Chapter VIII: Distant

85 3 0
                                    

Just like what I thought, we doubled our security, especially my security. Hindi na nya ako pinapayagan na lumabas mag- isa. She won't let me go with her on Saturday at the market, so I do dress making on Saturdays also. Mas boring syempre! Kasi noon, may isang araw ako para makalabas at makapunta sa market. Dun madaming tao, madami akong nakikita, pero ngayon, nilolock ako ni Ms. Eli sa bahay pag aalis sya.

I understand her. And I understand my situation. I'm matured enough to do anything that will keep me away from harm. Kailangan nadin naming umiwas ng onti sa mga tao dahil delikado pag nalaman nila ang tungkol sakin.

Nung isang araw nga, habang naghuhugas ako ng pinggan, iningatan ko naman na hindi ako mahiwa ng kutsilyo, pero nahiwa padin ako. Hindi ko na lang pinaalam kay Ms. Eli dahil madadagdagan pa ang alalahanin nya. Tinago ko na lang sa isang lalagyan ang mga diamonds. Kahapon naman, nasugatan ako sa nakausling pako sa hagdan namin, si Ms. Eli pa ang nakapansin dahil hindi ko naramdaman.

Kahit doble doble na ang pagiingat namin, lalo naman akong nadidisgrasya. Pinagsusuot na nga ako ni Ms. Eli ng long sleeves at pants kahit na ayoko. Wala naman akong magagawa. Kusa akong nasusugatan kahit na anong gawin ko.

"Joseph.. bored ka na din ba?" Tanong ko. Tumingala sya mula sa pagkakatungo nya and he created a sound na parang parehas kaming nararamdaman. Morning walk na lang kasi ang meron kami. Yung afternoon walk naman every Friday, pag hindi kasama si Ms. Eli, hindi nadin kami pwedeng umalis. Minsan kasi, may ginagawa sya, minsan masakit ang ulo at katawan. Yung usual na daing ng mga matatanda.

Sumilip ako sa bintana dahil may naririnig akong mga boses. Parang boses nila Elaiza. Ang tagal ko na silang hindi nakakausap. Dumaan sila sa tapat ng bahay namin tapos parang pinaguusapan nila ako dahil narinig ko ang pangalan ko. Ano kayang gagawin nila ngayon? Ang alam ko kasi Semestral Break na nila e. Gusto ko ding lumabas kasama sila.

"Gusto kong sumama sa kanila.." Mahina kong sabi. Joseph answered with a loud yawn. "Sana kasi hindi nalang ako naging ganito.. sana kasi hindi na lang ako naging iba.." naramdaman kong nilalambing ako ni Joseph. "Nakikiliti ako, Joseph!" Natatawa kong sabi kasi yung balahibo nya kinikiskis nya sakin. Yumuko ako at hinigit ang dalawang tenga nya. Tumahol sya na parang naiinis. Tumakbo ako palayo sa kanya, "Tayo na lang ang maglaro! Habulin mo ko!" Sabi ko sabay ikot sa mga sofa at lamesa habang hinahabol ako ni Joseph.

"Maria.." Napahinto ako ng marinig ko ang boses ni Ms. Eli at nilingon ko sya, "Kakain na." At naglakad na sya pabalik.

"Kainan time na, Joseph!" Sabi ko. Dali daling tumakbo ang matakaw kong aso papunta sa kusina. Sumunod naman ako at umupo sa upuan ko.

"Kailangan na nating ipaayos ang mga sira dito sa bahay." Sabi ni Ms. Eli.

"Oo nga po, yang pinto po sa likod kusang bumubukas baka manakawan po tayo." Sabi ko sabay turo sa pinto, "Yung bintana po natin sa sala hindi pa napapalitan.. yun pinto pa pala po sa kwarto natin, medyo sira nadin." I reported.

"Madami na pala. Papaayos ko nadin yung TV natin para naman hindi ka mabored dito sa bahay pag wala ako." Sabi ni Ms. Eli. And she made it sure na hindi na ako magsasalita pa.

Natapos kaming kumain na wala ng napagusapan pa. Pagkatapos naming magligpit ng pinagkainan, singing lessons na. Puro Whitney Houston ang tinuro nya sakin. When you believe & I will always love you. Medyo nagiging mainitin nga ang ulo ni Ms. Eli pag nagkakamali ako. Minsan ang bilis ng mood swings nya. Minsan medyo naiinis din ako dahil kahit naman ako naiinis sa nangyayari sakin. Hindi lang sya. Ayoko ko lang sabihin na ganun ang nararamdaman ko dahil baka masaktan sya. Sana naman minsan, makiramdam sya sakin.

Friday ngayon, hindi ako nagising sa usual kong oras na nagigising. Di kasi ako nakatulog agad kagabi dahil naulan. Pinapakinggan ko ang tunog ng patak ng ulan na bumabagsak sa bubong namin. Hindi naman ako ginising ni Ms. Eli, and it seems very weird. Ayaw nya kasing aabutin ako ng 9 AM sa higaan. Pero nagulat ako, first time 'to! Nagayos na agad ako, nagpalit ng damit at naglinis ng katawan ko.

The Diamond BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon