sa ceiling. Baka naninibago lang ako dahil unang gabi ko ‘to sa kwarto ko. Sa sarili kong kwarto. Buti pa si Joseph eh, tulog na tulog dun sa isang sulok. Mas feel nya pa ang bagong kwarto ko kesa sakin. Biglang may puting bilog na liwanag na lumitaw sa kisame. Hala? Saan galing yun!? Napaupo ako sa pagkakahiga ko. Lumingon ako sa paligid, at pag daan ng mga mata ko sa bintana, dun nanggagaling ang liwanag. Gosh. Bakit kaya may liwanag?