Chapter XXVI: Against All Odds

34 4 0
                                    

Ms Eli was still on coma. Nakalipat na rin sya ng room and she’s under observation. Sobrang stressful ng pangyayari. Hindi nako umaalis ng hospital, I can’t afford na gumising si Ms Eli na wala ako sa tabi nya. At isa pa sa problema, habang tumatagal ang pananatili namin sa Hospital, mas lumalaki din ang gastusin.

Kahit anong gawin kong compute sa naipon namin, parang kulang padin. Nagbigay naman yung mga kapitbahay namin. I somewhat assumed na hindi pa nasasabi sa kanila ni Ms Ellen ang tungkol sa sumpa ko. Nagalaw nadin ni Yvan yung ipon nya.

“I’m so tired, Yvan.” I told him. Nagbabantay kami ngayon on 9th day ni Ms Eli sa hospital.

“Magpahinga ka na. Ako na ang magbabantay buong gabi.” He whispered.

“Kailan kaya sya magigising?” I wondered, “Feeling ko hindi ko na kakayanin pa ang isang araw na nanunuod lang sa kanya na natutulog, wondering what will happen next. I hate seeing her like this.”

“Sshhh.. Kaya mo yan. Nandito ako. Kung feeling mo matutumba ka na, aalalayan kita at itatayo.” I hugged him. I’m too thankful to demand, I’m still blessed to worry. Yvan’s here. He is all I need.

***

Kinabukasan, umuwi kami sa bahay para kumuha ng iba pang gamit. Hinanap ko nadin ang bank passbook namin ni Ms Eli. I saw it together with some plane tickets, house address and keys. I guessed na yun yung mga gagamitin namin papunta ng Batanes. I hated myself. Paano kung pumayag na lang ako na umalis kami? Paano kung pinabayaan ko na lang si Ms Eli na magdesisyon at sumunod na lang ako? Edi sana hindi nangyari ang mga nangyari.

I checked our passbook, from hundred thousands, our money was down to ten thousand. I can’t believe this. Ms Eli planned it all out knowing na susunod ako sa kanya. She risked it all. She risked everything we have.

“Yvan!? YVAN!” I heard a shout outside. Nagtatakbo agad ako palabas, nasa loob lang ng van si Yvan tapos nasa labas si Ms Ellen at sinisigawan sya. “Buksan mo ‘to ngayon na! Inuutusan kita, Yvan!” Walang ginawa si Yvan. Pumasok ako sa bahay at nilock ang pinto. Nagring ang phone ko, si Yvan.

“Yvan, anong gagawin natin?”

“Dyan ka lang sa loob ha? Ako ng bahala kay Mommy. Kunin mo na lahat ng dapat mong kunin, oras na matapos ka, tawagan mo ko. Aalis agad tayo.”

“Pero, Yvan.. Ang mommy mo. Kailangan mo syang kausapin.” I said. Nagguilty nako sa ginagawa nya kay Ms Ellen. Hindi na tama.

“Hindi mo kilala si Mommy, Maria. Once na may gusto syang gawin, there’s no changing that. Wala na kaming paguusapan pa.”

“Pero.. Yvan..”

“Maria. Please.. Let’s just hurry and go back to Ms Eli.”

“Okay, Yvan. Bibilisan ko na.” I ended the call and quickly put everything I need inside a bag.

Suddenly, a flash, then everything’s nostalgia. I wanted to run, but there’s no running away. There’s nowhere to run. Hinanda ko ang sarili ko sa pagpapakita ni Veronica.

“The Clan is wishing for your appearance..” Veronica said. She was standing on the staircase with Joseph. Joseph. I totally forgot Joseph. I haven’t seen him since the New Year’s Party.

“I must decline, I’m busy.” I said. Hinimas nya ang mga balahibo ni Joseph. “Joseph, come here.” I spread my arms. He ran to me. “Good boy, Joseph. Good boy. Sorry dahil hindi na kita naasikaso. Alam mo naman ang nangyari kay Ms Eli diba? She needs me now.” He stared at me, but didn’t reply. “You understand, right? Ms Eli is very important to us. I can’t leave her alone.” Napatingin sya kay Veronica, then sakin. I stood up.

The Diamond BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon