Chapter XVI: Maybe I Should Try

70 5 0
                                    

Yvan’s POV

     I waited Maria outside the window. Nailawan ko na yung kwarto nya at sumilip nadin naman. Baka nagpapalit lang sya ng damit kasi sabi ko malamig dito sa labas. Maya maya pa ay dahan dahan ng binuksan ni Maria ang bintana. She smiled at me. I tensed. Kailan ba ako masasanay sa mga ginagawa nya? Dahan dahan syang umakyat sa board ng bintana. Hinawakan ko sya sa bewang at tsaka tumalon.

“Hello, Yvan.” She whispered while she smiles. Kinakabahan ako. Para maitago ang kabang nararamdaman ko, ngumiti ako. I swallowed. Hindi nako pwedeng umatras sa plano ko.

“Let’s go.” Sabi ko sabay hinga ng malalim. Hinawakan ko ang kamay nya na lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko, naglakad na kami.

“Bakit?” Tanong ni Maria.

“Anong bakit?” I asked back.

“May problema ba? Ang lalim kasi ng paghinga mo kanina eh.” Napansin pala nya.

“Wa- wala naman. Gusto ko lang langhapin ang malamig na hangin.” Palusot ko. Huminga ulit ako ng malalim. “Ahhhh.. sarap ng hangin.”

“Anong lasa?” Natawa kami parehas. “Christmas breeze.” She whispered and inhaled so deep. I watched her as she closed her eyes and exhaled, and inhaled again. What spell did she use to me and I just can’t take her off my mind even she’s with me here?

Iniisip ko sya pag nakikita ko ang araw. Naiisip ko sya pag humahangin. Naiisip ko sya pag umiinom ako ng tubig. Naiisip ko sya pag nakain ako. Naiisip ko sya pag nagddrive ako papunta sa school or kung saan man. Naiisip ko sya pag nakikinig sa lesson ng prof sa school. Naiisip ko sya pag matutulog na ako. Naiisip ko sya pag kasama ko sya. Naiisip ko sya lagi. Sya na nga lang yata ang laman ng isip ko eh.

“Why are you staring at me?” She suddenly asked that brought me back to reality.

“Uh- ..Uh? Paano mo naman nasabi na sa’yo ako nakatingin eh ang dilim dilim?” I looked away immediately.

“Because I’m looking at you, crazy.” She laughed silently. Yeah, I’m crazy.. for you. I just smiled. I’m all choked out with her. "May nakakatawa pala akong sasabihin sa’yo.” She said, changing the topic. I’m glad she did.

“Siguradong hindi ako yan.” I added. She laughed again.

“Kaninang umaga while having breakfast, medyo napagalitan ako ni Ms. Eli.” Sabi nya pero nakangiti.

“Bakit? Anong sabi?”

“Kasi hikab daw ako ng hikab sa Simbahan habang nagmimisa. Eh dati naman daw hindi ako ganun. Kaya ayun, hindi nya ako pinagkomunyo dahil daw inaantok daw ako sa Bahay ng Diyos.” Tumawa ulit sya.

“Ang higpit naman ni Ms. Eli.” I commented.

“Hindi mo pa ba alam yun?”

“Alam ko naman na mahigpit sya at.. masungit.” I added na nagpatawa muli kay Maria.

“Kanina ding hapon napagsabihan nya ako kasi maghapon daw ako natulog, ni hindi na nga daw ako bumaba para kumain ng tanghalian eh.” She said, “Antok na antok kasi talaga ako. Kaso masakit pala sa ulo pag nasobrahan ka sa tulog.”

“Gano kahaba ka ba kasi natulog?”

“Mga 9AM yata ako umakyat sa kwarto tapos 2PM nako nagising.”

“Sasakit talaga ulo mo nun, kung mga 5PM ka nagising hindi masakit sa ulo.”

“Paano mo nasabi?”

“Gawain ko yun eh!”

“Batugan!” Parehas kami natawa. Tanaw nadin namin ang sadya namin. “Sabi nga ni Ms. Eli, mukhang hindi daw maganda na nagsarili ako ng kwarto eh.  Bumalik na daw ako sa kwarto namin.”

The Diamond BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon