Katabi ko si Ms. Eli habang nakain sya. Nakakatuwa naman yung mga anak na babae ni Ms. Ellen. Mga bata pa talaga. 10 si Yna tapos 11 naman si Yssa. Yung panganay nga lang na lalaki ang hindi ko pa nakikita kasi wala pa daw sabi ni Ms. Ellen. Excited nadin akong makita yung guy kasi baka.. yun nga.. basta I'm interested sa kanya.
"Mga dalaga't binata dyan sa labas! May dessert dito sa loob, halikayo!" sigaw ni Ms. Ellen sa terrace. Nandun nga sila Elaiza at yung iba. Biglang tumahol si Joseph.
"Sshh! Joseph! Behave!" I said. agad namang tumahimik si Joseph sa isang tabi at humiga.
Maya maya, pumasok na sila Juvy, Elaiza, Paul, Anne, Dennis at Dave. Nginitian ako ni Dave. Nahihiya tuloy ako. Kasi naman dati tinanong nya ako kung pwede syang manligaw sakin kaso ang sabi ko hindi ko naman gusto ang mga katulad nya. Si Ms. Eli din, ayaw nya din kay Dave, medyo hindi kasi maganda ang ugali ni Dave tsaka mukhang taong adik. Yun ang sabi ni Ms. Eli. Kaya nahihiya ako kasi binasted ko sya.
"Hi, Maria!" Bati nila Anne at Juvy. Ngumiti lang ako.
"Yvan! Halika na!" Tawag ni Elaiza sa labas.
"Kasama nyo ba si Yvan?" Tanong naman ni Ms. Ellen.
"Opo, Tita. Magkakasama po kami kanina pa." Sagot ni Anne. Tumayo si Ms. Ellen at lumabas.
"Nandyan ka lang palang bata ka. Kanina pa kita hinahanap e." Sabi ni Ms. Ellen.
"Eh nandito lang naman po ako." Sabi ng isang lalaki. Sinubukan ko sumilip sa labas pero hinawakan ako ni Ms. Eli sa braso, kaya umayos ako sa pagkakaupo. Biglang pumasok si Ms. Ellen na may higit higit na damit mula sa labas.
"Eli, eto nga pala ang panganay ko, si Yvan." Pakilala ni Ms. Ellen tapos hinigit na nya papasok yung lalaki. Napakamot na lang sa ulo yung lalaki. Tiningnan ko si Ms. Eli, she adjusted her eyeglasses tapos sinuri si Yvan mula paa hanggang ulo.
"Aba't magandang lalaki ang anak mo." Sabi ni Ms. Eli. Nagulat ako. Ngayon ko lang sya narinig na magsalita ng ganyan.
"Kanino pa ba magmamana ang mga anak ko, syempre sa ina nila." Tuwang tuwang sabi ni Ms. Ellen. Nagtawanan yung mga kasama namin. Namula tuloy ang mukha ni Yvan dahil sa hiya.Tinitigan ko si Yvan. I felt a cold spark formed inside my body. I inhaled deep at nawala na yung weird feeling ko kanina. What was that!? Napatungo ako sa lap ko. Nilaro ko yung mga daliri ko para huminahon ako. After some seconds, binalik ko na din ang tingin ko kay Yvan. Nakakatuwa yung smile nya. Pag nagsmile sya buong mukha nya nakasmile din lalo na yung mga mata nya. May dimples din sya left cheek. Pero bakit hindi sya kamukha ni Ms. Ellen? Sa tatay kaya nya nakuha yung features ng mukha nya?
"Tsaka pala, Yvan, si Maria nga pala." Habol pa ni Ms. Ellen na nakatingin sakin. Tiningnan ako saglit ni Yvan tapos hindi na umimik. Siniko ni Ms. Ellen si Yvan tapos nagbulungan sila. Tumingin ulit sakin si Yvan, ngumiti na lang ako. Biglang nanlaki ang mga mata nya. Anong meron? Bigla syang bumulong ulit sa mommy nya tapos tumawa na lang si Ms. Ellen. "Oh sige. Punta na kayo mga bata dun sa kusina. Kumain kayo ng kumain dun." Sabi ni Ms. Ellen na tinutulak sila Elaiza papunta sa kusina.
Biglang lumapit sakin si Joseph at kinikiskis ang mabalahibo nyang katawan sa binti ko. Pinagpatuloy na ng mga matatanda ang kanilang usapan.
"Oh Maria?" Umupo si Ms. Ellen sa tapat ko, bakit hindi ka pa napunta dun?" Tanong nya.
"Dito na lang po." Sagot ko.
"Sumama ka na dun sa mga kaedad mo. Baka mabored ka sa mga paguusapan naming mga may edad na dito." Sabi ni Ms. Ellen. Actually, kanina pa nga ako nabobored pero alam ko namang hindi ako pwedeng umalis sa tabi ni Ms. Eli e. Tiningnan ko lang si Ms. Eli.