Chapter XIII: The Piano Lesson

83 3 0
                                    

Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nahirapan makipagshare kay Ms. Eli ng room. I have my own private things that I have to do.. alone. Pero hindi ko magawa dahil kung nasaan si Ms. Eli, dapat  nandun din ako. Hindi ako makapagisip ng ayos pag may kasama sa kwarto. Tuwing gabi na nga lang ako nakakapagisip dahil sa umaga, Ms. Eli always gets me occupied with other things. Pero hindi ko pa din magawa dahil parang laging nakabantay si Ms. Eli sakin.

I started writing my journal/diary. Hindi ko na kasi alam kung papaano ko ia- act ang mga nararamdaman ko. Hindi  ko na alam kung paano ko pa iha- handle ang feelings ko. Gulong gulo na ako ngayon. Di ko pinapakita kay Ms. Eli pag nagsusulat ako sa journal/diary ko. Dahil alam ko papakialaman nya ako. Lagi kong patago kung gawin yun kaya nahihirapan nadin ako.

“Saan mo gustong ilagay ‘tong hibiscus?” tanong ni Ms. Eli. It’s a Monday today kaya gardening kami.

“Sa tabi na lang po ng orchids.” Sabi ko. Sobrang init ngayon kaya nakalong sleeves kami ni Ms. Eli at pants. Pinagsuot nya pa ako ng sombrero kaya mukha talaga akong hardinero. Tumayo ako at pinunasan ang pawis na kanina pa tumutulo sa leeg ko.

I looked at our house. I smiled. Parang naging bata na ulit ang bahay namin. Kung siguro nakakapagsalita yung bahay namin baka sabihan nya kami ng ‘thank you’  dahil minake over namin sya.

Naalala ko yung nangyari nung isang linggo, muntik na akong malaglag sa hagdan. Pasalamat talaga ako kay Dave dahil nasambot nya ako kundi baka kung ano na nangyari sakin. Aaminin ko. Nung una akala ko si Yvan yung nakasambot sakin. Sa unang tingin ko, nakita ko si Yvan sa katauhan ni Dave. Pero hindi sya. Naiintindihan ko naman na malayo nun si Yvan kaya hindi sya ang nakasambot.

Tapos.. nakita nya ulit. Nakita ulit ni Yvan yung mga diamonds ko. Natakot ako nung oras na yun. Akala ko madidiscover na nya ang tungkol sakin. Nasugatan ako sa hagdan nung tinayo ko, gawa kasi sa bakal tapos medyo matulis yung nahawakan ko. Ang daming diamonds na lumabas sa kamay ko. Sa sobrang dami feeling ko mauubos na. Feeling ko mawawala na yung sumpa.. pero syempre hindi mangyayari yun. Hinding hindi.

“Magandang araw!” Napalingon ako sa bumati. Si Ms Ellen pala.

“Hello po.” Bati ko sabay kaway. Tinulungan kong tumayo si Ms Eli.

“Napagisipan mo na ba yung sinabi ko sa’yo kahapon?” tanong ni Ms. Ellen kay Ms. Eli.

“Ano po yun?” napatingin ako kay Ms. Eli.

“Uh.. kasi kahapon, nagusap kami ni Ellen.."

"Papaturuan ko sila Yssa at Yna na mag piano.” Said Ms Ellen interrupting Ms Eli. Napatingin ako kay Ms Eli.

“Tuturuan nyo po sila?” tanong ko. Silence covered the three of us while Ms. Eli is thinking.

“Basta tutulungan mo ako, Maria.” Sabi ni Ms. Eli na nakangiti, “Alam mo namang hindi na ako matimpi pa lalo na sa mga bata.”

“Ako pong bahala kung makulit sila.” Sabi ko. “Madali na po kasing mastress si Ms Eli.” I said to Ms Ellen.

“Wag kang magaalala, sasabihan ko yung dalawa na magbehave.” Sabi ni Ms. Ellen,  “Tsaka papasamahin ko yung Kuya nila para may magsasaway din.” Habol pa ni Ms. Ellen. Sasama si Yvan? Oh my gosh. Excitement filled me. “Oh sige. Papapuntahin ko na yung dalawa mamaya pag uwian na. Mauna na ako. May niluluto pa kasi ako.” sabi ni Ms. Ellen habang mabilis na naglalakad pabalik sa bahay nila.

“Grabe, Ms. Eli! Excited nako---“ Pagtingin ko kay Ms. Eli, nakatingin sya sakin. Yung tingin nya pag may napapansin syang mali sakin. Natigilan tuloy ako. “Ba- bakit po?” tanong ko. Kinabahan ako dahil ang tagal nya sumagot. Tumingin sya sa bahay nila Ms. Ellen tapos sakin ulit. Tumango lang sya ng ilang beses at dahan dahan ng umupo ulit at nagsimulang ayusin yung halaman. Ano kayang iniisip ni Ms. Eli?

The Diamond BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon