Tuesday nung nangyari ang masamang panaginip na yun. Hindi nako lumabas pa ng bahay simula nung araw na nakita ni Yvan ang mga diamonds. Napapraning nako minsan sa loob ng bahay namin. Pag aksidenteng nasusugatan ko ang sarili, lagi na lang ako mapapatingin sa paligid para siguradong wala ng ibang makakakita.
Baka pagisipan ako ng masama ng mga tao. Hindi ko na alam ang gagawin. Hindi nako komportableng kumilos, hindi katulad nung hindi ko pa nalalaman ang tungkol sa sumpa na meron sa dugo ko.
Of course, I didn’t tell Ms. Eli about what’s bothering me. Feeling ko din naman alam na nya din ang iniisip ko. Hindi na nya ako tinatanong kung kamusta na ang pakiramdam ko or ano ang nararamdaman ko, hindi katulad nung dati. I needed more time to think, pero kailangan mag- isa lang ako. Minsan, pag wala kaming ginagawa ni Ms. Eli, tumatambay ako minsan dun sa isang bakanteng kwarto sa taas. Baliw man sa inyong paningin, madalas kong kausapin ang sarili ko, tsaka sa bintana dun sa kwarto, hindi ko nakikita ang bahay sa tapat, at lalong lalo na.. si Yvan.
“Maria, anong gusto mong gawin ngayong araw?” Tanong ni Ms. Eli habang naglalakad kami pauwi sa bahay. Sunday na ulit, nagsimba kami ni Ms. Eli. Tumingin ako sa paligid. Maaga pa masyado kaya wala pang tao sa kalsada.
“Nothing in particular, Ms. Eli.” I said in a low voice.
“May sakit ka ba?” Sinimulang hipuin ni Ms. Eli ang leeg at noo ko.
“Wala naman po. I just don’t feel doing anything today. I want to rest.” Tiningnan ko sya. Nakita ko ang awa sa mga mata ni Ms. Eli. Naaawa sya sakin dahil sinumpa ako at wala na kaming magawa. Naaawa sya sakin dahil simula nung nalaman ko ang tungkol sa curse, mamumuhay na ako ng malayong malayo sa buhay ng isang normal na tao.
I wanted to cry out loud. I wanted to ask God why did He let that Lady in Black do this to me. I wanted to scream and scold my mother for letting that Lady in Black passed the curse to me. I wanted to blame somebody for what’s happening to me. I wanted to punch somebody. But, I know I can’t. Wala namang magagawa ang mga bagay na yun sa situation ko. Walang magagawa si Mommy kung sigawan ko man sya ngayon at pagalitan. Kung manuntok man ako ng tao or maghanap ng pwedeng pagbalingan, wala rin namang mangyayari. Walang magbabago. Ganito padin ako. I will be like this for all of my life. A girl with a curse of diamond blood.
Binuksan ko ang gate, agad akong sinalubong ni Joseph ng mainit na yakap. I forced a smile, I rubbed his temple and walked inside the house. Bago ako tuluyang pumasok sa loob ng bahay, narinig ko pang may sinasabi ni Ms. Eli kay Joseph. When I looked back, I saw nothing but their eyes full of pity.
I closed my eyes.
I hate it.
I felt like their looking at my death. I felt like their watching me being buried in the earth with closed eyes, cold body and not breathing anymore..
Nagmadali akong pumasok at umakyat sa kwarto. Nilock ko ang pinto, I watched my hands in terror, when it’s filled with salty water from my eyes. I can’t believe I’m crying right now.
***
Inabot din ako ng matagal bago ko nakayang lumabas ng kwarto. Hindi ako inistorbo ni Ms. Eli sa kwarto namin, narinig nya siguro ang pag- iyak ko. Kahit takpan ko pa ang mukha ko ng unan, rinig na rinig pa din sa loob ng kwarto ang pag- iyak ko.
Inabutan kong nakaupo si Ms. Eli sa sofa, napatingin agad sya sakin. She scanned me. From my head to my feet. Like a prey ready to eat his victim. She stood up and slowly walked towards me.
“We should eat now, Maria.” Said Ms. Eli. Sumunod ako sa kanya papunta sa kusina.
“Hindi nyo na po sana ako hinintay. Nauna na sana kayong kumain.”