Yvan's POV
"Yvan! Bili ka nga muna ng soft drinks!" Utos ni Mom. Agad ko naman syang nilapitan. "Bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong nya.
"Pang- ilang utos nyo na kasi sakin 'to ngayong araw." Reklamo ko. Ako na lang kasi lagi. Nandun naman yung dalawang kapatid kong babae, nakikipagusap dun sa mga bago nilang kilalang mga bata. Hindi man lang abalahin at utusan kahit saglit.
"Eh kasi ikaw ang kuya. Bilisan mo na! Soft drinks ha? Ikaw na bahalang pumili. Hindi pa kasi nadating yung mga nakatira sa katapat nating bahay." Sabi ni Mom habang inaayos yung mga kutsara't tinidor.
"Nagpapa- impress ka ba dun sa mga nakatira sa kabila?tanong ko. Tiningnan ako ni Mom at ngumiti.
"Syempre naman, anak. Nagpapa- impress tayo sa lahat ng kapitbahay. Para maging mabait sila satin. Kaya nga ako nagpadinner in the first place diba?" Sabi ni Mom.
"Eh halos lahat na ng kapitbahay natin nandito na. Bakit inaalala mo pa yung nasa katapat na bahay?" Tanong ko.
"Hindi mo kasi nakita si Eli, parang strict sya tapos yung kasama nyang dalaga, napakaganda at mukhang mayaman." Excited na sabi ni Mom. "Feeling ko nga sila lang ang nakatira dun e. Dalawa lang silang nakita ko kanina nung pumunta ako. Siguro magiging maganda silang kaibigan!"
"Whatever. Alis na po ako." Nilayasan ko na ang madaldal kong nanay. Nadaanan ko yung ibang kapitbahay namin na nakain pa at nagkukwentuhan. Ngumiti lang ako sa kanila. Tapos sa labas sa terrace naman. Yung mga teenagers. Tatlong babae at dalawang lalaki. Yung tatlong babae, napalingon sakin at ngumiti silang lahat. Tinaas ko lang ang kamay ko na parang 'hi' tapos ngumiti. Nagdare daretso nako palabas.
Tiningnan ko muna yung katapat na bahay. May ilaw sa first floor ng bahay pero parang wala akong makitang gumagalaw mula sa mga bintana. May tao ba talaga sa bahay na'to!? Medyo parang walang buhay at nakakalungkot. Sabi nga ni Mom, isang dalaga lang daw at strict na matanda ang nakatira.
Biglaan ang paglipat namin. Reason? Dahil kagalit ni Mom ang lahat ng kapitbahay namin. Halos malapit lang din naman yung dati naming bahay dito. Simula kasi nung pumunta si Dad sa ibang bansa para magtrabaho, medyo nakaluwag luwag na kami sa buhay. Kaya medyo naging.. uhm.. paano ba ang tamang word.. medyo naging mayabang si Mommy. Bili sya ng bili ng mga bagong gamit sa bahay at kung anu ano pa. Pero pag yung mga kapit bahay ay lumalapit sa kanya para mangutang, hindi sya nakakapagbigay. Lagi nyang sinasabi na wala syang pera pero panay naman ang bili. Dun nagsimulang magalit ang mga kapitbahay kay Mommy, at sabi ni Dad, lumipat na nga kami. Kaya eto! Si Mommy kinukuha ang loob ng mga bago naming kapitbahay kaya sya nagpadinner. Hay. Ewan ko nga sa kanya. Minsan medyo may saltik din sya.
***
May bitbit bitbit akong anim na 2 liters na soft drink. Ang layo pa naman ng convenience store mula samin. Yung tindahan naman ay sarado na dahil medyo gabi na din. Binaba ko muna yung mga dala dala ko sa side walk para i- stretch yung mga braso ko. Malapit na naman ako samin pero nabibigatan na talaga ako. Napatingin ako sa katapat na bahay ng bahay namin, wala ng ilaw. Tulog na ba sila? O baka pumunta sila sa bahay? Hindi ko alam kung bakit medyo naexcite ako. Binuhat ko ulit yung dala ko at nagmadaling bumalik sa bahay.
Napatigil ako sa harap ng bahay namin. Nakita ko kasi mula sa kinatatayuan ko, may isang napakalaking puting aso na nasa may pintuan namin. Ang laki laki talaga. Hindi ko nga alam kung anong klaseng aso yun pero sobrang laki talaga! Saan nanggaling yun? Biglang lumitaw yung mga kapatid ko at lumapit dun sa aso. Muntik nakong tumakbo, akala ko kasi kakagatin si Yna. Sya yung humawak. Tumawa naman si Yssa at humawak din sa aso.