Chapter XXI: The Lady in Black

53 4 0
                                    

Sinabi ko agad kay Ms. Eli yung nadiscover namin kagabi ni Yvan. Pero, kailangan ko padin magsinungaling kung paano ko talaga nalaman na kaya kong pagalingin ang sarili ko. At hindi ko din sinabi na alam na ni Yvan ang curse.

 “Maria!” Halos atakihin na si Ms. Eli nung sinugatan ko ang sarili ko. Bago pa sya makapagsalita ulit, sumara na yung sugat. Bilang lang ang mga diamonds na lumabas sa sugat ko.

“See, Ms. Eli?” I said excitedly. Hinawakan ni Ms. Eli yung kamay ko at sinuri ito.

“Totoo ba talaga yun?” Tanong nya.

“Gusto nyo po ulitin ko?”

“Hindi na!” Mabilis na sagot ni Ms. Eli. “Naniniwala na ako. Pero wag na wag mo na ulit susugatan ang sarili mo just because you can heal yourself, understand?”

“Yes, Ms. Eli.”

*****

      That night, hinihintay ko na ilawan ni Yvan ang bintana ko. Meron daw syang nalaman na lugar at pupunta kami ngayong gabi dun. Sa sobrang excited ko, hindi ako mapakali. I checked my phone a lot of times in case na magtext si Yvan.

“Good evening, Maria.” Said a cold female’s voice that gave me a familiar chill in my body. There’s a flash. Dahan dahang nagiging black and white ang paligid. Napatakbo agad ako sa pinto para lumabas, pagbukas ko ng pinto, nakatayo sya sa tapat mismo ng kwarto ko, “Saan ang punta mo?” Said the Lady in black robe. Hindi ako makasigaw, hindi ko matawag si Ms. Eli. Napaatras ako sa takot. She stepped closer and removed her robe that revealed her face.

It strucked me, immediately.

She looked like me. She had the same features as me. Pale skin and red eyes.

      Sa kakaatras ko, muntik nakong mapatid sa kama ko. Una kong naisip na magdasal. So, I did. I closed my eyes and started stating a silent prayer in my mind.

“Do not be afraid, Maria. Hindi kita sasaktan.” Sabi nya. Naramdaman ko na lang na may nakahawak na sa braso ko. Pagbukas ko ng mata ko, halos hindi na ako huminga nang makita ko kung gaano na sya kalapit sakin. Umatras pa ako, nanginginig na ang katawan ko.

“L-Lumayo ka s-sa-sakin!” Sigaw ko. Sana dumating na si Ms. Eli. Sana iligtas nya ako.

Help me.

Thank God, lumayo sya sakin.

“Calm down, I won’t hurt you.”

“Anong kailangan mo!” Tumakbo ako sa kabilang side ng kama at hinawakan ang unang bagay na nakuha ko, which is hanger. Agad kong tinutok yun sa kanya, kitang kita ko kung paano manginig ang mga kamay ko.

“Tuturuan kita. Lahat ng gusto mong malaman tungkol sa pamilya natin ay sasagutin ko.” She said, sa tono at sa mukha nya, mukhang hindi naman sya nagsisinungaling. “I’m Veronica.” She started again, “It was a bus accident when Rachel saved me from death. Si Rachel yung nagpasa sakin ng tradition. I was 14 that time kaya nag- iba agad ang itsura ko nung napasa na nya sakin. It’s like a virus that gradually infected me. Mahirap sa part ko, no one claimed me in the hospital, kahit ang mga kamag-anak ko. My parents and my brother died in that accident. Umalis ako ng hospital nung nagsimula ng magtaka ang mga doctor at nurses kung bakit wala man lang akong galos, at syempre dahil sa itsura ko nun. Tumakas ako. Ilang araw akong palaboy- laboy hanggang sa may isang mabait na babae ang umampon sakin.” She faced the window.

“Dinala nya ako sa America at tinuring na isang anak. By then, 20 years old nako nung nakita ako ni Rachel. Sunod sunod ang nangyari, namatay yung umampon sakin. Nagtago ako kay Rachel, dahil katulad mo, hindi ko matanggap at natatakot ako. When I turned 21, a group of soldiers started to chase me. Wala akong idea kung sino sila, muntik na nila akong mahuli, but Rachel saved me, for the second time. That was the time na sumama nako sa kanya. I have no choice and I know I chose the right decision to go with her.” I felt really sorry for her. Kahit na hindi ko sya ganun kakilala. She looked at me.

The Diamond BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon