"Maria.. pag may kumatok sa pintuan natin, titingnan mo muna sa bintana kung sino. Kung kakilala natin tsaka mo buksan, kung ibang tao naman wag mo ng bubuksan." Bilin ni Ms. Eli,"Wag kang lalabas ng bahay.. darating mamaya yung magrerepair, hindi ko alam kung anong oras pero pag dumating sya.. ituro mo sa kanya lahat ng aayusin. Tingnan mo kung maayos nya ginagawa." Kinuha na nya yung bag at payong nya.
"Opo, Ms. Eli.." Sabi ko na pinipigilan ang saya ko.
"Babalik agad ako, kung may emergency.. pumasok ka na agad sa kwarto mo tapos wag ka ng lalabas." Habol pa ni Ms. Eli.
"Opo." Lumabas na sya.
"I- lock mo ang pinto pag kaalis ko." sabi ni Ms. Eli at lumabas na. Si Joseph naman na nakatali sa gate ay tinahulan sya. May sinabi si Ms. Eli kay Joseph pero di ko narinig. Tumahol lang si Joseph. Nagwave ako kay Ms. Eli tapos sumakay na sya sa tricycle. Nagtatalon ako sa tuwa nung nakalayo na si Ms. Eli. Yey! Sinara ko yung pinto at nilock.
Humiga ako sa sofa.. Hayy. Ang sarap ng feeling ng ganito. Sana naman dumating sila Elaiza para makakausap ko sila. Kahit saglit lang. Hayy. Sana matagalan si Ms. Eli sa palengke. Nagulat naman ako nung biglang tumahol si Joseph. Natalisod pako nung bigla akong tumayo mula sa sofa para silipin kung sino. Ohhh. Si Yvan. Nagtago ako bigla sa gilid. Bakit nandito sya? Patuloy padin sa pagtahol si Joseph.
"Joseph.. wag mo akong tahulan. Ako ang mag- aayos ng bahay nyo!" Sabi ni Yvan. Sumilip ulit ako. Sya yung mag- aayos? Bakit hindi agad sinabi sakin ni Ms. Eli?
Yvan's POV
"Sige ka. Pag tumahol ka pa, hindi ko na aayusin yung mga sira sa bahay nyo.." Panakot ko kay Joseph. Ayaw kasi akong tigilan sa pagtahol. Nakakainis naman 'tong asong 'to! Napatingin ako kay Maria sa bintana nila. I tensed. Lagi na lang akong ganito. Pinipilit ko na nga lang na magmukhang normal by smiling at her at kumaway. Pero kahit na ganun, kinakabahan padin ako pag nasa malapit sya.
Mabilis syang nawala sa bintana nung nakita nyang nakatingin ako sa kanya. Biglang bumukas ang pinto. Para akong naging statwa nung nakita ko sya. Bakit naman kasi biglaan na lang sya magpapakita sa pinto? Ano bang meron sya at ganito lagi ang pakiramdam ko? Pag biglaan lagi para akong natitigilan at nawawala sa sarili ko.
"Yvan! Anong ginagawa mo dito?" nabigla sya tapos ang bilis nyang maglakad papalapit sakin. Lalo tuloy akong kinabahan at parang ayoko ng gumalaw sa kinatatayuan ko. Patuloy padin sa pagtahol si Joseph, lalo pang lumakas ang tahol nya. "Joseph!" Napasigaw si Maria kaya parehas kami ng initial reaction ni Joseph. Nagulat kami parehas at parang nakakita ng multo. Gumawa si Joseph ng sound na parang naiyak tapos tumungo na dun sa isang sulok.
"Ah- eh.. yun nga. Ako daw yung mag- aayos sa bahay ninyo." Sabi ko.
"Ikaw?! Bakti ikaw?!" Nagtatakang tanong ni Maria.
"Ewan ko. Sabi kasi ni Mommy, nagpapahanap daw si Ms. Eli ng repair man tapos sabi nya ako na lang daw." Paliwanag ko. Nagmamadaling binuksan ni Maria yung gate nila tapos pinapasok ako.
"Sige. Pasok ka." Sabi ni Maria hanggang sa nakarating kami sa pinto. Si Joseph nandun padin sa isang sulok at nag- eemote. "Pasensya ka na kay Jospeh, Yvan ha.."
"Ayos lang yun." Nilapag ko yung mga gamit pang- ayos tapos nilagay yung earphones ko sa tenga ko. "Saan ba yung mga aayusin?" Tanong ko.
"Sa taas muna tayo. Dun sa kwarto namin ni Ms. Eli." Sabi nya tapos nagsimula na syang umakyat. Aakyat na sana ako kaso bigla naman syang bumaba, "Yung pinto pala."
"Ako na." Tumakbo naman ako para isara yung pinto.
"Paki- lock, please." Sabi nya. Sinunod ko naman. "Salamat." Tapos umakyat na ulit sya. Kinuha ko yung mga gamit ko tapos sumunod sa kanya sa taas. Sa tapat ng hagdanan, may isang pinto tapos sa kaliwa din at kanan ay may pinto din. Saan kaya yung kwarto nya dito? Lumiko sya sa kaliwa. "Eto kasing pinto, minsan loose na yung knob." Sabi ni Maria at binuksan yung pinto. Tiningnan ko yung sa loob ng kwarto. Kung gaano ka- walang buhay sa labas ng bahay nila, ganun din sa kwarto.